Kontrolin kung anong data ang ginagamit ng Google para magpakita sa iyo ng mga ad

Priyoridad naming panatilihin kang may kontrol sa iyong data. Sa Ang Aking Ad Center, puwede mong kontrolin at i-update kung anong impormasyon ang ginagamit Google para magpakita sa iyo ng mga ad, kasama ang:

  • Impormasyon mula sa iyong Google account
  • Ginagamit na kategorya para magpakita sa iyo ng ad
  • Aktibidad na ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad
  • Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google

Kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad, hindi gagamitin ang impormasyon mo para mag-personalize ng mga ad sa mga site ng Google tulad ng Search at YouTube.

Matuto pa tungkol sa kung paano I-on o i-off ang mga naka-personalize na ad.


Sa page na ito


Kontrolin ang impormasyon ng iyong Google Account

Kung naka-on ang mga naka-personalize na ad, gagamitin ang ilan sa impormasyon ng Google Account mo para magpakita sa iyo ng mga ad na nauugnay sa iyo at para matiyak na sumusunod sila sa mga lokal na batas at sa aming mga patakaran. Halimbawa, kung ipinapakita ng impormasyon ng iyong Google Account na wala ka pang 18 taong gulang, kapag nag-sign in ka sa Google Account mo, hinding-hindi ipe-personalize ang iyong mga ad.

Kasama sa impormasyon ng Google Account na ginagamit para magpakita sa iyo ng mga ad ang:

  • Ang iyong kasarian
  • Iyong sakop na edad
  • Iyong preference sa wika

Para i-update ang impormasyon ng iyong Google Account:

Pumunta sa iyong Google Account

Matuto pa tungkol sa kung paano Baguhin ang impormasyon ng iyong Google Account.


Paano ginagamit ang iyong aktibidad sa Google para mag-personalize ng mga ad

Magagamit ang iyong naka-save na aktibidad sa Google para sa mga naka-personalize na rekomendasyon at naka-personalize na ad.

Ginagamit ng mga naka-personalize na rekomendasyon ang iyong aktibidad para bigyan ka ng mas mabibilis na paghahanap, mas mahuhusay na rekomendasyon, at mas magagandang karanasan sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google. Halimbawa, kung gagamitin mo ang Google Search para maghanap ng “chocolate cake,” at pagkatapos ay naghanap ka ulit ng “paano gumawa ng…” posibleng irekomenda ng Google ang “paano gumawa ng chocolate cake.”

Matuto pa tungkol sa kung paano hanapin at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.

Ginagamit ng mga naka-personalize na ad ang iyong aktibidad para makatulong na magpakita sa iyo ng mga mas kaugnay at interesanteng ad sa mga serbisyo ng Google tulad ng Search at YouTube. Halimbawa, kung maghahanap ka ng video tungkol sa pagtakbo sa YouTube, sa pagbisita sa mo sa hinaharap, posibleng pakitaan ka ng ad para sa shorts na pantakbo.

Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga naka-personalize na ad.


Kontrolin kung anong aktibidad ang ginagamit para mag-personalize ng mga ad

Sa Ang Aking Ad Center, puwede mong kontrolin kung ginagamit ang iyong aktibidad para mag-personalize ng mga ad. Puwede mong i-on o i-off ang:

  • Iyong aktibidad sa mga site at app
  • Iyong History sa YouTube para sa mga ad
  • Mga lugar kung saan mo ginamit ang Google

Kontrolin ang iyong aktibidad sa mga site at app para i-personalize ang mga ad

Para kontrolin ang iyong aktibidad sa mga site at app para sa mga ad:

  1. Sa Ang Aking Ad Center, piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  2. Sa ilalim ng "Aktibidad na ginagamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang Aktibidad sa mga site at app.
  3. I-on o i-off ang Aktibidad sa mga site at app para i-personalize ang mga ad.
  4. Kumpirmahin ang napili mo.

Kapag na-off mo ang Aktibidad sa mga site at app para sa mga ad, hindi gagamitin ang impormasyong iyon para tumulong na i-personalize ang mga ad na ipinapakita sa iyo. Gayunpaman, kapag na-off ang Aktibidad sa mga site at app para sa mga ad, hindi mao-off ang mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google gaya ng Search.

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na ipinapakita sa iyo sa Google Search, YouTube, at Discover.

Matuto pa tungkol sa kung paano I-access at kontrolin ang aktibidad sa iyong account.

Kontrolin ang iyong History sa YouTube para sa mga ad

Para kontrolin ang iyong history sa YouTube para sa mga ad:

  1. Sa Ang Aking Ad Center, piliin ang Pamahalaan ang Privacy .
  2. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginagamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang History sa YouTube.
  3. I-on o i-off ang Gamitin ang History sa YouTube para mag-personalize ng mga ad.
  4. Kumpirmahin ang napili mo.

Nakakaapekto lang ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa Google Search at YouTube.

Kapag na-off mo ang setting na ito, hindi gagamitin ang iyong History sa YouTube para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring ma-save ang iyong History sa YouTube sa Google Account mo, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google.

Matuto pa tungkol sa kung paano Tingnan o i-delete ang iyong history ng paghahanap sa YouTube.

Kontrolin kung ginagamit para sa mga ad ang mga area kung saan mo ginamit ang Google

Kapag gumamit ka ng serbisyo ng Google, tatantyahin ng Google ang general area kung saan ka naghahanap at ise-save ang impormasyong iyon sa iyong aktibidad sa Web at App. Makakatulong ang mga area na ito kung saan mo ginamit ang Google na magpakita sa iyo ng mga mas nauugnay na ad. Puwede mong i-on o i-off ang paggamit sa mga area na ito para sa mga naka-personalize na ad anumang oras.

Halimbawa:

  • Kung naka-on ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang lokal na coffee shop.
  • Kung naka-off ang “Mga area kung saan mo ginamit ang Google” at naghanap ka ng kape, puwede kang makakita ng ad para sa isang coffee shop na sa ibang bayan.

Para kontrolin kung puwedeng gamitin para sa mga ad ang mga area kung saan mo ginamit ang Google:

  1. Pumunta sa Ang Aking Ad Center.
  2. Piliin ang Pamahalaan ang Privacy 
  3. Sa ilalim ng “Aktibidad na ginamit para mag-personalize ng mga ad," piliin ang Mga area kung saan mo ginamit ang Google.
  4. I-on o i-off ang Gamitin ang mga area para mag-personalize ng mga ad.
  5. Kumpirmahin ang iyong napili.

Pumunta sa Ang Aking Ad Center

Nakakaapekto ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa lahat ng site at app ng Google.

Kapag na-off mo ang Mga Area kung saan mo ginamit ang Google para sa mga ad, hindi ito gagamitin para tumulong na i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Puwede pa ring i-save sa iyong Google Account ang mga area kung saan mo ginamit ang Google, at puwede ka pa ring makakuha ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa mga serbisyo ng Google.

Matuto pa tungkol sa kung paano Maunawaan at pamahalaan ang iyong lokasyon kapag naghanap ka sa Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
8613598269671007357
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false