Kung nakalimutan mo ang iyong password o username, o hindi ka makatanggap ng mga code sa pag-verify, sundin ang mga hakbang na ito para i-recover ang Google Account mo. Sa ganoong paraan, magagamit mo ang mga serbisyong tulad ng Gmail, Photos, at Google Play.
Mga Tip:
-
Hindi ka maaalis sa proseso ng pag-recover ng account dahil sa mga maling hula. Walang limitasyon sa bilang ng mga pagkakataong puwede mong subukang i-recover ang iyong account.
- Kung gumagamit ka ng account sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang grupo, posibleng hindi gumana ang mga hakbang na ito. Makipag-ugnayan sa iyong administrator para sa tulong.
- Para mag-recover ng account para sa batang wala pang 13 taong gulang (o ang naaangkop na edad sa iyong bansa), puwede mong i-reset ang password ng bata.
Nakalimutan ang iyong password
- Sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong Google Account o Gmail.
- May ilang bagay na itatanong sa iyo para makumpirmang account mo ito. Sagutin ang tanong sa abot ng iyong makakaya.
- Kung nagkakaproblema ka, subukan ang mga tip para maisagawa ang mga hakbang sa pag-recover ng account.
- I-reset ang iyong password kapag na-prompt. Pumili ng malakas na password na hindi mo pa nagagamit sa account na ito. Alamin kung paano gumawa ng malakas na password.
Nakalimutan ang email address na ginagamit mo para mag-sign in
- Para mahanap ang iyong username, sundin ang mga hakbang na ito. Kailangan mong malaman ang:
- Numero ng telepono o email address sa pag-recover para sa account.
- Buong pangalan sa iyong account.
- Sundin ang mga tagubilin para makumpirmang iyo ang account.
- Makakakita ka ng listahan ng mga username na tumutugma sa iyong account.
May ibang gumagamit ng iyong account
Kung sa tingin mo ay may ibang gumagamit ng iyong Google Account nang walang pahintulot mo, sundin ang mga hakbang para mag-recover ng na-hack o na-hijack na Google Account o Gmail.
Hindi makapag-sign sa iba pang dahilan
Kung may isa ka pang problema, humingi ng tulong sa pag-sign in.
Mag-recover ng na-delete na Google Account
Kung na-delete mo ang iyong Google Account kamakailan, puwede mong sundin ang mga hakbang para i-recover ang iyong account.
Hindi pa rin makapag-sign in
Gumawa ng bagong account
Kung hindi ka makapag-sign in, subukan ang mga tip na ito para sa pag-recover ng account.
Kung hindi mo pa rin ma-recover ang iyong account, puwede kang gumawa ng bagong Google Account. Kapag gagawin mo ito, puwede mong sundin ang mga hakbang na ito para maiwasang ma-lock out sa iyong Google Account.
Iwasan ang mga serbisyo sa pag-recover ng account at password
Para sa iyong seguridad, hindi ka puwedeng tumawag sa Google para sa tulong sa pag-sign in sa account mo. Hindi kami nauugnay sa anumang serbisyong nagsasabing nagbibigay ito ng suporta sa account o password. Huwag ibigay ang iyong mga password o code sa pag-verify.