Kontrolin kung anong data ang ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga ad

Sa artikulong ito

Priyoridad naming patuloy kang bigyan ng kontrol sa iyong data. Sa Ang Aking Ad Center, puwede mong kontrolin at i-update kung anong impormasyon ang ginagamit Google para magpakita sa iyo ng mga ad, kasama ang:

  • Impormasyon mula sa iyong Google account
  • Ginagamit na kategorya para magpakita sa iyo ng ad
  • Aktibidad na ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad
  • Area kung saan mo ginamit ang Google

Kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad, hindi gagamitin ang impormasyon mo para mag-personalize ng mga ad sa mga site ng Google, tulad ng Search at YouTube.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad.

Kontrolin ang impormasyon ng iyong Google Account

Kung naka-on ang mga naka-personalize na ad, gagamitin ang ilan sa impormasyon ng iyong Google Account para magpakita sa iyo ng mga ad na nauugnay sa iyo at para matiyak na nasusunod nila ang mga lokal na batas at ang aming mga patakaran. Halimbawa, kung ipinapakita ng impormasyon ng iyong Google Account na wala ka pang 18, kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, hindi kailanman ipe-personalize ang mga ad mo.

Kasama sa impormasyon ng Google Account na ginagamit para magpakita sa iyong mga ad ang:

  • Ang iyong kasarian
  • Iyong sakop na edad
  • Iyong kagustuhan sa wika

Para i-update ang impormasyon ng iyong Google Account:

Pumunta sa iyong Google Account

Matuto pa tungkol sa pagbabago ng impormasyon ng iyong Google Account.

Paano ginagamit ang mga kategorya para mag-personalize ng mga ad

Makikita mo kung sa aling mga kategorya ka kasalukuyang nakakatanggap ng mga ad sa tab na Pamahalaan Privacy  ng Ang Aking Ad Center. Kapag naglagay ng ad ang isang negosyo, madalas nitong pinipili kung sa aling mga kategorya ng mga tao nito gustong ipakita ang mga ad nito. Halimbawa, posibleng piliin ng isang serbisyo sa bubong na ipakita ang mga ad nito sa mga may-ari ng bahay sa halip na sa mga nagrerenta.

Ginagamit ang iyong aktibidad sa mga site at app ng Google para tukuyin kung aling mga kategorya ang pinakanauugnay sa iyo — at pagkatapos ay magpakita sa iyo ng mga ad para sa mga tao sa kategoryang iyon. Kung minsan, mali ang aming mga pagtatantya, at puwede mong i-update o i-off ang anumang kategorya.

Halimbawa:
Sabihin nating ginamit mo ang Google Search para maghanap ng mga diaper para sa maliit na bata. Batay rito, puwedeng tantyahin ng Google na interesado ka sa iba pang produktong para sa mga taong nasa kategoryang “Mga magulang ng maliliit na bata.”

Kontrolin kung anong mga kategorya ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad

Mag-update ng kategorya

Kapag nag-update ka ng kategorya, ise-save ang iyong mga pagbabago sa Aking Mga Ad, at posibleng magsimula kang makakita ng mga ad na para sa mga tao sa kategoryang iyon sa loob ng ilang araw.

Para mag-update ng kategorya:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  3. Sa ilalim ng Mga kategoryang ginamit para magpakita sa iyo ng mga ad, piliin ang kategoryang gusto mong kontrolin o i-update.
  4. Piliin ang opsyong akma sa iyong mga interes

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, made-delete ang lahat ng impormasyon ng iyong kategorya at hindi na gagamitin para mag-personalize ng mga ad.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Mag-on o mag-off ng kategorya para sa mga ad

Kapag na-off mo ang isang kategorya, made-delete ang iyong impormasyon para sa kategoryang iyon at hindi gagamitin ang kategoryang iyon para magpakita sa iyo ng mga ad.

Para mag-on o mag-off ng kategorya para sa mga ad:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  3. Sa ilalim ng “Mga kategoryang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad,” piliin ang kategoryang gusto mong i-on o i-off.
  4. I-on o i-off ang kategoryang iyon.

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, made-delete ang lahat ng impormasyon ng iyong kategorya at hindi na gagamitin para mag-personalize ng mga ad.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Mag-verify ng kategorya para sa mga ad

Para i-verify na interesado ka sa mga ad na para sa isang kategorya:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  3. Sa ilalim ng “Mga kategoryang ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad,” piliin ang kategoryang gusto mong i-verify.
  4. Piliin ang I-verify.

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, made-delete ang lahat ng impormasyon ng iyong kategorya at hindi na gagamitin para mag-personalize ng mga ad.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Paano ginagamit ang iyong aktibidad para mag-personalize ng mga ad

Magagamit ang iyong naka-save na aktibidad sa Google para sa mga naka-personalize na rekomendasyon at naka-personalize na ad.

Ginagamit ng mga naka-personalize na rekomendasyon ang iyong aktibidad para bigyan ka ng mas mabibilis na paghahanap, mas mahuhusay na rekomendasyon, at mas magagandang karanasan sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google. Halimbawa, kung gagamitin mo ang Google Search para maghanap ng “chocolate cake,” at pagkatapos ay naghanap ka ulit ng “paano gumawa ng…” posibleng irekomenda ng Google ang “paano gumawa ng chocolate cake.”

Matuto pa tungkol sa kung paano hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Ginagamit ng mga naka-personalize na ad ang iyong aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay at nakakainteres na ad sa mga serbisyo ng Google tulad ng Search at YouTube. Halimbawa, kung naghanap ka ng video tungkol sa pagtakbo sa YouTube, sa pagbisita sa mo sa hinaharap, posible kang makakita ng ad para sa mga short na pantakbo.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad.

Kontrolin kung anong aktibidad ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad

Sa Ang Aking Ad Center, puwede mong kontrolin kung ginagamit ang iyong aktibidad para mag-personalize ng mga ad. Puwede mong i-on o i-off ang:

  • Iyong aktibidad sa Web at App para sa mga ad
  • Iyong History sa YouTube para sa mga ad
  • Mga area kung saan mo ginamit ang Google

Kung io-off mo ang mga naka-personalize na ad, wala sa iyong aktibidad ang ginagamit para sa mga ad.

Kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App para sa mga ad

Para kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App para sa Mga Ad:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy
  3. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang Aktibidad sa Web at App.
  4. I-on o i-off ang Gamitin ang Aktibidad sa Web at App para mag-personalize ng mga ad
  5. Kumpirmahin ang iyong pagpili

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa Google Search at YouTube.

Kapag na-off mo ang Aktibidad sa Web at App para sa mga ad, hindi ito gagamitin para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Gayunpaman, kapag na-off ang Aktibidad sa Web at App para sa mga ad, hindi mao-off ang mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google tulad ng Search.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa Google Search, YouTube, at Discover. 

Kapag na-off mo ang setting na ito, hindi gagamitin ang iyong na-save na aktibidad sa Web at App para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring i-save ang aktibidad sa Web at App sa iyong Google Account, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-off o i-delete ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Kontrolin ang iyong History sa YouTube para sa mga ad

Para kontrolin ang iyong history sa YouTube para sa mga ad:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy 
  3. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang History sa YouTube.
  4. I-on o i-off ang Gamitin ang History sa YouTube para mag-personalize ng mga ad.
  5. Kumpirmahin ang iyong napili.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Nakakaapekto lang ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa Google Search at YouTube. 

Kapag na-off mo ang setting na ito, hindi gagamitin ang iyong History sa YouTube para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring i-save ang iyong History sa YouTube sa Google Account mo, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google. 

Matuto pa tungkol sa kung paano tingnan o i-delete ang History sa YouTube.

Kontrolin kung ginagamit para sa mga ad ang mga area kung saan mo ginamit ang Google

Kapag gumamit ka ng serbisyo ng Google, tatantyahin ng Google ang general area kung saan ka naghahanap at ise-save ang impormasyong iyon sa iyong aktibidad sa Web at App. Makakatulong ang mga area na ito kung saan mo ginamit ang Google na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay na ad. Puwede mong i-on o i-off ang paggamit sa mga area na ito para sa mga naka-personalize na ad anumang oras.

Halimbawa:

  • Kung naka-on ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang lokal na coffee shop.
  • Kung naka-off ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang coffee shop na sa ibang bayan.

Para kontrolin kung puwedeng gamitin para sa mga ad ang mga area kung saan mo ginamit ang Google:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy 
  3. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang Mga area kung saan mo ginamit ang Google.
  4. I-on o i-off ang Gamitin ang mga area para mag-personalize ng mga ad.
  5. Kumpirmahin ang iyong napili.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa lahat ng site at app ng Google.

Kapag na-off mo ang Mga Area kung saan mo ginamit ang Google para sa mga ad, hindi ito gagamitin para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring i-save sa iyong Google Account ang mga area kung saan mo ginamit ang Google, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google.

Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang mga area kung saan mo ginamit ang Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15611917596154110345
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false