Hindi ko mapanood ang video na na-download ko

Alamin ang tungkol sa kung paano mag-download ng mga video, at suriin ang mga hakbang sa ibaba para malutas ang iyong isyu.

Bilang unang hakbang na lumulutas ng maraming karaniwang problema, isara ang YouTube app o window ng browser at buksan ulit ito. Susunod, subukang i-restart ang iyong device.

I-download ulit ang mga video sa mga bagong device

Kung nagkaroon ka ng bagong device kamakailan, kakailanganin mong i-download ulit ang anumang video na gusto mong panoorin. Hindi naililipat ang mga video sa iba pang device, kahit na naka-sign in ka sa parehong account. Partikular ang mga pag-download ng video sa bawat device.

Tiyaking hindi pa nag-expire ang iyong membership

Tiyaking hindi pa nag-expire ang iyong membership sa YouTube Premium. Puwede mo itong i-double check sa youtube.com/paid_memberships.

Kung matatapos ang iyong membership sa YouTube Premium, mawawalan ka na ng access sa mga na-download mong video. Para magkaroon ulit ng access sa iyong mga download, mag-sign up para sa membership sa Premium.

Tiyaking naka-sign in ka sa YouTube Premium

Tiyaking naka-sign in ka sa Google account na nauugnay sa iyong membership sa YouTube Premium:

  • Subukang mag-sign out at mag-sign in ulit sa account na nauugnay sa YouTube Premium.
  • Tiyaking nakikita mo ang logo ng YouTube Premium (sa halip na logo ng YouTube). Sa YouTube mobile app o sa iyong computer, nakikita mo dapat ang logo ng YouTube Premium sa kaliwang sulok sa itaas ng iyong app o browser.
Gumagamit ng YouTube sa smart TV?
  • Tiyaking naka-sign in ka sa iyong TV sa account na nauugnay sa membership mo sa YouTube Premium.
  • Kung nagka-cast ka sa TV, tiyaking naka-sign in ka sa TV at sa computer o sa ginagamit mong device. 
  • Kung gumagamit ka ng Google Home, tiyaking naka-sign in ka sa tamang account sa Google Home app.

Makipag-ugnayan sa suporta at magsumite ng feedback sa produkto

Kung nagkakaproblema ka pa rin, makipag-ugnayan sa suporta. Kapag makikipag-ugnayan sa suporta, banggitin ang mga sumusunod:

  • May nakikita ka bang mensahe ng error?
  • Saan ito lumalabas at ano ang eksaktong text? Magsama ng screenshot, kung puwede.
Magpadala sa YouTube ng feedback sa produkto:
  • Puwede ka ring magsumite ng feedback tungkol sa iyong isyu. Hindi ka makakatanggap ng sagot, pero ibabahagi ang iyong feedback sa YouTube.
  • Para magpadala ng feedback sa produkto, piliin ang iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Feedback Feedback sa YouTube.
  • Tiyaking lagyan ng check ang box para sa "Mga log ng system" para matulungan kaming mas maunawaan ang iyong isyu.

Bumalik sa I-troubleshoot ang mga benepisyo ng miyembro ng YouTube Premium.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17259488134567226293
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false