Magdagdag ng mga thumbnail ng video sa YouTube

Nagbibigay-daan ang mga thumbnail ng video para makatingin ang iyong audience ng mabilisang snapshot ng video mo. Puwede kang pumili mula sa mga opsyong awtomatikong binubuo ng YouTube, o mag-upload ng sarili mong thumbnail kung na-verify ang iyong account.Tiyaking sumusunod ang iyong thumbnail sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Magdagdag ng mga awtomatiko o custom na thumbnail

YouTube Studio app para sa iPhone at iPad

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. Sa menu sa ibaba, i-tap ang Content .
  3. Piliin ang video na gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang I-edit Edit icon at pagkatapos ay I-edit ang thumbnail .
  5. Pumili ng awtomatikong binuong thumbnail o i-tap ang Custom na thumbnail para gumawa ng custom na thumbnail ng video mula sa isang larawan sa iyong device.
  6. Kumpirmahin ang iyong napiling thumbnail at i-tap ang PILIIN.
  7. I-tap ang I-SAVE.
Tandaan: Posibleng matagalan bago lumabas sa YouTube ang mga pagbabago sa iyong thumbnail.

YouTube app sa iPhone at iPad

  1. Buksan ang YouTube app .
  2. I-tap ang Library at pagkatapos ay Iyong mga video.
  3. Sa tabi ng video na gusto mong i-edit, i-tap ang Higit pa at pagkatapos ay I-edit at pagkatapos ay I-edit ang thumbnail .
  4. Pumili ng awtomatikong binuong thumbnail o i-tap ang Custom na thumbnail para gumawa ng custom na thumbnail ng video mula sa isang larawan sa iyong device.
  5. Kumpirmahin ang iyong napiling thumbnail at i-tap ang PILIIN.
  6. I-tap ang I-SAVE.
Tandaan: Papalitan ng awtomatikong nabuong 4:5 na thumbnail ang mga vertical video na may mga 16:9 na custom na thumbnail sa mga page na home, mag-explore, at subscription. Lalabas pa rin ang iyong custom na thumbnail sa watch feed, history ng panonood, at mga hindi mobile na platform.

Pinakamahuhusay na kagawian sa custom na thumbnail

 

Laki at resolution ng larawan

Dapat malaki hangga't puwede ang larawan ng iyong custom na thumbnail. Gagamitin ito bilang larawan ng preview sa naka-embed na player. Inirerekomenda naming gawin sa iyong mga custom na thumbnail ang mga sumusunod:

  • May resolution na 1280x720 (na may minimum na lapad na 640 pixel).
  • Ma-upload sa mga format ng larawan tulad ng JPG, GIF, o PNG.
  • Manatiling hindi lalampas sa 2MB para sa mga video o 10MB para sa mga podcast.
  • Subukang gumamit ng 16:9 na aspect ratio dahil ito ang pinakamadalas gamitin sa mga YouTube player at preview.
  • Para sa playlist ng podcast, mag-upload ng thumbnail na may aspect ratio na 1:1 sa halip na 16:9 (1280 x 1280 pixels).

Mga patakaran sa thumbnail

Dapat sumunod ang lahat ng larawan ng custom na thumbnail sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Posibleng tanggihan ang iyong mga thumbnail at mabigyan ng strike ang account mo kung naglalaman ito ng:
  • Kahubaran o sekswal na mapanuksong content
  • Mapoot na Salita
  • Karahasan
  • Mapaminsala o mapanganib na content
Puwedeng humantong ang mga paulit-ulit na paglabag sa pagkakaalis ng iyong mga pribilehiyo sa custom na thumbnail sa loob ng 30 araw o kahit na sa pagwawakas ng account. Matuto pa tungkol sa mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad.
Kung may naisyung strike, makakatanggap ka ng email at makakakita ka ng alerto sa iyong Mga Setting ng Channelsa susunod na mag-sign in ka sa YouTube. Puwede mong iapela ang strike kung sa tingin mo ay hindi lumalabag ang iyong mga thumbnail sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube. Kung aaprubahan ang iyong apela at hindi mo pa napapalitan ang thumbnail, puwede namin itong i-restore.

Mga limitasyon sa custom na thumbnail

May limitasyon sa bilang ng mga custom na thumbnail na puwedeng i-upload ng isang channel bawat araw. Kung makakatanggap ka ng error na nagsasabing “Naabot na ang limitasyon ng custom na thumbnail” kapag sinusubukan mong mag-upload ng thumbnail, subukan ulit sa loob ng 24 na oras. 
Posibleng magkakaiba ang mga limitasyon depende sa bansa/rehiyon o history ng channel. Puwedeng makaapekto ang mga paglabag sa copyright sa pagiging kwalipikado ng history ng channel. Maaapektuhan ng mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad ang bilang ng mga custom na thumbnail na puwede mong i-upload.
Tandaan: Hindi ka makakapag-upload ng custom na thumbnail para sa mga Short na gaya ng sa mga long-form video. Puwede kang pumili ng frame mula sa iyong Short para gamitin bilang thumbnail na lalabas sa mga resulta ng paghahanap, pivot page ng hashtag at audio, at page ng channel mo. Kapag napili na, hindi mo na mababago ang thumbnail pagkatapos i-upload ang video.

Bakit naka-off ang aking mga custom na thumbnail?

Puwedeng i-off ng YouTube ang mga custom na thumbnail para sa ilang partikular na resulta ng paghahanap kapag itinuturing na hindi naaangkop para sa mga manonood ang mga ito.
Dapat sumunod ang lahat ng larawan ng custom na thumbnail sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18320016767863990412
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102809
false
false