Sinusuri ng YouTube ang mga na-flag ng user para matukoy kung lumalabag o hindi ang mga video sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Bisitahin ang iyong page ng History ng Pag-uulat para tingnan ang status ng mga video na iniulat mo sa YouTube:
- Live: Mga video na hindi pa nasusuri o napagpasyahan naming hindi lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube.
- Inalis: Mga video na inalis sa YouTube.
- Pinaghihigpitan: Mga video na inilagay sa pinaghihigpitang status, gaya ng paghihigpit sa edad o Mga Limitadong Feature.
Posible ring may text na “Hindi available ang impormasyon tungkol sa video na ito” ang ilang video. Puwedeng ito ay dahil inalis ng creator ang video, o hindi available sa YouTube ang video dahil sa iba pang dahilan. Halimbawa, hindi ito available sa iyong bansa.
Nakalista ang mga na-flag na video ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkaka-flag mo sa mga ito, mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma. Kung magfa-flag ka ng video nang higit sa isang beses, lalabas lang ito kung kailan mo ito pinakakamakailang iniulat.
Sa ilang sitwasyon, posibleng wala sa page na History ng Pag-uulat ang video na na-flag mo. Ibig sabihin, marami nang iba pang nag-flag sa video, at sinusuri na namin ang video batay sa mga pag-flag na iyon. Papahusayin namin ang feature na ito sa hinaharap para lalabas sa page na ito ang lahat ng iyong pag-flag, kahit na iniulat na ang isang video.