Pinapadali ng history ng panonood sa YouTube ang paghahanap ng mga video na pinanood mo kamakailan, at, kapag naka-on ito, binibigyang-daan kami nito na magbigay ng mga nauugnay na rekomendasyon sa video. Puwede mong kontrolin ang iyong history ng panonood sa pamamagitan ng pag-delete o pag-off ng history mo. Kung ide-delete mo ang ilan o ang lahat ng iyong history ng panonood, hindi ibabatay ng YouTube sa content na iyon ang mga rekomendasyon sa video sa hinaharap. Hindi lalabas sa iyong history ang anumang video na pinanood mo habang naka-off ang history.
Tingnan ang history ng panonood
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang Pamahalaan ang history para makita ang mga video na pinanood mo.
I-delete ang history ng panonood
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang Pamahalaan ang history.
- I-click ang I-DELETE para pumili ng timeframe para sa mga video na gusto mong i-delete.
Kung pupunta ka sa tab na History nang direkta sa YouTube, posibleng makita mo rin ang opsyong ito bilang kakayahang i-clear ang iyong history ng panonood.
I-on o i-off ang history ng panonood
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang I-on o I-off.
Sa page na ito, mapipili mo rin kung ano’ng gusto mong isama sa iyong history ng panonood kapag naka-on ito. Sa pamamagitan ng pagpili sa listahan ng mga opsyon, mapipili mo kung:
- Isama ang mga video sa YouTube na pinapanood mo.
- Isama ang iyong mga paghahanap sa YouTube.
- Isama ang aktibidad sa boses at audio sa YouTube.
Mag-alis ng video sa history ng panonood
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang Pamahalaan ang history.
- I-click ang button na i-delete sa tabi ng video na gusto mong alisin.
Maghanap sa history ng panonood
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang Pamahalaan ang history.
- I-click ang Paghahanap .
Awtomatikong i-delete ang iyong history sa YouTube
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa myactivity.google.com.
- I-click ang History sa YouTube.
- I-click ang Pamahalaan ang history.
- I-click ang Awtomatikong i-delete.
- Piliin ang gusto mong range ng oras, tapos i-click ang Susunod.
- I-click ang Kumpirmahin kapag tapos na.
TV, game console, o media streaming box
I-pause ang iyong history ng panonood
- Sa kaliwang Menu, pumunta sa Mga Setting .
- Piliin ang I-pause ang history ng panonood.
- Piliin ang button na I-pause ang history ng panonood.
I-clear ang iyong history ng panonood
- Sa kaliwang Menu, pumunta sa Mga Setting .
- Piliin ang I-clear ang history ng panonood.
- Piliin ang button na I-clear ang history ng panonood.
I-pause at i-clear ang history ng panonood nang naka-sign out
Kahit naka-sign out ka, pinapahusay ng YouTube ang mga rekomendasyon sa iyo batay sa mga video na pinapanood mo sa device na iyon.
Para i-off o i-delete ang iyong history ng panonood habang naka-sign out:
- Pumunta sa YouTube app.
- I-tap ang larawan sa profile .
- I-tap ang Mga Setting .
- I-tap ang History at privacy.
- I-tap ang i-clear ang history ng panonood o i-pause ang history ng panonood.