Suriin at sagutin ang mga komento

 Ang pamamahala sa at pakikipag-ugnayan gamit ang mga komento ay magandang paraan para magpanatili ng masiglang komunidad sa iyong channel.

Suriin at pamahalaan ang mga komento

YouTube Studio app para sa Android

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. Mula sa Menu sa ibaba, piliin ang Mga Komento .
  3. Default na view mo ang mga na-publish na komento.  Magagawa mong:
    • Mag-filter: I-tap ang filter bar para i-filter ang mga nakikita mong komento ayon sa paghahanap, mga tanong, status ng sagot, at higit pa.
    • Sumagot: I-tap ang Sumagot para sumagot ng mga komento.
    • Mag-heart: I-tap ang Puso para ipakita ang pagpapahalaga.
    • Mag-like: I-tap ang thumbs up para mag-like ng komento.
    • Mag-dislike: Piliin ang thumbs down para mag-dislike ng komento.
    • Mag-alis, mag-ulat ng spam, o mag-hide ng user mula sa channel: I-tap ang Higit pa ''.
    • Mag-pin: Mag-tap ng komento at pagkatapos ay i-tap ang Higit pa '' Mag-pin para mag-highlight ng komento sa itaas ng page sa panonood ng iyong video. Lalabas lang ang opsyong ito kapag tumitingin ng mga komento para sa indibidwal na video.

Gumawa ng pagkilos sa mga komentong naka-hold para sa pagsusuri

Sa tab na “Naka-hold para sa pagsusuri,” puwede mong gawin ang mga sumusunod na pagkilos. Puwede mo ring makita ang mga opsyong ito sa tab na “Na-publish” sa pamamagitan ng pag-click sa Higit pa ''.

  • Mag-apruba: I-tap ang Aprubahan para payagang magsapubliko ng komento.
  • Mag-alis: I-tap ang Alisin para mag-alis ng komento.
  • Mag-ulat ng spam o pang-aabuso: I-tap ang Iulat para mag-ulat ng spam o pang-aabuso sa komento. Matuto pa tungkol sa mga spam na komento.
  • Mag-hide ng user: I-tap ang Higit pa '' at pagkatapos ay Mag-hide ng user mula sa channel. Matuto pa tungkol sa pag-hide ng mga komento mula sa mga partikular na tao.
  • Laging mag-apruba: Available lang ang opsyong ito sa tab na "Na-publish." Para payagan ang lahat ng komento sa hinaharap mula sa partikular na manonood na awtomatikong maaprubahan at maisapubliko, i-tap ang Higit pa '' at pagkatapos ay Palaging aprubahan ang mga komento mula sa user na ito.

FAQ

Ano ang puwedeng gawin ng moderator?

Nakadepende ang mga magagawa ng moderator ng komento sa kung siya ay karaniwang moderator o namamahalang moderator. Mas marami ang mga available na opsyon para sa mga namamahalang moderator kaysa sa mga karaniwang moderator. Magagawa ng dalawang uri ng moderator na mag-hold ng mga komento para masuri mo.
Walang access ang mga moderator sa iyong channel sa YouTube Studio. Ang komento ay iho-hold para sa iyong pagsusuri sa queue mo na "Naka-hold para sa pagsusuri." Hindi makikita ng ibang manonood ang komento maliban na lang kung aaprubahan mo ito.

Matuto pa tungkol sa kung ano ang magagawa ng mga moderator ng komento.
Iba ang paggana ng pag-moderate ng komento sa live chat. Matuto kung paano magtalaga ng mga moderator para sa mga live chat.

Paano ko aalisin ang isang moderator ng komento?

Puwede mong pamahalaan ang iyong mga moderator sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa itaas para sa pagdaragdag ng moderator ng komento, pagkatapos ay piliin ang opsyon sa pag-aalis.

Sinasabihan ba ang mga manonood kapag nag-heart, nag-like, nag-dislike, nag-pin, o sumagot ako sa kanilang komento?

Kung nag-heart, nag-pin, o tumugon ka sa isang komento, makakatanggap ang tagakomento ng notification na sumagot ka, depende sa kanilang mga setting ng notification.
Ang mga pag-like at pag-dislike ay anonymous. Kung magla-like ka ng komento, posibleng makatanggap ang tagakomento ng notification na nagsasabing, “May taong nag-like sa iyong komento." Hindi makakatanggap ng notification ang mga manonood kapag na-dislike mo ang kanilang komento.

Paano ako mag-a-unpin ng komento?

Kung nag-pin ka ng komento sa itaas ng page sa panonood, pero hindi mo na ito gusto roon, puwede mo itong i-unpin. Sa tabi ng komento, piliin ang Higit pa '' at pagkatapos ay I-unpin.
Puwede ka ring mag-pin ng ibang komento, na mag-a-unpin sa naunang komento.

Anong mangyayari kapag minarkahan ko ang isang komento bilang spam?

Permanenteng itatago ang komento sa iyong channel. Posible ring suriin ng YouTube ang komento at gawi ng tagakomento para sa spam.

Paano ibinubuod ang mga paksa ng komento, at puwede ko bang i-moderate ang mga ito?

Gumagamit ang mga paksa ng komento ng mga Google-owned na modelo ng AI para isaayos at ibuod ang mga komento, nang walang pagsusuri ng tao, sa mga video sa YouTube na may malalaking seksyon ng komento. Nagagawa lang ang mga paksa kapag may mga sapat na komento para kumatawan sa isang tema. 

Walang opsyon na mag-opt out sa mga paksa ng komento. Kung aalisin mo ang mga komentong lumalabas sa ilalim ng isang partikular na paksa, maaalis ang paksa. 

Hindi gagawa ng mga paksa mula sa mga komentong naka-hold para sa pagsusuri, naglalaman ng mga naka-block na salita, o mula sa mga nakatagong use. 

Para magbigay ng feedback sa mga paksa ng komento: 

  1. Buksan ang seksyon ng mga komento ng isang video sa YouTube app.
  2. I-tap ang Mga Paksa .
  3. I-tap ang Higit pa ''.
  4. I-tap ang Magpadala ng feedback.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15683463345159953578
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false