Email na ‘pinigilan ang kahina-hinalang pag-sign in’

Kung nakatanggap ka ng email na ‘pinigilan ang kahina-hinalang pag-sign in’ mula sa Google, nangangahulugan ito na na-block namin kamakailan ang isang pagsubok na i-access ang iyong account dahil hindi kami sigurado kung ikaw talaga ito. Para tulungan kang protektahan ang iyong account, magpapadala kami sa iyo ng email kapag may napansin kaming hindi pangkaraniwang aktibidad sa pag-sign in, tulad ng pagsubok na mag-sign in mula sa ibang lokasyon o device kaysa sa nakasanayan.

Paano ko malalaman na nagmumula talaga sa Google ang email na ito?

Sa kasamaang-palad, minsan ay sinusubukan ng mga hacker na kopyahin ang email na “pinigilan ang kahina-hinalang pag-sign in” para nakawin ang impormasyon ng account ng iba pang mga tao. Palaging maging maingat sa mga mensaheng humihingi ng personal na impormasyon tulad ng mga username, password o iba pang impormasyon ng pagkakakilanlan, o ipinapadala ka sa mga hindi pamilyar na website na hinihingi ang impormasyong ito.

Para maging ligtas, kung magkakaroon ka ng email mula sa Google na nagno-notify sa iyo tungkol sa kahina-hinalang aktibidad, sundin ang mga direksyon sa ibaba para maghanap ng kahina-hinalang aktibidad ng account at baguhin ang iyong password kung may mapansin kang hindi pamilyar.

Maghanap ng kahina-hinalang aktibidad ng account

Kung iyong natanggap ang email na ito, inirerekomenda naming suriin mo ang iyong kamakailang aktibidad:

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang panel ng navigation, i-click ang Seguridad.
  3. Sa panel na Mga kamakailang event sa seguridad, i-click ang Suriin ang mga event sa seguridad.
  4. Suriin ang iyong kamakailang aktibidad at maghanap ng mga hindi pamilyar na lokasyon o device. Maaari ka ring mag-click sa anumang event sa listahan para makakita ng higit pang detalye tungkol dito sa kanan.
  5. Kung makakita ka ng aktibidad na hindi mo alam, i-click ang I-secure ang iyong account sa itaas ng page.
  6. Sundin ang mga hakbang para palitan ang iyong password.
Mag-ulat ng kahina-hinalang mensahe

Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang email na humihingi ng personal na impormasyon, maaaring isa itong tao na sumusubok na makakuha ng access sa iyong account. Kilala rin ito bilang 'phishing.' Maaari mo itong iulat sa Google para masubukan naming tumulong na pigilan ang pangyayari nito sa hinaharap.

  1. Mag-sign in sa Gmail.
  2. Buksan ang mensaheng gusto mong iulat.
  3. Sa kanang sulok sa itaas ng mensahe, i-click ang icon ng Higit pa Higit pa.
  4. Piliin ang Mag-ulat ng Phishing.
  5. Sa susunod na screen, i-click ang Iulat ang Phishing na Mensahe para ipadala ang mensahe sa aming team para sa pagsusuri.

Mga Kaugnay na Artikulo:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8848818334058913155
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false