Kung isa kang miyembro ng YouTube Music Premium, mae-enjoy mo ang content offline sa pamamagitan ng pag-download ng mga kanta, video, at podcast sa iyong mobile device.
Kakailanganin mong kumonekta ulit sa internet nang kahit isang beses kada 30 araw para mapanatili ang iyong mga download.
Mag-download ng musika para pakinggan offline sa YouTube Music (Android)
Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.
May dalawang paraan para mag-download ng content na mapapakinggan offline:
- Pakinggan ang iyong musika gamit ang Mga Smart Download. Awtomatikong magda-download ang app ng musika para sa iyo batay sa nakaraang history ng pakikinig mo - walang nire-require na pagkilos mula sa iyo! Matutunan kung paano i-off ang Mga Smart Download. Tandaan: Hindi pa available ang Mga Smart Download para sa mga podcast.
- Pumili ng mga partikular na playlist, kanta, album, o episode ng podcast na ida-download.
Matuto pa tungkol sa YouTube Music Premium at kung paano simulan ang iyong trial.
Mag-download ng mga playlist at album
Saan ka man makakita ng playlist o album sa YouTube Music app, i-tap ang Menu at piliin ang I-download. Puwede mo ring i-click ang arrow ng pag-download sa page ng mga detalye ng album o playlist.
Mag-download ng mga kanta at episode ng podcast
Para mag-download ng mga kanta at episode ng podcast,
- Pumunta sa page ng detalye ng episode.
- I-tap ang Menu I-download .
Storage space para sa download
Nakadepende ang bilang ng mga kanta, podcast, at album na puwede mong i-download sa kung gaano kalaking espasyo pa ang bakante sa iyong device. Naaapektuhan din ito ng haba at kalidad ng mga audio o video file na gusto mong i-save.
Para pamahalaan ang iyong mga setting ng Smart Download, i-tap ang larawan sa profile mo Mga Setting Mga offline na setting.
Piliin kung anong mga uri ng koneksyon ang gagamitin para sa mga download
Puwede mong piliin kung aling mga uri ng koneksyon ang dapat gamitin para mag-download ng content sa YouTube Music app. Halimbawa, puwede mong tukuyin na sa pamamagitan lang ng Wi-Fi dapat ma-download ang mga kanta.
Nagbibigay ng access ang ilang mobile network carrier sa unlimited na mobile data, na data na hindi naibawawas sa anumang quota o limitasyon. Kung gumagamit ka ng isa sa mga carrier na iyon, puwede kang makakita ng opsyon para mag-download sa pamamagitan ng “Wi-Fi at unlimited na mobile data.” Kapag pinili ito, mada-download ang mga kanta kapag may koneksyon sa Wi-Fi ang iyong device. Puwede ka ring mag-download sa unlimited na koneksyon sa mobile data gamit ang opsyong ito.
Available lang ang unlimited na mobile data sa bersyon ng Android na R o mas bago. Limitado ito sa mga kalahok na mobile carrier, kung saan posibleng limitado ang access sa 5G.
Para baguhin ang iyong mga setting:
- Buksan ang YouTube Music app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile.
- I-tap ang Mga Setting .
- Piliin kung sa aling uri ng koneksyon papayagan ang mga pag-download.