Mga eksperimento at paglulunsad ng feature ng YouTube

Posibleng mapansin mo minsan na nag-iiba ang hitsura ng mga feature ng YouTube sa iba't ibang account. Puwedeng dahil ito sa hindi ka pa nag-update sa pinakabagong bersyon ng app. Puwedeng nakakakita ka rin ng pang-eksperimentong feature o feature na inilulunsad.

Ano ba ang eksperimento?

Ang eksperimento ay isang pagsubok na ginagamit namin para sukatin ang magiging reaksyon mo sa mga bago at pinahusay na feature ng produkto. Kasama sa mga feature na ito ang paghahanap, pagbabahagi ng mga video, at mga ad, bukod sa iba pa.

Palagi kaming nag-eeksperimento sa mga paraan para matulungan kang mas madaling makahanap, makanood, at makapagbahagi ng mga video na pinakamahalaga sa iyo. Puwedeng pana-panahon mong mapansin ang ilan sa mga pagbabagong ito.

Isasaalang-alang namin ang mas malawakang paglulunsad ng mga feature batay sa iyong feedback mula sa mga eksperimentong ito. 

Ano ba ang paglulunsad?

Ang paglulunsad ay ang unti-unting paglalabas ng bagong feature. Minsan, para matiyak na magiging maayos ito, hindi namin ipinapakita ang bagong feature sa lahat nang sabay-sabay. Sa halip, nagsisimula kami sa maliit na porysento ng mga manonood at/o creator, at tataasan ang porsyentong iyon sa paglipas ng panahon hanggang sa mayroon na ng bagong feature ang lahat.

Kung gusto mong ibahagi ang iyong mga palagay sa anumang eksperimento, magpadala ng feedback para ipaalam sa amin ang iniisip mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15354296938441984741
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false