Maunawaan ang analytics ng kita sa ad

Puwede mong suriin ang iyong kita sa YouTube at performance ng channel gamit ang mga sukatan sa YouTube Analytics. Mukhang magkakatulad ang ilang sukatan, pero mahalaga ang mga pagkakaiba ng mga ito para maunawaan mo ang iyong kita sa ad sa YouTube.

RPM

Ang Revenue Per Mille (RPM) ay isang sukatang kumakatawan kung magkano ang kinita mo sa bawat 1,000 panonood ng video. Nakabatay ang RPM sa maraming source ng kita kasama ang: mga ad, mga channel membership, kita sa YouTube Premium, Super Chat, at Super Stickers.

Para sa Shorts, kinakalkula ang RPM kada 1,000 engaged na panonood, na sukatang ginagamit para sa pag-share ng kita sa mga ad sa Shorts. Matuto tungkol sa mga pagbabago sa bilang ng panonood sa Shorts.

Bakit mas mababa ang aking RPM kaysa sa aking CPM?

Karaniwang mas mababa ang RPM kaysa sa CPM dahil ang RPM:
  • ay kinakalkula pagkatapos ibawas ang bahagi ng kita ng YouTube.
  • ay kinabibilangan ng lahat ng panonood, kasama ang mga panonood na hindi na-monetize.
Hindi nabago ang halaga ng kinikita mo bilang bahagi ng pagdaragdag ng sukatan ng RPM.

Ano ang pagkakaiba ng RPM at CPM?

Ang CPM ay ang gastusin sa bawat 1000 ad impression bago ibawas ang bahagi ng kita ng YouTube. Ang RPM ay ang iyong kabuuang kita (pagkatapos ibawas ang bahagi ng kita ng YouTube) sa bawat 1000 panonood.

RPM

CPM

  • Sukatang nakatuon sa creator
  • Kinabibilangan ng kabuuang kitang iniuulat sa YouTube Analytics kasama ang mga ad, YouTube Premium, Mga Channel Membership, Super Chat, at Super Stickers
  • Para sa Shorts, kasama rito ang lahat ng engaged na panonood. Para sa Mga Video, kasama rito ang lahat ng panonood.
  • Ang aktuwal na kinita pagkatapos ibawas ang bahagi ng kita.
  • Sukatang nakatuon sa advertiser
  • Kinabibilangan lang ng kita mula sa mga ad at sa YouTube Premium
  • Kinabibilangan lang ng mga panonood mula sa mga video na na-monetize (ibig sabihin, nagpakita ng mga ad)
  • Mga kita bago ibawas ang bahagi ng kita

Bakit mahalaga ang RPM?

Nakakatulong sa iyo ang RPM na maunawaan kung gaano kahusay ang pag-monetize mo sa pangkalahatan.

Paano ko mapapataas ang aking RPM?

Para mapataas ang iyong RPM, dapat mong mapalaki ang iyong kabuuang kita. Narito ang ilang hakbang para ma-maximize ang RPM:
  • I-on ang pag-monetize sa lahat ng video.
  • I-on ang mga mid-roll ad.
  • I-on ang mga feature ng AltMon (halimbawa, mga membership, Super Chat) para magkaroon ka ng iba't ibang mapagkukunan ng kita.

Tandaang may mga sariling requirement at alituntunin ang bawat feature.

Kung tumataas o bumababa ang aking RPM, ano ang ibig sabihin nito?

Ang RPM ay isang snapshot ng rate ng pagkakaroon mo ng kita sa YouTube. Kung tumataas ito, ibig sabihin ay mas malaki ang kinikita mo sa bawat 1000 panonood, at kung bumababa ito, mas maliit ang kinikita mo. Tandaang posibleng bumaba ang iyong RPM kapag nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga hindi namo-monetize na panonood, kahit na pareho lang ang kita mo.
Kung tataas man o bababa ang RPM, isa itong magandang senyales ng kung ano ang gumagana o hindi gumagana sa iyong strategy sa kita. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung ano ang nakakaimpluwensya sa RPM, matutukoy mo ang mga oportunidad para mapahusay ang iyong strategy sa pag-monetize.

Ano ang hindi sinasabi sa akin ng RPM tungkol sa aking kita?

Ang RPM ay isang kapaki-pakinabang na sukatan ng pag-monetize para sa mga creator, pero hindi nito masasabi ang buong detalye ng kita mo. Narito ang hindi nito isinasama:

  • Kinita mula sa pagbebenta ng merchandise o paggamit sa shelf ng merch.
  • Kinita sa pamamagitan ng mga brand deal at sponsorship (hindi kasama ang YouTube BrandConnect).
  • Anupamang hindi direktang kinita sa pamamagitan ng YouTube (mga bayarin sa mga serbisyo, pagsasalita, pagkonsulta).

Hindi masasabi sa iyo ng RPM kung aling source ng kita ang responsable sa mga pagbabago sa kabuuang kita mo

Dahil pinagsasama-sama ng RPM ang maraming sukatan, hindi nito masasabi sa iyo kung aling source ng kita ang responsable sa mga pagbabago sa iyong kita.

Halimbawa, posibleng makakita ka ng pagbaba sa RPM dahil bagama't marami ang iyong mga panonood, hindi lahat sa mga ito ay mga panonood kung saan naka-enable ang ad. O posibleng makita mong tumaas ang iyong RPM nang walang kapansin-pansing pagbabago sa mga panonood dahil nagsa-sign up ang mga manonood para sa Mga Channel Membership.

Inirerekomenda naming gamitin mo ang lahat ng iba't ibang analytics na ibinibigay ng YouTube para matulungan kang lubos na maunawaan ang mga pagbabago sa iyong RPM.

CPM

Ang gastos sa bawat 1,000 impression (CPM) ay isang sukatang kumakatawan sa kung gaano kalaking pera ang ginagastos ng mga advertiser para makapagpakita ng mga ad sa YouTube. Makakakita ka ng ilang magkakaibang sukatan ng CPM sa YouTube Analytics.

  • CPM: Ang halagang binabayaran ng advertiser para sa 1,000 ad impression. Binibilang ang isang ad impression sa tuwing may lalabas na ad.
  • CPM na batay sa pag-playback: Ang halagang binabayaran ng advertiser para sa 1,000 pag-playback ng video kung saan ipinapakita ang isang ad.

Ano ang pagkakaiba ng CPM at ng CPM na batay sa pag-playback?

Puwedeng magkaroon ng mahigit isang ad ang mga video sa YouTube. Nakatuon ang CPM sa gastos ng advertiser para sa mga ad impression. Nakatuon ang CPM na batay sa pag-playback sa gastos ng advertiser para sa mga pag-playback ng mga video na may isa o higit pang ad. Kadalasang mas mataas ang iyong CPM na batay sa pag-playback kaysa sa CPM mo.
Halimbawa, sabihing pinanood ang iyong video nang 5,000 beses. May isang ad sa 1,000 panonood at may dalawa namang ad sa 500 pang panonood, para sa kabuuang 1,500 panonood na may mga ad. Nangangahulugan ang sitwasyong ito na may 2,000 indibidwal na ad impression, pero 1,500 lang ang mga naka-monetize na playback.
Ipagpalagay nating nagbayad ang advertiser ng kabuuang $7. Ang cost per impression ng video ay katumbas ng $7 na gastos ng advertiser na hinati sa 2,000 ad impression, o, $0.0035. Ang CPM, o cost per 1000 impressions, ay magiging katumbas ng $0.0035 na na-multiply sa 1,000, o, $3.50. Ang CPM na batay sa pag-playback ay magiging katumbas ng $7 na hinati sa 1,500 naka-monetize na playback, na na-multiply sa 1,000, o $4.67.

Bakit mahalaga ang CPM?

May bahagi ka sa binabayad ng mga advertiser kapag may inihahatid na ad sa iyong video. Kapag mas malaki ang ibinabayad ng advertiser para sa ad na iyon, mas malaki ang perang kikitain mo. Ang iyong CPM ay isang magandang indikasyon kung gaano kahalaga sa mga advertiser ang mga video at audience mo para sa pag-abot ng kanilang mga layunin sa negosyo.
Hindi magiging katumbas ng iyong CPM na na-multiply sa mga panonood mo ang iyong kita dahil ipinapakita ng CPM kung ano ang ibinabayad ng mga advertiser, hindi ang kinita mo. Bukod pa rito, hindi lahat ng panonood ay magkakaroon ng mga ad. Kung hindi angkop sa advertiser ang mga ito, hindi kwalipikado ang ilang video para sa mga ad sa kabuuan. Posibleng walang kasamang ad ang iba pang panonood ng video dahil sa kakulangan ng mga available na ad. Tinatawag na mga naka-monetize na playback ang mga panonood na may mga kasamang ad.

Bakit nagbabago ang aking CPM?

Normal ang mga pagbabago sa iyong CPM sa paglipas ng panahon, at nangyayari ang mga ito sa maraming dahilan, tulad ng:
  • Panahon ng taon: Karaniwang nagbi-bid nang mas mataas o mas mababa ang mga advertiser depende sa panahon ng taon. Halimbawa, maraming advertiser ang nagbi-bid nang mas mataas bago ang mga holiday.
  • Mga pagbabago sa geography ng manonood: Puwedeng kontrolin ng mga advertiser kung aling mga geography ang gusto nilang maabot sa pamamagitan ng kanilang mga ad. Magkakaroon ng magkakaibang antas ng kumpetisyon sa ad market ang magkakaibang lokasyon, kaya nag-iiba-iba ang mga CPM ayon sa geography. Kung may pagbabago sa kung saan nanggagaling ang karamihan ng iyong mga panonood, puwede kang makakita ng pagbabago sa CPM. Halimbawa, kung nagkaroon ka dati ng mga panonood mula sa isang geography na may mas matataas na CPM, pero nakakakuha ka na ngayon ng mas maraming panonood mula sa mga geography na may mas mabababang CPM, posible kang makakita ng pagbaba sa iyong CPM.
  • Mga pagbabago sa distribusyon ng mga available na format ng ad: Karaniwang magkakaiba ang CPM ng iba't ibang uri ng ad. Halimbawa, kung mas marami ang available na hindi nalalaktawang ad sa imbentaryo ng ad, posibleng mas malaki ang CPM.

Tinatantyang kita vs. kita sa ad

  • Tinatantyang kita: Kita mula sa lahat ng uri ng kita kasama ang mga channel membership, kita sa YouTube Premium, at Super Chat. Makikita mo ang sukatang ito sa tab na Kita.
  • Tinatantyang kita sa ad: Kita mula lang sa mga ad sa iyong mga video. Makikita mo ang sukatang ito sa ulat sa mga source ng kita.

Mga panonood, ad impression, at mga tinatantyang naka-monetize na playback

  • Mga panonood: Ilang beses pinanood ang iyong video.
  • Mga ad impression: Ilang beses pinanood ang mga indibidwal na ad sa iyong mga video.
  • Mga tinatantyang naka-monetize na playback: Ilang beses pinanood ang iyong video na may mga ad.

Kung 10 beses pinanood ang iyong video, at may mga ad ang 8 sa panonood na iyon, magkakaroon ka ng 10 panonood at 8 tinatantyang naka-monetize na pag-playback. Kung mayroon palang 2 ad ang isa sa mga tinatantyang naka-monetize na pag-playback na iyon, magkakaroon ka ng 9 na ad impression.

Hindi lahat ng panonood sa YouTube ay may ad. Posibleng walang ad ang panonood kung:

  • Hindi angkop sa advertiser ang video.
  • Naka-off ang mga ad para sa video na iyon.
  • Walang ad na available para ipakita sa partikular na manonood na iyon. Puwedeng piliin ng mga advertiser na mag-target ng mga partikular na device, demograpiko, at interes. Puwedeng hindi tumugma sa pag-target na ito ang iyong manonood. Matuto pa tungkol sa mga available na paraan ng pag-target para sa mga video ad.
  • Isang hanay ng iba pang salik, kasama ang geography ng manonood, kung kailan niya huling nakita ang ad, kung mayroon siyang Premium na subscription, at iba pa.

Dahil sa iba't ibang panonood na ito, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng mas maraming panonood kaysa sa mga tinatantyang naka-monetize na playback.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5102397905744248617
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false