Magpadala ng feedback tungkol sa YouTube Kids

Palagi kaming naghahanap ng mga paraan para mapahusay ang YouTube Kids, at makakatulong ka sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng feedback tungkol sa app. Puwedeng tungkol sa anumang bagay ang feedback na ito mula sa mga isyung naranasan mo hanggang sa mga pagbabagong gusto mong makita.

Pakigamit ang proseso sa pag-ulat ng mga hindi naaangkop na video para mag-flag ng anumang posibleng hindi naaangkop na content na makikita sa app.

Narito kung paano magpadala sa amin ng iyong feedback:

  1. Pindutin ang icon na lock sa ibabang sulok ng anumang page sa app
  2. Basahin at ilagay ang mga numerong lalabas o ilagay ang iyong custom na passcode
  3. Piliin ang Feedback
  4. Sundin ang mga prompt para magbigay ng maikling paglalarawan at screenshot para matulungan kaming mas maunawaan ang iyong feedback
  5. Piliin ang Ipadala ang feedback kapag tapos na

Bagama't sinusuri namin ang bawat feedback na natatanggap namin, hindi kami personal na makakasagot sa bawat ulat. Sineseryoso namin ang iyong feedback at ginagamit namin ito para mapahusay ang pangkalahatang karanasan sa YouTube Kids.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7340714487056753178
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false