Ang malware ay hindi ligtas o hindi gustong software na posibleng magnakaw ng iyong impormasyon o makapinsala sa device mo.
Posibleng may malware ang iyong device kung:
- Na-sign out ka ng Google sa iyong Google Account para protektahan ang device mo.
- May mga natatanggap kang kakaibang bagay sa iyong device, gaya ng mga pop-up ad na hindi nawawala.
Mahalaga: Kung hindi mo aalisin ang malware sa iyong device, posibleng ma-sign out ka ulit.
Mga senyales sa iyong device
- May natatanggap kang mga mensahe tungkol sa isang virus.
- Hindi na gumagana ang iyong anti-virus program.
- Napakabagal ng iyong device.
- Mas kaunti na ang space sa iyong device kumpara sa dati.
- Hindi gumagana nang maayos ang iyong device.
Mga senyales sa iyong browser
- May natatanggap kang mga mensahe tungkol sa isang virus.
- May mga natatanggap kang pop-up ad at bagong tab na ayaw maalis.
- Bumabalik ang mga hindi gustong extension o toolbar ng Chrome.
- Napupunta sa mga lugar na hindi mo alam ang iyong mga page sa internet.
- Nagbabago ang iyong homepage o search engine sa Chrome nang walang pahintulot mo.
Iba pang sintomas
May natatanggap ang iyong mga contact na mga email o mensahe mula sa iyo, pero hindi mo ipinadala ang mga ito.
Hakbang 1: Alisin ang malware
Mga Windows computer
- Gamitin ang Google Chrome.
- Pumunta sa Microsoft support para malaman kung paano:
- Gumamit ng software na nasa computer mo na.
- Gumamit ng anti-virus software.
- Matuto pa tungkol sa mga anti-virus software.
- Kunin lang ang mga software na ito mula sa mga website na pinagkakatiwalaan mo.
Para malaman kung paano mag-alis ng hindi ligtas na software, pumunta sa Microsoft support.
Mga Mac computer
Para mag-alis ng hindi ligtas na software, manual itong i-delete.
Para sa higit pang tulong, pumunta sa Apple support.
Mga Chromebook
Puwede mong alisin ang mga hindi gustong app sa iyong Chromebook.
Tip: Kung ila-lock ng pekeng website ang iyong Chromebook, puwede mong i-unlock ito.Hakbang 2: Alisin ang mga hindi pinagkakatiwalaang extension ng browser
Hakbang 3: I-reset ang mga setting ng iyong browser
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
Mga Setting.
- I-click ang I-reset ang mga setting
I-restore ang mga setting sa mga orihinal na default ng mga ito
I-reset ang Mga Setting.
Kung ire-reset mo ang iyong browser, i-on ulit ang ilang extension. Para i-on ang mga extension:
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
Higit Pang Tool
Mga Extension.
- I-on lang ang mga extension na pinagkakatiwalaan mo.
Hakbang 4: I-update ang operating system ng iyong computer
Para malaman kung paano i-update ang iyong operating system, pumunta sa help center para sa computer mo.
- Para i-update ang Windows, pumunta sa Microsoft support.
- Para i-update ang MacOs, pumunta sa Apple support.
Hakbang 5: Suriin ang iyong seguridad
- Sa iyong computer, magbukas ng browser, tulad ng Chrome.
- Pumunta sa myaccount.google.com/security-checkup.
- Ayusin ang anumang isyu sa seguridad sa iyong account.
Tip: Puwede mong alamin kung paano suriin ang mga setting ng iyong account at panatilihing ligtas ang account mo.