Magsagawa ng live stream sa mobile

Para makapag-live stream sa mobile, kakailanganin mo ang mga sumusunod:

Kung mahigit 50 at wala pang 1,000 ang iyong mga subscriber

Ipapalabas ang iyong stream sa limitadong bilang ng mga manonood, at magde-default sa pribado ang archive mo pagkatapos ng bawat session. Kapag nakakuha ka na ng 1,000 subscriber, posibleng kailanganin mong maghintay para makakuha ng ganap na access sa mobile live streaming.

Bakit pinaghihigpitan ang aking live stream sa mobile?

Palagi kaming tumutuklas ng mga bagong paraan para magbigay-daan sa mga creator na makagamit ng mas maraming feature habang pinapanatiling ligtas ang aming komunidad. Para makatulong sa mga nagsisimula pa lang na creator, habang pinipigilan ang mga gumagawa ng masama sa pang-aabuso sa mobile live streaming, gumawa kami ng mga pag-iingat para limitahan ang paglaganap ng potensyal na mapaminsalang content.

Bakit pinaghihigpitan ang aking live stream sa mobile?

Pagkatapos mong magkaroon ng 1K subscriber, posibleng tumagal nang ilang linggo para maalis ang mga limitasyon ng mobile live streaming. Dagdag pa rito, kung nabawasan ang iyong bilang ng subscriber sa panahong ito (dahil sa mga regular na pag-unsubscribe, o pag-aalis ng mga spam o isinarang account), posibleng mas tumagal ito.

Kung naging mas mababa sa 1,000 ang mga subscriber ng iyong channel, magkakaroon ka ng parehong mga limitasyon noong wala ka pang 1,000 subscriber. Hindi ka mawawalan ng access sa live streaming sa mobile.

Gumawa at mag-iskedyul ng live stream sa mobile

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang YouTube app.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Gumawa at pagkatapos ay Mag-live.
    • Para sa iyong unang live stream sa mobile: Posibleng abutin nang hanggang 24 na oras ang pagsisimula ng una mong live stream. Kapag pinayagan na, puwede ka nang mag-live stream kaagad.
  3. Sundin ang mga hakbang para gumawa ng live stream.
    • Para sa mga user na 13 hanggang 17 taong gulang sa YouTube, nakatakda sa hindi nakalista ang inyong default na setting ng privacy ng live stream sa mobile. Kung 18 taong gulang o mas matanda ka na, nakatakda sa pampubliko ang iyong default na setting ng privacy ng live stream sa mobile. Puwede mong baguhin ang setting na ito para gawing pampubliko, pribado, o hindi nakalista ang kanilang live stream.
    • Para mag-iskedyul para sa ibang pagkakataon, i-tap ang Higit pang opsyon.
    • Para magtakda ng mga opsyon para sa live chat, paghihigpit sa edad, pag-monetize, at higit pa, i-tap ang Higit pang opsyon at pagkatapos ay Magpakita pa. Pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
    • Para i-stream ang screen ng iyong telepono, i-tap ang Gumawa ng channel at pagkatapos ay Ibahagi ang screen .
  4. I-tap ang Mag-live.
  5. Para tapusin ang iyong stream, i-tap ang Tapusin. Magkakaroon ng archive ng stream sa iyong channel. Puwede mong i-edit ang setting ng privacy o i-delete ang archive anumang oras.

Magsimula ng nakaiskedyul na live stream sa mobile

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang YouTube app.
  2. I-tap ang Gumawa  at pagkatapos ay Mag-live.
  3. I-tap ang Kalendaryo at pagkatapos ay Piliin ang iyong live stream.
    Tandaan: Puwede kang mag-delete ng mga nakaiskedyul na live stream sa pamamagitan ng pagpindot sa button na i-delete.
  4. I-tap ang Mag-live.

Mag-live stream ng app gamit ang iOS ReplayKit

Kapag gumagamit ng sinusuportahang app gaya ng Procreate, Asphalt 8: Airborne, o Mobile Legends: Bang bang, puwede kang mag-stream nang direkta sa YouTube. Para simulang mag-stream:

  1. Buksan ang app na gusto mong i-stream.
  2. Buksan ang Menu para sa live streaming, at piliin ang YouTube.
  3. Sundin ang mga hakbang para i-set up iyong stream.
  4. I-tap ang Mag-live.

Tandaan: Para mag-live stream gamit ang ReplayKit, kailangan mo ng device na gumagamit ng iOS 10.2+.


Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4773284056185558832
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false