Mga produktong pambiyahe na makakatulong sa iyong mapalawak ang iyong presensya at ma-capture ang naipong demand

Hunyo 2, 2022

Paparating na ang summer sa maraming bahagi ng mundo, at mas sumisikat na ang pagpaplano sa biyahe: tumaas ang interes sa paghahanap sa “mga appointment para sa passport” nang 300% sa loob ng unang apat na buwan ng 2022, at may mahigit dobleng interes sa paghahanap ang “mga luxury hotel malapit sa akin” kumpara sa yugtong ding ito noong 2019.

Sumali ang aming team sa Google Marketing Live noong nakaraang linggo para ibahagi ang aming mga pinagtutuunang lugar habang nakikita naming nagre-rebound ang mga paghahanap tungkol sa pagbibiyahe. Nagpakita kami ng mga bagong produkto na mas magpapadali sa aming mga partner sa pagbibyahe—malaki man o maliit—para ma-capture ang bagong demand sa pagbibiyahe, kasama na ang mga rate ng hotel sa Profile ng Negosyo sa Google, feedless na onboarding para sa Hotel Ads, at Performance Max para sa mga layunin sa pagbibyahe.  

Binubuksan ang pag-access sa libre at bayad na link sa pag-book sa pamamagitan ng mas madaling onboarding 

Mahalaga ang pagkuha ng mas tumpak at napapanahong rate at impormasyon sa availability para sa iyong hotel para mahanap at makapaghatid sa mga inaasahan mong bisita. Pinapadali namin ito sa tatlong paraan:

Una, aktibo naming sinusuportahan ang mga protocol na pamantayan sa industriya para dalhin online ang availability, mga rate, at imbentaryo ng hotel. Kausapin ang iyong mga provider ng teknolohiya para malaman kung kaya nilang ikonekta ang impormasyon ng iyong hotel sa Google.

Ikalawa, lubos naming pinasimple ang aming proseso sa onboarding sa pamamagitan ng pag-aalok ng kakayahan para sa mga hotelier na magdagdag ng mga rate at availability sa kanilang Profile ng Negosyo sa Google—nang bina-bypass ang mga teknikal na spreadsheet at file. Puwedeng direktang ilagay ng mga indibidwal na hotel na tumutugon sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ang mga rate nila sa pamamagitan ng kanilang Profile ng Negosyo sa Google para makasali sa libreng link sa pag-book ng hotel. Bisitahin ang aming artikulo sa Help Center para sa higit pang impormasyon. 

Screenshot of options to edit profile and manage rates

Bukod pa rito, binubuksan namin ang access sa Hotel Ads sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga advertiser na gumawa ng mga Hotel campaign nang hindi nangangailangan ng Hotel Center account sa mga susunod na buwan. Ibig sabihin nito, makakapagpagana ang sinumang Google Ads advertiser ng mga ad sa website ng hotel gamit ang mga rate na na-source namin. 

Puwedeng tukuyin ng advertiser “Wala akong Hotel Center account” sa panahon ng paggawa ng campaign. Papayagan nito ang advertiser na maghanap at pumili ng mga hotel na pinagkakainteresan. Sa mga hotel kung saan may available na mga rate ang Google, awtomatikong pipiliin ng Google ang feed na may pinakamataas na kalidad para sa hotel. 

Pag-scale ng pag-advertise ng hotel sa mga pag-aari ng Google sa pamamagitan ng Performance Max

Sa nakalipas na taon, ipinakilala namin ang mga Performance Max campaign bilang bagong paraan para bumili ng mga Google ad sa Search, YouTube, Display, Discover, Gmail, at Maps mula sa iisang campaign. Binabagayan ng mga ito ang mga kasalukuyan mong performance campaign para matulugnan kang makahimok ng mga resulta sa buong hanay ng mga channel sa pag-advertise at imbentaryo ng Google. Ngayon, nasasabik kaming palawakin ang Performance Max para sa mga layunin sa pagbibiyahe. Sa hinaharap sa taong ito, magagawa ng mga hotel advertiser na ma-promote ang kanilang mga property at mapadami ang mga booking sa lahat ng channel ng Google. 

Pinapasimple ng Performance Max para sa mga layunin sa pagbibiyahe ang pag-set up ng ad campaign gamit ang mga pre-populated na grupo ng asset para sa bawat property ng hotel, nang may mga awtomatikong binuong larawan, paglalarawan, at video na puwede mong suriin at i-edit. Pinapalawak rin nito ang iyong abot sa mga query na partikular sa property sa Search, bukod pa sa pag-promote sa mga property ng iyong hotel sa lahat ng channel sa pag-advertise ng Google na kasama ng Performance Max.

Screenshot of asset groups in the Google Ads UI

Habang nagbabago ang larangan ng pagbibiyahe, magtutulungan tayong maghatid ng nakakatulong at komprehensibong karanasan sa iyong mga customer saanman sila maghanap sa buong Google. Para matuto pa tungkol sa kung paano simulang dalhin ang iyong negosyo sa hotel online, bisitahin ang aming website

Na-post ni Michael Trauttmansdorff, Director, Product Management⁠—Travel at Google

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9527358615327954676
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false