Gumawa ng post sa Komunidad

YouTube Community Posts

Sa pamamagitan ng mga post, mas lalawak ang iyong naaabot sa YouTube at magkakaroon ka ng higit na engagement sa iyong audience. Matuto pa tungkol sa mga benepisyo at pagiging kwalipikado sa tab na Komunidad.

Gumawa ng post

Para gumawa ng post:

  1. I-tap ang Gumawa at pagkatapos ay Post.
  2. Magdagdag ng text.
  3. Piliin ang larawan , poll , o quiz depende sa uri ng post na gusto mong gawin.
  4. Piliin ang I-post.
Tandaan: Kung gusto mong itakdang mag-expire ang iyong post sa loob ng 24 na oras, i-tap ang hourglass .

Nililimitahan namin ang bilang ng mga post na puwedeng gawin ng channel sa loob ng 24 na oras para maprotektahan ang komunidad ng YouTube. Kung may makita kang mensahe ng error na “naabot na ang limitasyon,” subukan ulit pagkalipas ng 24 na oras.

Mag-iskedyul ng post

Para mag-iskedyul ng post:

  1. Habang gumagawa ng post, sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang orasan .
  2. Pumili ng petsa, oras, at time zone para i-publish ang post.
  3. Piliin ang Tapos na.
  4. Sa page ng paggawa ng post, i-click ang Iiskedyul.

Mag-share ng video sa isang post

Para mag-share ng video sa isang post:

  1. Pumunta sa video na gusto mong i-share.
  2. I-tap ang I-share Ibahagi at pagkatapos ay I-share....
  3. I-tap ang Gumawa ng post.
  4. I-type ang iyong mensahe at i-tap ang I-post o .

Mag-share ng playlist sa isang post

Para mag-share ng playlist sa isang post:

  1. Buksan ang playlist na gusto mong i-share.
  2. Piliin ang Higit pa at pagkatapos ay I-share.
  3. I-tap ang Kopyahin ang link.
  4. I-tap ang Gumawa at pagkatapos ay Mag-post.
  5. I-paste ang URL ng playlist at i-tap ang I-post.

Mag-post ng live stream

  1. Mula sa home screen, i-tap ang Mag-record Video camera.
  2. I-tap ang Live at pagkatapos ay Pampubliko at pagkatapos ay Susunod.
  3. Pumili ng pamagat, pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  4. Pumili ng thumbnail para sa post.
  5. Piliin ang oryentasyon ng pag-broadcast sa pamamagitan ng pagpoposisyon ng iyong device sa landscape o portrait view (tiyaking pinapayagan ang pag-rotate sa telepono mo).
  6. I-tap ang I-share at pagkatapos ay Gumawa ng post.
  7. Magdagdag ng text sa post, pagkatapos ay piliin ang I-post.
  8. I-tap ang Mag-live.
  9. Para tapusin ang stream, i-tap ang Tapos na.

Magbanggit ng iba pang channel sa isang post

Puwede kang magbanggit ng iba pang channel sa YouTube sa iyong mga post sa pamamagitan ng paglalagay ng @ na sinusundan kaagad ng handle nito o pangalan ng channel. Posibleng makatanggap ang channel ng notification na nabanggit mo ito. Puwedeng i-click ng mga manonood ang pagbanggit mula sa anumang device, at puwede silang direktang makapunta sa page ng channel na iyon.

Matuto tungkol sa mga uri ng mga post

Mga post na text

Para gumawa ng post na may text, ilagay ang iyong mensahe sa text box sa tab na Komunidad ng channel mo. Puwede mong i-post ang iyong text nang walang kasama, o nang may video, larawan, o GIF. Hindi puwedeng pagsamahin ang mga post na text at mga quiz.

Mga post na may playlist

Kung in-on mo ang tab na Komunidad, puwede kang mag-post ng mga playlist mula sa mga artist na gusto mo. Kopyahin at i-paste ang URL ng playlist sa iyong post.

Mga post na larawan at GIF

Puwede kang mag-upload ng hanggang 5 larawan o animated na GIF mula sa iyong Android device.

Mga Alituntunin

  • Laki: Hanggang 16 MB
  • Mga uri ng file: JPG, PNG, GIF, o WEBP
  • Iminumungkahing aspect ratio: Iminumungkahi namin ang 1:1 na ratio dahil ganoon ipinapakita ang mga larawan sa feed. Makikita ng mga manonood ang buong larawan sa pamamagitan ng pag-click para i-expand ito.

Gumamit lang ng mga larawang may pahintulot kang gamitin. Puwede ka ring magsama ng text sa iyong post na may larawan. Tandaang sumusunod dapat sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube ang mga larawan.Kung lalabag ang mga larawan sa Mga Alituntunin ng Komunidad, posibleng alisin ang iyong post at posibleng maglapat ng strike sa channel.

Mga post na may video

Kung pipiliin mong magdagdag ng video sa iyong post, puwede kang:

  • Maghanap ng video sa YouTube
  • Mag-paste ng URL ng YouTube video
  • Pumili ng video sa iyong channel sa YouTube

Kapag gumawa ka ng post na nagbabahagi ng video ng ibang creator, puwedeng may ipadalang notification sa orihinal na uploader ng video. Nakakatulong ang notification na ito sa mga creator na malaman kapag shine-share ng ibang creator ang kanilang video.

Tandaan: Posibleng hindi na ulit lumabas ang mga post na tungkol sa isang video na nasa feed na Subscription o Home feed na ng isang manonood. Pinipigilan ng setting na ito na paulit-ulit na makita ng iyong mga manonood ang parehong video.

Mga Poll

Kung pipiliin mong magdagdag ng poll sa iyong post:

  1. Pumili ng poll na TEXT o LARAWAN.
  2. Para sa mga TEXT poll:
    1. Maglagay ng tanong sa field ng text.
    2. Ilagay ang mga sagot sa mga field na "Opsyon." Puwedeng magkaroon ang bawat isa sa mga opsyon ng hanggang 65 character.
    3. Kung kailangan mo ng higit pang field ng sagot, i-tap ang MAGDAGDAG NG OPSYON.
  3. Para sa mga IMAGE poll:
    1. Maglagay ng tanong sa field ng text.
    2. Mag-upload ng mga larawan bilang mga opsyon.
    3. Kung kailangan mo ng higit pang larawan, i-tap ang MAGDAGDAG NG OPSYON para magdagdag ng hanggang 4 na larawan.

Tandaan: Tumaas sa maximum na 36 na character ang mga opsyon sa poll na larawan. Puwedeng may maximum na 65 character ang mga opsyon sa poll sa text.

Mga Quiz

Kung pipiliin mong magdagdag ng quiz  sa iyong post:

  1. Maglagay ng tanong sa field ng text.
  2. Ilagay ang mga sagot sa mga field na “Sagot.” Puwedeng may hanggang 80 character ang bawat sagot.
  3. Kung kailangan mo ng higit pang field ng sagot, i-tap ang Magdagdag ng sagot. Puwede kang maglagay ng hanggang 4 na sagot.
  4. Piliin ang tamang sagot. Puwede kang magdagdag ng opsyonal na paliwanag sa kung bakit ito ang tamang sagot sa field ng text. Puwedeng hanggang maximum na 350 character ang mga paliwanag.
Tandaan: Isang tamang sagot lang ang puwede sa mga quiz.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1182534061163257554
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false