Mag-download ng mga video sa YouTube sa isang SD card

Para manood ng video offline, i-download ito sa SD card (memory card) o sa internal memory ng iyong telepono. Puwede kang mag-download ng mga video kung:

Para mag-save ng mga video na papanoorin offline, i-tap ang I-download  mula sa page sa panonood ng video.


Paano mag-download ng mga video sa isang SD card | May mga paghihigpit

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mag-download ng mga video sa SD card ng iyong telepono

Kung wala pang SD card ang iyong telepono, maglagay nito para dito ma-store ang mga video na ida-download mo.

I-save sa SD card bilang default

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Setting .
  3. I-tap ang Background at mga pag-download.
  4. I-on ang Gamitin ang SD card (I-save ang mga video sa SD card).

Kung hindi mo io-on ang paggamit ng SD card, mase-save ang iyong mga video sa internal memory ng telepono mo.

Tiyaking may sapat na espasyong available sa SD card para i-save ang iyong video.

Mag-download ng mga video sa SD card

  1. Pumunta sa video na gusto mong i-save sa iyong SD card.
  2. I-tap ang I-download sa ibaba ng video.

Kung mawawalan ng koneksyon ang iyong device habang nagda-download ka ng isang video o playlist, awtomatikong magpapatuloy ang pag-download kapag kumonekta ka ulit sa internet.

Mga FAQ tungkol sa SD Card

Paano ko ililipat sa aking SD card ang mga na-download na video mula sa internal memory ng aking telepono?

Hindi posibleng direktang ilipat ang mga video mula sa isang lokasyon papunta sa isa pa. Para maglipat ng na-download na video sa iyong SD card mula sa internal memory ng telepono mo:

  1. I-delete ang video sa internal storage.
  2. Gawing SD ang lokasyon ng storage ng video.
  3. I-download ulit ang video.

Paano ko ililipat sa internal memory ng aking telepono ang mga na-download na video mula sa aking SD card?

Hindi posible ang direktang paglilipat ng mga video mula sa isang lokasyon papunta sa isa pa. Para mailipat ang isang na-download na video mula sa iyong SD card papunta sa internal memory ng telepono mo:
  1. I-delete ang video sa iyong SD card.
  2. Gawing internal memory ng iyong telepono ang lokasyon ng storage ng video.
  3. I-download ulit ang video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16053282021776573055
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false