Pagpapaliwanag sa mga system ng pag-monetize o sa ‘algorithm ng mga ad’

Ang YouTube ay isang lugar kung saan mashe-share ng lahat ng tao sa buong mundo ang kanilang mga kuwento. Mahigit sa 400 oras ng video ang ina-upload sa YouTube kada minuto, daan-daang milyon ang napapanood na oras araw-araw, at bilyon-bilyon ang bumibisitang user sa YouTube kada buwan.
Para matiyak na ligtas ang aming komunidad para sa mga creator, manonood, at advertiser, gumawa kami ng mga naka-automate na system na tumutulong sa aming mag-filter sa lahat ng content sa YouTube. Kung minsan, tinatawag ang mga system na ito na “ang algorithm ng mga ad” o “mga system.”

Paano nakakaapekto ang aming mga system sa nagmo-monetize na creator

Tinitingnan ng aming mga system ang iyong content at mga channel sa iba't ibang paraan, at sa iba't ibang yugto. Para sa mga creator na nasa Partner Program ng YouTube, puwedeng makaapekto ang aming mga system ng pag-monetize sa iyong content at channel.

Epekto sa content

Kapag in-on mo ang mga ad para sa content, isa-scan ito ng aming mga system sa 2 paraan:

  • Content na angkop sa advertiser. Dapat matugunan ng anumang video na mino-monetize mo sa pamamagitan ng mga ad ang aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Susuriin ng aming mga system ang pamagat, thumbnail, paglalarawan, at mga tag ng video, pati ang mismong video para malaman kung natutugunan nito ang aming mga alituntunin. Malalaman mo ang resulta nito sa pamamagitan ng icon ng pag-monetize.
  • Engagement ng manonood. Magsa-scan din ang aming mga system para sa engagement ng manonood. Ibig sabihin, titingnan namin ang mga bagay-bagay gaya ng mga komento, pag-like, at kung pinapanood ba ang video nang buo. Titingnan din namin ang iba pang content na pinapanood ng iyong audience. Pagkatapos ay puwedeng magsagawa ang aming mga system ng isa pang assessment ng pag-monetize na puwedeng magpabago sa status ng pag-monetize ng iyong video.

Matuto pa tungkol sa mga pagbabago sa status ng icon ng pag-monetize at sa puwede mong gawin.

Epekto sa channel

Tinitingnan din ng aming mga system kung tuloy-tuloy kang nakakagawa ng mga tamang pasya sa pag-monetize sa iyong channel. Tandaan, dapat mo lang i-on ang mga ad para sa mga video na nakakasunod sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Kung palagi mong ino-on ang mga ad para sa mga video na lumalabag sa aming mga alituntunin, puwedeng i-flag ng aming mga system ang iyong channel. Sa mga malalang sitwasyon, puwede naming i-off ang iyong kakayahang mag-monetize sa pamamagitan ng mga ad, o puwede ka naming alisin sa Partner Program ng YouTube.

Ang puwede mong gawin kaugnay ng system

Hindi palaging tama ang aming mga system. Kaya puwede kang humiling ng pagsusuri ng status ng pag-monetize ng iyong video anumang oras. Kapag humiling ka ng pagsusuri, susuriin ng isang nagsanay na espesyalista sa patakaran ang iyong content para malaman kung nakakasunod ito sa aming mga alituntunin. Kung hindi sasang-ayon ang aming reviewer sa aming naka-automate na system, ang pasya ng reviewer ang susundin namin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4287011836262479261
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false