Profile para sa Mga Artist

Gaya ng iyong musika at mga video, ang Profile mo ay karugtong ng iyong malikhaing pagpapahayag. Gusto naming malaman ng mga fan kung sino ka kapag nakikipag-ugnayan sila sa iyong gawa sa buong YouTube.

I-update ang iyong Profile

Sa YouTube, posibleng gamitin ang iyong mga larawan sa:

  • Paghahanap sa YouTube
  • YouTube Charts
  • YouTube Music
  • Mga Playlist
  • Mga Banner

Puwede mo i-update ang iyong Profile anumang oras.

Dalawang beses na ipapa-upload sa iyo ang isang larawan. Gagamitin sa YouTube ang isa sa mga larawan, at gagamitin naman sa YouTube Music app ang isa pa.

  1. Pumunta sa studio.youtube.com.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Profile.
  3. Ilagay ang iyong pangalan at bio sa pamamagitan ng aming mga alituntunin sa bio.
  4. Pumili ng mataas na kalidad na larawan gamit ang aming mga alituntunin sa larawan.
  5. Gamit ang icon na lapis, magdagdag ng kuwadradong larawan sa profile at parihabang larawan sa profile.

Mga alituntunin sa bio ng profile

Posibleng gamitin ang iyong bio sa:

  • Paghahanap sa YouTube
  • Iyong channel
  • YouTube Music

Para i-update ang iyong bio, pumili saanman sa kahong Biography, ilagay ang bio mo, at piliin ang I-save ang Bio. Tiyaking susundin mo ang mga alituntuning ito:

  • Huwag gumamit ng mahigit 1500 Character. Puwedeng 1,500 character ang haba ng iyong bio, at pagkalampas sa ~150 character, puputulin ito ng YouTube Music at ilalagay nito ang natitirang bio sa likod ng link na “Higit pa.”
  • Tiyaking nakakatugon ang content sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
  • Panatilihing up to date ang iyong bio. Kung magpo-promote ka ng paparating na album o bagong release sa iyong bio, posibleng mawalan ito ng kabuluhan.
Mga alituntunin sa larawan
Posibleng makita ang mga larawan ng artist sa iba't ibang lugar sa YouTube, Google, at ilang third-party na site. Para tiyaking maganda ang hitsura ng iyong larawan sa bawat isa sa mga lokasyong ito, narito ang ilang alituntuning dapat mong sundin:
  • Hugis at oryentasyon: Dapat ay parihaba at nasa landscape mode ang mga larawan.
  • Laki: Hindi dapat bumaba sa 5120 x 2880 pixel ang mga larawan.
  • Resolution: Hindi dapat bumaba sa 150 dpi ang mga larawan.
  • Format: Maaari ka lang mag-upload ng mga larawan na JPG o PNG ang format.
  • White space: Maka-crop ang iyong larawan bilang kuwadrado at bilog, kaya tiyaking may sapat na espasyo sa may mga gilid ng larawan mo.
  • Content ng larawan: Nakikita dapat ang iyong mukha o mga mukha sa larawan sa profile - huwag gumamit ng text o album art.
  • Mga Alituntunin ng Komunidad: Tiyaking nakakatugon ang iyong larawan sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube.

Tingnan ang mga halimbawa kung paano puwedeng i-crop ang mga larawan sa Profile sa seksyong mga halimbawang larawan sa ibaba.

Mga halimbawang larawan

Narito ang mga halimbawa ng pinakamahusay na kagawiang dapat sundin kapag nag-a-upload ng mga larawan sa Profile.

Dapat ipakita ng mga solo artist ang kanilang ulo at mga balikat, hindi ang buong katawan:

Kailangan ng mga grupo ng karagdagang espasyo para walang taong awtomatikong maka-crop:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9374436674593748209
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false