I-configure ang iyong mga setting ng Google tag

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google tag na magpadala ng data mula sa iyong website papunta sa mga nakakonektang destinasyong produkto ng Google para matulungan kang sukatin kung gaano kaepektibo ang website at mga ad mo. Pagkatapos mong ilagay ang Google tag sa iyong website, ipapadala ito sa mga naka-link na destinasyong produkto ng Google, gaya ng Google Ads at Google Analytics. Puwede kang gumamit ng isang pagpapatupad ng Google tag para sa lahat ng iyong produkto at account.

Bago mo i-configure ang mga setting ng Google tag, siguraduhing na-set up mo ang iyong Google tag sa bawat page sa website mo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano mo mako-configure ang iyong mga setting ng Google tag. Puwede mo ring Pamahalaan ang iyong Google tag sa pamamagitan ng pag-edit sa pangalan ng Google tag mo, pagsasama-sama ng mga Google tag, o pagdaragdag o pag-aalis ng mga destinasyon.

Buksan ang mga setting ng Google tag

Mga tagubilin sa Google Ads

Mga tagubilin sa Google Analytics

  1. Buksan ang Google Analytics.
  2. Pumunta sa screen ng Admin.
  3. Sa Mga Stream ng Data, i-click ang isang stream para makita ang mga detalye.
    Resulta: Dapat mong makita sa iyong screen ang mga setting ng Google Analytics at ang mga setting ng Google tag.Screenshot ng mga setting ng stream ng data sa Google Analytics 4. Nasa sa mga setting ng stream ng data ang mga setting ng Google tag

Mga tagubilin sa Google Tag Manager

Tandaan: Para makita ang mga Google tag ID sa Google Tag Manager, kailangan mong mamahala ng Google Ads, Analytics, o Google tag sa isang container.

  1. Buksan ang Google Tag Manager
  2. I-click ang tab na Mga Google tag para makita ang mga Google tag na na-set up mo dati.
    Pangkalahatang-ideya ng Google tag sa Google Tag Manager
  3. I-click ang pangalan ng tag para i-edit ang mga setting ng Google tag.

I-configure ang iyong mga setting ng Google tag

Larawan ng tab na Configuration sa Google tag.

Kapag ikaw ay nasa iyong mga setting ng Google tag, i-click ang Ipakita lahat para suriin ang lahat ng available na setting.

Tandaan: Nakakaapekto ang mga setting ng tag sa gawi ng iyong Google tag at sa data na ipinapadala sa mga naka-configure na destinasyon. Posibleng mas nauugnay o hindi masyadong nauugnay sa iyo ang ilang setting depende kung aling mga produkto ang ginagamit mo.
Puwede mong piliing i-configure ang mga setting na hindi masyadong nauugnay sa iyong kasalukuyang paggamit sa Google tag. Kapag nagdagdag ka ng mga bagong destinasyong produkto o nagbago ang mga kakayahan ng mga ito, magkakabisa ang mga setting.
Mga setting ng configuration Paglalarawan May kaugnayan sa Google Analytics May kaugnayan sa Google
Mga Ad
Pamahalaan ang awtomatikong pagtukoy ng event I-configure kung aling mga uri ng mga event ang dapat awtomatikong matukoy ng iyong Google tag para sa pagsukat sa mga nauugnay na destinasyon. Oo Oo
I-configure ang iyong mga domain Tumukoy ng listahan ng mga domain para sa cross-domain na pagsukat. Oo Oo
Payagan ang mga kakayahan ng data na ibinigay ng user I-configure kung dapat payagan ng iyong Google tag na maisama ang data na ibinigay ng user sa pagsukat para sa mga destinasyong produkto na tumatanggap ng ganoong data. Hindi sa Kasalukuyan Oo
Mangolekta ng mga event sa Universal Analytics Mangolekta ng event sa tuwing may mangyayaring ga() na custom na event, timing, o exception call mula sa Universal Analytics sa iyong website. Oo Hindi sa Kasalukuyan
Tukuyin ang internal na trapiko Tukuyin ang mga IP address na may trapikong dapat markahan bilang internal. Oo Hindi sa Kasalukuyan
Ilista ang mga hindi gustong referral Tumukoy ng mga domain na may mga trapikong hindi dapat ituring na mga referral. Oo Hindi sa Kasalukuyan
Isaayos ang timeout ng session Itakda kung gaano kahaba ang mga session. Oo Hindi sa Kasalukuyan
I-override ang mga setting ng cookie Baguhin kung gaano tumatagal ang cookies at paano naa-update ang mga ito. Oo Hindi sa Kasalukuyan
Pamahalaan ang paggamit ng data sa mga serbisyo ng Google Piliin kung aling mga serbisyo ng Google ang makakatanggap ng pinahintulutang data mula sa mga end user na nasa European Economic Area (EEA) para sa mga layunin ng pag-advertise. Oo Oo

I-configure ang iyong mga setting ng Google tag

Pamahalaan ang awtomatikong pagtukoy ng event

Piliin kung aling mga uri ng mga event ang dapat awtomatikong matukoy ng iyong Google tag para sa pagsukat sa mga nauugnay na destinasyon. Bilang default, io-on ang lahat ng uri ng event.

Kung io-off mo ang awtomatikong pag-detect ng event, hindi makakatanggap ng nauugnay na data ang anumang produkto o account na gumagamit ng Google tag na ito. Baka gusto mong pag-isipang i-off na lang ang pangongolekta ng mga event na ito sa iyong destinasyon.

Bilang default, io-on ang lahat ng uri ng event. I-click ang switch para i-off ang mga sumusunod na uri ng event:

  • Mga page view: Magtukoy ng event ng page view sa tuwing may maglo-load na page. Hindi mo madi-disable ang uri ng event na ito.
  • Mga page view sa pagbabago sa history ng pag-browse: Magtukoy ng event ng page view sa tuwing babaguhin ng website ang status ng history ng pag-browse. Kapaki-pakinabang ang setting na ito sa pagtukoy ng mga page view sa mga single-page application.
  • Mga Pag-scroll: Magtukoy ng mga event ng pag-scroll sa tuwing may bisitang makakarating sa dulo ng page.
  • Mga palabas na pag-click: Magtukoy ng event na palabas na pag-click sa tuwing may bisitang magki-click ng link na magdadala sa kanila sa labas ng iyong (mga) domain. Bilang default, mangyayari ang mga event na outbound na pag-click para sa lahat ng link na palabas sa kasalukuyang domain. Ang mga link sa mga domain na na-configure para sa cross-domain na pagsukat (sa setting na “I-configure ang iyong mga domain”) at hindi magti-trigger ng mga event na palabas na pag-click.
  • Mga pakikipag-ugnayan sa form: Magtukoy ng event na pakikipag-ugnayan sa form o pagsusumite ng form sa tuwing may bisitang makikipag-ugnayan sa isang form sa iyong site.
  • Engagement sa video: Magtukoy ng mga event na pag-play ng video, pag-usad ng video, at nakumpletong video habang pinapanood ng mga bisita ang mga naka-embed na video sa iyong site. Bilang default, awtomatikong matutukoy ang mga event ng video para sa mga video sa YouTube na naka-embed sa iyong site nang naka-enable ang JS API support.
  • Mga pag-download ng file: Magtukoy ng event na pag-download ng file sa tuwing may magki-click ng link na may karaniwang dokumento, naka-compress na file, application, video, o audio extension.

I-configure ang iyong mga domain

Tukuyin ang lahat ng iyong domain na gumagamit ng tag na ito. Nagbibigay-daan ang listahang ito sa cross-domain na pagsukat at mas detalyado nitong tinutukoy kung aling mga link sa iyong site ang hindi nagti-trigger ng mga event na Palabas na Pag-click kapag gumagamit ng awtomatikong pag-detect ng event.

  1. Kung ang parehong Google tag ang ginagamit mo sa iba't ibang domain, awtomatikong made-detect at lumalabas ang mga ito sa seksyong Mga Rekomendasyon. Para tanggapin ang isang rekomendasyon, i-click ang Idagdag.
    Para manual na magdagdag ng domain, i-click ang Magdagdag ng kundisyon sa ilalim ng Isama ang mga domain na tumutugma sa mga sumusunod na kundisyon:
    • Pumili ng uri ng pagtutugma.
    • Sa ilalim ng Domain, ilagay ang identifier para sa domain na gusto mong itugma (hal., example.com).
    • Idagdag ang bawat domain na gusto mong isama sa cross-domain na pagsukat.
  2. Kapag natukoy mo na ang lahat ng domain na gumagamit ng tag na ito, i-click ang I-save.

Posibleng makaapekto ang mga pagbabagong gagawin no rito sa iba pang Google tag na na-load sa parehong page.

I-verify kung gumagana nang maayos ang cross-domain na pagsukat

Gumagana ang cross-domain na pagsukat sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga parameter sa mga URL sa iyong website. Sa mga bihirang sitwasyon, puwedeng magka-error sa iyong server sa web, gaya ng pagbabalik ng code ng sagot na 5xx na error o pagpalyang magsimula ng pag-download.

Para i-verify kung gumagana ang cross-domain na pagsukat:

  1. Magbukas ng page ng iyong site na may link o form na tumuturo sa isang domain na na-configure mo para sa cross-domain na pagsukat.
  2. I-click ang link o isumite ang form para mag-navigate sa patutunguhang domain.
  3.  I-verify na naglo-load nang tama ang page.
  4. I-verify kung nasa URL sa patutunguhang domain ang parameter na linker na _gl. Halimbawa: https://www.example.com/?_gl=1*abcde5*.
  5. Kung nagbibigay ang iyong website ng anumang pag-download: Mag-navigate sa isang page na may parameter ng pag-link sa URL at magsimula ng pag-download. I-verify na nagsimula ang pag-download.

Kung magkaproblema ka, subukan ang Pag-troubleshoot ng cross-domain na pagsukat.

Payagan ang mga kakayahan ng data na ibinigay ng user

Nakakatulong ang data na ibinigay ng user na mapahusay ang pagsukat at mabigyan ka ng mas maraming insight gamit ang data na ibinibigay ng mga tao sa iyong website. Gagamitin lang ng Google ang data na ibabahagi mo para magbigay sa iyo ng mga serbisyo, kasama na ang technical support. Hindi ibabahagi ng Google ang iyong data sa iba.

Mga tuntunin ng produkto sa destinasyon

Walang kokolektahing data ang mga produkto sa destinasyon kung hindi pinayagan ang data na iyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng produktong iyon o kung hindi tinanggap ang mga tuntuning kinakailangan para sa pangongolekta ng data mula sa feature na ito.

Configuration

  1. Para makontrol kung makakatanggap ba ng data mula sa feature na ito ang anumang destinasyong produkto, i-enable o i-disable ang opsyong Payagan ang mga kakayahan ng data na ibinigay ng user. Tandaan: Kung pipiliin mong i-off ang “Data na ibinigay ng user,” walang produkto o account na gumagamit sa Google tag na iyon ang makakatanggap ng data mula sa feature na ito.
  2. Piliin kung paano mo gustong magsama ng data na ibinigay ng user. Iha-hash ang data na ibinigay ng user para panatilihin itong pribado at pagkatapos ay ipapadala ito sa iyong mga destinasyong produkto na naka-configure na matanggap ito kasama ng iba pang data ng event. Puwede mong i-enable ang isa o higit pang opsyon sa configuration:
    1. Awtomatikong pag-detect: Awtomatikong suriin ang page para sa mga string na tumutugma sa isang pattern para sa mga email address.
    2. Mga CSS at variable selector: Tumukoy ng mga CSS selector o JavaScript variable sa iyong page.
    3. Manual sa pamamagitan ng code: Baguhin ang iyong Google tag para mangolekta ng data sa level ng account, tingnan Pag-set up ng mga pinahusay na conversion gamit ang Google Tag.
  3. I-click ang I-save.
Tandaan: Ang paggamit ng tag na ito ay napapailalim sa mga tuntuning sumasaklaw sa serbisyo kapag ginagamit ito.

Mangolekta ng mga event sa Universal Analytics

I-on ang switch para mangolekta ng event sa tuwing may mangyayaring legacy na ga() na custom na event, timing, o exception call mula sa Universal Analytics sa iyong website.

Tukuyin ang internal na trapiko

Tukuyin ang mga IP address na may trapikong dapat markahan ng custom na identifier ng uri ng trapiko. Ang papasok na trapiko mula sa magkakatugmang IP address ay magkakaroon ng parameter na traffic_type na dinugtungan ng piniling value.
Tip: Magagamit ang feature na ito para markahan ang internal na trapiko kaugnay ng mga setting sa mga destinasyong produkto, tulad ng pag-filter ng data sa Google Analytics.
  1. I-click ang Gumawa.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, piliin ang icon na lapis Pencil Edit icon para i-edit ang configuration.
  3. Sa seksyong “Pangalan ng panuntunan,” bigyan ng naglalarawang pangalan ang iyong panuntunan.
  4. Sa seksyong “traffic_type,” piliin ang pangalan ng parameter na traffic_type. Ang default na value ay ’internal.’
  5. Sa seksyong “IP address,” piliin ang iyong uri ng tugma at maglagay ng value. Kung hindi mo alam ang iyong IP address, i-click ang Ano ang aking IP address?. Puwedeng gawin ang pagtutugma sa mga IPv4 o IPv6 address. Puwedeng tukuyin ang mga hanay ng IP address gamit ang CIDR notation, tulad ng 192.0.2.0/24 o 2001:db8::/32. Matuto pa tungkol sa CIDR notation.
  6. Gumamit ng mga natatanging value para tulungan kang tukuyin at i-filter ang magkakaibang hanay ng trapiko.
  7. I-click ang Magdagdag ng mga kundisyon. Kapag tapos ka na, i-click ang Gawin.

Ilista ang mga hindi gustong referral

Tumukoy ng mga domain na may mga trapikong hindi dapat ituring na mga referral. Dudugtungan ng feature na ito ang parameter na ignore_referrer sa mga event sa mga page kung saan tumutugma ang source ng trapiko sa mga tinukoy na domain.
Tip: Magagamit ang feature na ito para tukuyin ang trapiko ng referral na ayaw mong makaapekto sa iyong pagsukat sa mga destinasyong produkto (halimbawa, pagbalewala sa mga hindi gustong referral sa Google Analytics).
  1. Piliing balewalain ang mga referral na tumutugma sa alinman sa mga sumusunod na kundisyon bilang mga source ng trapiko. Puwede kang pumili ng uri ng tugma na:
    1. Naglalaman ng
    2. Nagsisimula sa
    3. Nagwawakas sa
    4. Eksaktong tumutugma
    5. Tumutugma sa RegEx
  2. I-click ang Magdagdag ng mga kundisyon. Kapag tapos ka na, i-click ang Gawin.

Isaayos ang timeout ng session

Ang mga produktong tulad ng Google Analytics 4 na nakakatanggap ng data mula sa Google tag ay gumagamit ng mga session para sukatin ang mga panahon ng aktibidad ng user sa mga website kung saan naka-install ang tag. Gamitin ang feature na ito para baguhin ang panahong itatagal ng mga session sa pamamagitan ng pag-adjust sa kung gaano katagal bago mag-expire ang mga session dahil sa kawalan ng aktibidad o bago maging mga engaged session.

  1. I-adjust ang timeout ng session sa pamamagitan ng pagpili ng mga oras at minuto. Sinisimulan ang isang session kapag may nagbukas ng webpage. Nagtatapos ang isang session pagkalipas ng isang yugto ng panahon na walang aktibidad sa bahagi ng user. 30 minuto ang default na timeout, pero puwede itong isaayos dito.
  2. I-adjust ang timer para sa mga engaged session sa pamamagitan ng pagpili sa bilang ng mga segundo. Nagiging “engaged session“ ang isang session kung tatagal ito kaysa sa isang partikular na haba ng oras. Ang default na threshold para sa tagal ng pakikipag-ugnayan ay 10 segundo pero puwede itong isaayos dito. Matuto pa tungkol sa mga session
  3. I-click ang I-save.

I-override ang mga setting ng cookie

Baguhin kung gaano tumatagal ang cookies at paano naa-update ang mga ito. Puwede mong i-override ang iyong mga setting ng cookie ng first-party mg Google. Matuto pa tungkol sa cookies at pagkakakilanlan ng user

Gumagamit ang mga tag ng Google ng cookies ng first-party para sa iba't ibang layunin. May mga default na setting sa pag-expire at pag-udate ang cookies na ito, pero puwede mong i-customize ang mga setting na ito sa pamamagitan ng pag-override sa mga ito.

  1. I-click ang checkbox para i-override ang mga default na setting ng pag-expire at pag-update ng cookies na ginagamit para sa mga layunin ng analytics.
  2. Itakda kung gaano katagal bago mag-expire ang cookies ng analytics. Ang oras ng pag-expire ng cookie ay magiging ang kasalukuyang oras kung kailan itinakda o na-update ang cookie kasama ang value ng field na ito. Matuto pa tungkol sa pag-expire ng cookie
  3. Sa ilalim ng “Pag-update ng cookie,” piliin ang:
    1. Magtakda ng oras ng pag-expire ng cookie kaugnay ng pinakakamakailang pagbisita: Bilang default, sa tuwing may user na bibisita sa iyong site, ina-update ng mga Google tag mo ang petsa ng pag-expire ng nauugnay na cookies, na magpapatagal sa lifetime ng cookie kaugnay ng pinakakamakailang pagbisita ng user.
    2. Itakda ang oras ng pag-expire ng cookie kaugnay ng unang pagbisita: May opsyon lang itakda ang oras ng pag-expire ng iyong your kaugnay ng unang pagbisita ng mga user mo, at sa ganitong sitwasyon, isang beses lang itatakda ang pag-expire at hindi na ina-update. Matuto pa tungkol sa pag-update ng cookie
  4. I-click ang I-save.

Pamahalaan ang paggamit ng data sa mga serbisyo ng Google

Puwede kang magpasya kung aling mga serbisyo ng Google ang puwedeng makatanggap ng pinahintulutang data ng end user. Para sa mahusay na pagsukat, siguraduhin na makakatanggap ng pinahintulutang data ng end user ang lahat ng serbisyo ng Google.

Kung kinakailangan ng iyong negosyo na paghigpitan mo ang pagbabahagi ng data sa mga serbisyo ng Google, piliin ang Pumili ng mga serbisyo ng Google. Piliin ang lahat ng serbisyo ng Google na pinapayagang makatanggap ng data na pinahintulutan ng user para sa pagsukat at pag-personalize.

Siguraduhing ihahayag mo sa iyong banner ng pahintulot kung aling mga serbisyo ng Google ang nakakatanggap ng data na pinahintulutan ng user.

Kapag na-configure mo na ang iyong mga setting ng Google tag, puwede mong pamahalaan ang iyong Google tag mula sa tab na “Admin.”

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15631422187244705549
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false