Gumamit ng mga shortcut sa accessibility

Ang mga shortcut sa accessibility ay isang mabilis na paraan para i-on ang mga accessibility app o magpalipat-lipat sa mga app. Para sa bawat accessibility app, puwede mong piliin ang shortcut na gusto mong gamitin.

Mahalaga: 

Ang mga shortcut sa accessibility ay isang mabilis na paraan para i-on ang mga accessibility app o magpalipat-lipat sa mga app. Para sa bawat accessibility app, puwede mong piliin ang shortcut na gusto mong gamitin.

Learn how to set up accessibility shortcuts on your Pixel phone with our step-by-step tutorial.

Mga Content

Hakbang 1: I-set up ang mga shortcut sa accessibility

Opsyonal: Gawing mga button o galaw ang navigation sa device

Hakbang 2: Gamitin ang mga shortcut sa accessibility

Alisin ang mga shortcut sa accessibility

Mga Developer: Idagdag ang button ng accessibility

Humingi ng tulong

Hakbang 1: I-set up ang mga shortcut sa accessibility

Puwede kang mag-set up ng kahit ilang shortcut na gusto mo para sa mga accessibility app na ginagamit mo sa iyong Android device.

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility.
  3. Piliin ang app na gusto mong gamitin sa shortcut.
  4. Piliin ang setting ng shortcut, gaya ng Shortcut ng TalkBack o Shortcut ng pag-magnify.
  5. Pumili ng shortcut:
    • I-tap ang button ng accessibility: I-tap ang button ng Accessibility sa iyong screen.
    • I-hold ang mga volume key: Pindutin nang matagal ang dalawang volume key.
    • Mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri mula sa ibaba, o mag-swipe gamit ang tatlong daliri kung naka-on ang TalkBack.
    • I-triple tap ang screen, available lang para sa Pag-magnify.
  6. I-tap ang I-save.

Opsyonal: Gawing mga button o galaw ang navigation sa device

Sa maraming device, puwede kang pumili sa pagitan ng 3-button na navigation at navigation gamit ang galaw.

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. Piliin ang System at pagkatapos ay Mga Galaw at pagkatapos ay Pag-navigate sa system.
  3. Pumili ng bago mong opsyon sa navigation.

Mga shortcut para sa mga uri ng navigation

May iba't ibang shortcut na available para sa 2 uri ng navigation:

  • Three-button na navigation:
    • Button ng accessibility Accessibility sa navigation bar
    • Naka-float na button ng accessibility
  • Navigation gamit ang galaw:
    • Naka-float na button ng accessibility
    • Navigation gamit ang galaw
      • Mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri
      • Kung naka-on ang TalkBack, mag-swipe pataas gamit ang 3 daliri
Tip: Kung hindi mo mahanap ang button ng accessibility, o hindi mo magamit ang navigation gamit ang galaw, tanungin ang manufacturer ng iyong device kung paano ipakita ang mga button sa pag-navigate.

Hakbang 2: Gamitin ang mga shortcut sa accessibility

Pagkatapos mong i-on ang mga shortcut sa accessibility, puwede mong gamitin ang mga ito para buksan ang iyong mga accessibility app o magpalipat-lipat sa mga accessibility app. Basahin ang mga tip sa ibaba para sa bawat shortcut.

I-tap ang button ng accessibility

  • Magbukas ng app: Sa iyong navigation bar, i-tap ang Accessibility Accessibility.
  • Magpalipat-lipat sa mga app: Kung mahigit isang app ang itinalaga mong gumamit ng button ng accessibility, pindutin nang matagal ang Accessibility Accessibility. Sa menu, piliin ang bagong app.

I-tap ang naka-float na button ng accessibility

  • Magbukas ng app o magpalipat-lipat sa mga app: I-tap ang naka-float na button ng accessibility.
  • Ilipat ang naka-float na button ng accessibility: I-drag at i-drop ang naka-float na button ng accessibility.
  • I-resize ang naka-float na button ng accessibility: Pindutin at i-drag ang naka-float na button ng accessibility papunta sa dulo ng screen para mas paliitin ito.

Baguhin ang mga setting ng naka-float na button ng accessibility

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. Piliin ang Accessibility at pagkatapos ay Button ng accessibility.
    • Para piliin kung gagamitin mo ang naka-float na button: Sa ilalim ng Lokasyon, piliin ang Naka-float sa itaas ng iba pang app.
    • Para baguhin ang laki ng mga button: Piliin ang Laki at pumili ng bagong laki.
    • Para itakda ang transparency at pag-fade: Gamitin ang slider para itakda ang transparency kapag hindi ginagamit.

Mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri mula sa ibaba, o, kung naka-on ang TalkBack, mag-swipe gamit ang tatlong daliri

  • Magbukas ng app: Mula sa ibaba ng screen, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri, o gamit ang tatlong daliri kung naka-on ang TalkBack.
  • Magpalipat-lipat sa mga app: Kung mahigit isang app ang itinalaga mong gumamit ng button ng accessibility, mag-swipe pataas gamit ang dalawang daliri at i-hold, o gamit ang tatlong daliri kung naka-on ang TalkBack, at pagkatapos ay iangat ang iyong mga daliri. Sa menu, piliin ang bagong app.

Shortcut ng volume key

  • Magbukas ng app: Pindutin nang matagal ang dalawang volume key hanggang sa lumabas ang menu at piliin ang app na gusto mong gamitin.
  • Magpalipat-lipat sa mga app: Pindutin nang matagal ang dalawang volume key. Kapag bumukas ang menu ng shortcut, piliin ang app na gusto mong gamitin.
  • Piliin kung aling mga app ang bubukas gamit ang volume key shortcut: Pindutin nang matagal ang dalawang volume key. Kapag bumukas ang menu ng shortcut, piliin ang I-edit ang mga shortcut. Piliin ang mga feature na gagamitin sa shortcut na ito, at pagkatapos ay i-tap ang Tapos na.

Alisin ang mga shortcut sa accessibility

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 14 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Pagiging Accessible.
  3. Piliin ang app na gusto mong alisan ng shortcut ng accessibility.
  4. I-unselect ang shortcut ng accessibility para i-off ito.
  5. I-tap ang I-save.
Tip: Kung mayroon kang Android 14, puwede mong direktang i-dismiss ang naka-float na button ng accessibility sa pamamagitan ng pag-drag nito sa Alisin sa ibaba ng screen. Kung magbago ang isip mo, i-tap ang I-undo sa tooltip na magpa-pop up. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Mga Developer: Idagdag ang button ng accessibility

Alamin kung paano gamitin ang button ng Accessibility sa iyong serbisyo para sa accessibility.

Humingi pa ng tulong

Para sa higit pang tulong sa mga shortcut sa accessibility, makipag-ugnayan sa Support team ng Google para sa May Kapansanan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13528743000236242178
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false