Sa artikulong ito
- Saan mo makokontrol ang iyong mga ad
- Mag-block ng ad
- Mag-ulat ng ad
- Mag-like ng ad
- I-customize ang iyong mga ad
- Tungkol sa advertiser na ito
Saan mo makokontrol ang iyong mga ad
Sa Ang Aking Ad Center at Tungkol sa Ad na ito, may mas malaki kang kontrol sa iyong karanasan sa ad. Nasa mga serbisyo ng Google ka man, tulad ng YouTube at Search, o sa mga site na nakikipagtulungan sa Google para magpakita ng mga ad, puwede kang mag-block ng ad, mag-ulat ng ad, puwede mong malaman kung sino ang nagbayad para sa isang ad, at marami pang iba.
Pinakagumagana ang Ang Aking Ad Center sa mga pinakabagong bersyon ng iyong browser. Kung wala ang pinaka-up to date na bersyon ng iyong browser, baka hindi mo magamit ang Ang Aking Ad Center. Matuto pa tungkol sa kung paano i-update ang iyong browser.
Ang Aking Ad Center sa mga ad
Puwede mong buksan ang Ang Aking Ad Center nang direkta sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube.
Para buksan ang Ang Aking Ad Center sa isang ad: piliin ang Higit Pa o Impormasyon
.
Ang Aking Ad Center sa iyong Nakakonektang TV
Kung gumagamit ka ng Nakakonektang TV sa Android TV, Google TV, o ng YouTube app sa iyong TV, mabubuksan mo ang Ang Aking Ad Center mula mismo sa mga ad na nakikita mo. Para makatulong na protektahan ang iyong privacy, bibigyan ka ng espesyal na link at QR code para i-access ang Ang Aking Ad Center.
Para i-access ang Ang Aking Ad Center sa iyong Nakakonektang TV, gamit ang remote o nakakonektang mobile device mo:
- Sa ad, piliin ang Mga Opsyon sa Ad.
- Bisitahin ang ibinigay na espesyal na link
O - I-scan ang QR Code sa iyong Nakakonektang TV gamit ang camera ng mobile device mo.
Tungkol sa Ad na ito
Puwede mong buksan ang Tungkol sa Ad na ito nang direkta sa mga ad na nakikita mo sa mga site at app ng partner. Ang mga site at app ng partner ay gumagamit ng teknolohiya ng Google para magpakita ng mga ad at hindi pagmamay-ari o pinapatakbo ng Google.
Mag-block ng ad
Sa Ang Aking Ad Center at Tungkol sa Ad na ito, puwede kang mag-block ng mga ad na ayaw mong makita. Pagkatapos mong mag-block ng ad, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para matiyak na hindi mo na makikita ang parehong ad sa mga serbisyo o partner na site ng Google, nang hindi bababa sa anim na buwan, habang naka-sign in ka sa iyong Google Account.
Hindi available ang feature na ito kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad o kung naka-sign out ka sa iyong Google Account.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa Google.
Sa Google
Para mag-block ng ad sa serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube:
- Sa ad, piliin ang Higit Pa
o Impormasyon
.
- Piliin ang Mag-block ng ad
.
Sa iyong Nakakonektang TV
Para hindi na makakita ng ad sa iyong Nakakonektang TV, gamit ang remote o nakakonektang mobile device mo:
- Sa ad, piliin ang Mga Opsyon sa Ad.
- Piliin ang Ayaw nang makita ang ad na ito.
Sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google
Para hindi na makakita ng ad sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google:
- Sa ad, piliin ang Isara
o Adchoices
.
- Piliin ang Ayaw nang makita ang ad na ito.
Paano mag-ulat ng ad
Ang pagpapanatili sa mga ad na ligtas para sa mga user ay ang pangunahing priyoridad ng Google, pero kung minsan, may nakakasingit na hindi magandang ad. Kung makakita ka ng ad na sa tingin mo ay lumalabag sa mga patakaran sa ad ng Google, puwede mo itong iulat.
Depende sa kung saan mo nakikita ang isang ad, posibleng may kaunting kaibahan sa hakbang at mga icon sa ibaba. Para mag-ulat ng ad:
- Para sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google, sa ad, piliin ang Higit Pa
o Impormasyon
.
O
Para sa mga ad na nakikita mo sa mga site at app na nakikipagtulungan sa Google, sa ad, piliin ang Isarao Adchoices
Bakit ipinapakita ang ad na ito?
- Kung makakakita ka ng maraming ad sa itaas ng Ang Aking Ad Center, piliin ang ad na gusto mong iulat.
- Piliin ang Iulat ang ad
.
- Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, ilagay ang email address mo.
- Piliin ang dahilan kung bakit mo inuulat ang ad.
- Punan ang form.
Kung may anumang na-prefill na field ang form, huwag i-edit ang mga iyon. - Kung kinakailangan, magbigay ng mga karagdagang detalye na nagpapaalam sa amin kung bakit sa tingin mo ay lumalabag ang ad na ito sa aming mga patakaran.
Halimbawa, kung sa tingin mo ay phishing ang isang ad, ibigay ang pangalan ng site kung saan daw nagmula ang ad na ito. - Piliin ang Isumite.
Pagkatapos mong mag-ulat ng ad, makakakuha ka ng email na nagkukumpirmang natanggap namin ang iyong ulat.
Mag-like ng ad
Kung makakita ka ng ad sa Google para sa isang produkto o serbisyo kung saan ka interesado, puwede mong i-link ang ad na iyon. Pagkatapos mong mag-like ng ad, puwede kang magsimulang makakita ng mga ad na tulad nito nang mas madalas.
Para mag-like ng ad sa mga site ng Google:
- Sa ad, piliin ang Higit Pa
o Impormasyon
.
- Kung marami kang ad na nakikita sa itaas ng Ang Aking Ad Center, piliin ang ad na gusto mong i-like.
- Piliin ang Mag-like ng ad
.
Hindi available ang feature na ito kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad o kung naka-sign out ka sa iyong Google Account.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa Google.
I-customize ang mga paksa at brand ng ad
Sa Ang Aking Ad Center, puwede mong i-customize ang iyong mga ad sa pamamagitan ng pagpili sa mga paksa at brand kung saan mo gustong makakuha ng mas marami o mas kaunting ad. Sa pamamagitan ng pag-customize ng iyong mga ad, mayroon kang mas malaking kontrol sa mga uri ng mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube.
Kapag na-customize mo ang iyong ad, iniimpluwensiyahan mo kung paano tinutukoy ng Google ang mga ad na ipapakita sa iyo. Kung sasabihin mo sa Google na gusto mong makakita ng higit pang ad tungkol sa hiking at makakita ng mas kaunting ad tungkol sa alahas, puwede kang makakita ng higit pang ad na nauugnay sa mga labas at mas kaunting ad na nauugnay sa mga kuwintas.
Sa Google
Puwede mong i-customize ang iyong mga ad sa Ang Aking Ad Center at sa mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google. Para i-customize ang iyong mga ad, kapag nakakita ka ng ad sa Google:
- Sa ad, piliin ang Higit Pa
o Impormasyon
.
- Piliin ang Tumingin pa
o Tumingin nang mas kaunti
sa mga paksa o brand kung saan gusto mong makakita ng mas marami o mas kaunting ad.
Ilulunsad ang Ang Aking Ad Center sa lahat ng serbisyo ng Google. Gayunpaman, posibleng hindi mo makita ang feature na ito sa lahat ng serbisyo ng Google.
Hindi available ang feature na ito kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad o kung naka-sign out ka sa iyong Google Account.
Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad sa Google.
Tungkol sa advertiser na ito
Inaatasan ng Google ang mga advertiser na kumumpleto ng proseso ng pag-verify sa pagkakakilanlan. Sa proseso na ito, kinakailangang magbigay ang mga advertiser ng legal na dokumentasyong may pangalan at lokasyon nila. Makikita mo ang mga paghahayag ng ad na ito sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube, at sa iba pang site na nakikipag-partner sa Google.
Matuto pa tungkol sa proseso ng pag-verify ng advertiser
Sa Google
Para matuto pa tungkol sa isang advertiser sa mga serbisyo ng Google, tulad ng Search at YouTube:
- Sa ad, piliin ang Higit Pa
o Impormasyon
.
- Piliin ang Tungkol sa advertiser na ito.
Sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google
Para matuto pa tungkol sa isang advertiser sa mga site at app na nakikipag-partner sa Google:
- Sa ad, piliin ang Isara
o Adchoices
.
- Piliin ang Bakit ipinapakita ang ad na ito?