Gabay sa icon ng pag-monetize para sa YouTube Studio

Nagsimula ang pag-share ng kita sa mga ad para sa Shorts noong Pebrero 1, 2023. Kung mayroon kang mga gray na icon sa tabi ng iyong Shorts makalipas ang petsang iyon, nangangahulugang hindi mo tinanggap ang module sa YouTube Studio.

Gamitin ang artikulong ito para matutunan kung paano suriin ang status ng pag-monetize ng iyong video at maunawaan ang ibig sabihin ng bawat icon ng pag-monetize. Puwede mo ring malaman ang ibig sabihin nito kapag nagbago ang icon ng pag-monetize sa tabi ng iyong video.

Tandaan: Ang pagkakaroon mo ng kita sa isang video ay nakadepende sa ilang salik, kasama ang mga claim sa copyright, pagbabahagi ng kita, at pagiging angkop para sa advertiser. Para sa higit pang impormasyon, alamin kung paano mag-upload ng mga video na imo-monetize gamit ang mga ad.

Suriin ang status ng pag-monetize ng video

Para tingnan ang status ng pag-monetize: ng iyong video:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
  3. Sa column na Pag-monetize, makikita mo ang mga icon ng pag-monetize. Para sa impormasyon tungkol sa ibig sabihin ng bawat icon, puwede kang mag-hover doon.

Para i-filter ang listahan ng iyong video ayon sa status ng pag-monetize:

  1. I-click ang bar ng filter at pagkatapos ay Pag-monetize.
  2. Para ipakita ang mga video na may mga berdeng icon, lagyan ng check ang Mino-monetize. Para ipakita ang mga video na may mga pula at gray na icon, lagyan ng check ang Hindi mino-monetize. Para ipakita ang mga video na may mga dilaw na icon, lagyan ng check ang Limitado.
  3. I-click ang ILAPAT.

Gabay sa icon ng pag-monetize

Gamitin ang talahanayang ito para malaman ang ibig sabihin ng bawat icon ng pag-monetize.

Icon at paglalarawan

Kapag lumabas ang icon

Ano ibig sabihin ng icon para sa status ng pag-monetize ng iyong video Mga tip tungkol sa status ng pag-monetize na ito
 Sinusuri Lumalabas ang icon na ito sa tabi ng isang video kapag sinusuri ng aming mga system ang isang video para sa kaangkupan ng ad. Habang isinasagawa ang pagsusuri sa kaangkupan ng ad, hindi kami nagpapakita ng mga ad sa iyong video.

Sinusuri ng aming mga system ang kaangkupan ng ad sa panahon ng proseso ng pag-upload. Ang pagsusuring ito ay karaniwang inaabot ng wala pang 20 minuto at pinakamatagal na ang 1 oras.

Kapag natapos ang pagsusuri, magiging berde, dilaw, o pula ang icon.

Para i-maximize ang potensyal sa pagkita, inirerekomenda naming hintayin mong makumpleto ang mga pagsusuri bago gawing pampubliko ang iyong video.

 Sa Lumalabas ang icon na ito sa tabi ng isang video kapag natutugunan nito ang lahat ng aming alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Ang video ay kwalipikado para sa karamihan ng mga ad. Tandaang posibleng hindi mo makuha ang lahat ng kita sa ad para sa video. Kung minsan, posibleng pansamantalang i-hold ang iyong kita dahil sa isang dispute sa copyright o invalid na trapiko.
 Mga Exception Lumalabas ang icon na ito sa tabi ng video kapag ang audience nito ay nakatakda bilang para sa bata. Ang video ay kwalipikado lang para sa mga hindi naka-personalize na ad. -
 Pagbabahagi Lumalabas ang icon na ito kapag nag-upload ka ng cover na video ng isang kanta, at naghain ng claim ang isang publisher ng musika dito. Dating sumang-ayon ang publisher ng musikang ito na mag-share ng kita sa mga creator sa YPP na gumagawa ng mga cover ng musika. Hinahati ng video ang kita sa mga may-ari ng mga karapatan sa musika. Bahagya kang kikita, pero hindi mo makukuha ang lahat ng kita. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi ng kita at pag-monetize ng mga kwalipikadong cover video.
 Escrow Lumalabas ang icon na ito sa tabi ng video kapag hiwalay na hino-hold ang kita sa proseso ng pag-dispute sa Content ID. Kapag naareglo na ang dispute sa Content ID, babayaran namin ang kita sa naaangkop na party. Kung ”May claim sa copyright” ang paglalarawan ng status: Nangangahulugan iyon na napag-alamang naglalaman ang video ng naka-copyright na materyal, at sinusuri ng may-ari ng copyright ang iyong dispute o apela. Matuto pa tungkol sa pag-monetize sa panahon ng mga pag-dispute sa Content ID.
 Limitado Lumalabas ang icon na ito sa tabi ng isang video kapag hindi nito natutugunan ang lahat ng aming alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Puwedeng piliin ng mga brand na mag-opt out sa content na hindi nakakatugon sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Ibig sabihin, posibleng mas maliit ang kitain ng video kumpara sa content na naaangkop para sa mga advertiser.

Kung “Kaangkupan ng ad” ang nakalagay sa paglalarawan ng status: Nangangahulugan ang paglalarawang ito na sinuri ng aming mga naka-automate na system ang video na ito. Puwede kang humiling ng pagsusuri na nangangahulugang susuriin ulit ng isang espesyalista sa patakaran ang video, at kung naaangkop, puwede niyang baguhin ang status ng pag-monetize ng video.

Kung “Kaangkupan ng ad - Sinusuri” ang nakalagay sa paglalarawan ng status: Nangangahulugan ang paglalarawang ito na sinusuri ng espesyalista sa patakaran ang video. Puwedeng panatilihin o baguhin ng espesyalista ang status ng pag-monetize, at hindi na mababago ang kaniyang pasya.

Kung “Kaangkupan ng ad - Kinumpirma sa pagsusuri” ang nakalagay sa paglalarawan ng status: Nangangahulugan ang paglalarawang ito na sinuri ng aming mga espesyalista sa patakaran ang video at naniniwala silang hindi nito natutugunan ang aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Hindi puwedeng baguhin ang status na dilaw na icon.

Tandaan: Kung may invalid na trapiko ang isang video, hindi ito magreresulta sa dilaw na icon. Nalalapat lang ang mga dilaw na icon sa mga video batay sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser.

 Hindi Kwalipikado Kadalasan, lumalabas ang icon na ito sa tabi ng isang video kapag may claim sa copyright sa video. Hindi puwedeng i-monetize ang video. Kung “Copyright” ang nakalagay sa paglalarawan ng status: Nangangahulugan ang paglalarawang ito na may rightsholder na nag-claim sa video mo gamit ang Content ID o nagsumite siya ng kumpleo at valid na request sa pag-aalis dahil sa copyright. Nangyayari ang sitwasyong ito kapag gumagamit ang video mo ng gawang protektado ng copyright nang walang pahintulot. Bilang resulta, hindi mo na namo-monetize ang video.
 Naka-off Para sa mga ad sa Page sa Panonood, nangangahulugan ang icon na ito na pinili mong hindi i-on ang pag-monetize para sa video. Kung makikita mo ang icon na ito sa iyong Shorts, nangangahulugan itong hindi mo tinanggap ang Module ng Pag-monetize sa Shorts sa YouTube Studio. Hindi mino-monetize ang video. Kung “Copyright” ang nakalagay sa paglalarawan ng status: Nangangahulugan itong may ibang taong nagmamay-ari ng copyright sa content sa iyong video. Tumatakbo ang mga ad at napupunta ang kita sa may-ari ng copyright. Ang maganda rito, handa ang may-ari ng copyright na ibahagi ang kita sa iyo. Kung gagawin mong “naka-on” ang status ng pag-monetize, bahagya kang makakatanggap ng kita para sa video na ito.

Bakit posibleng maging dilaw ang berdeng icon ng pag-monetize

Kung minsan, ang icon ng pag-monetize ng isang video ay nagbabago mula sa berde  papuntang dilaw . Nangyayari ang pagbabagong ito sa status ng pag-monetize dahil patuloy na sina-scan ng aming mga system ang iyong video kung natutugunan ba ng video ang aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser. Patuloy kaming nagsisikap na pabilisin pa at gawing mas stable ang prosesong ito.

Ang puwede mong gawin kaugnay ng mga pagbabago sa icon

Bago mo gawing live ang iyong video

Sa proseo ng pag-upload, inirerekomenda naming maghintay kang i-publish ang iyong video hanggang sa matapos ang proseso ng mga pagsusuri.

Pagkatapos maging live ng video mo

Pagkatapos mong i-upload ang iyong video, posibleng magbago ang status ng pag-monetize ng video sa susunod na 24 hanggang 48 oras. Karaniwan itong nagsa-stabilize pagkalipas ng 48 oras. Tandaang puwede itong magbago ulit batay sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga manonood sa iyong video.

Kung sa palagay mo ay hindi dapat dilaw ang icon sa iyong video, puwede kang humiling ng pagsusuri ng tao. Pagkatapos suriin ng isang espesyalista sa patakaran ang isang video at nakapagbigay na siya ng pinal na pasya, hindi na dapat magbago ang pag-monetize.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu