Pamahalaan ang iyong mga rekomendasyon at resulta ng paghahanap

May ilang paraan para impluwensyahan ang iyong mga rekomendasyon ng YouTube at resulta ng paghahanap sa YouTube. Puwede kang mag-alis ng mga partikular na video sa iyong history ng panonood at mga paghahanap sa history ng paghahanap mo. Magagawa mo ring i-off ang iyong history ng panonood at paghahanap, o magsimula ulit sa pamamagitan ng pag-delete sa history ng paghahanap at panonood mo.

Kung ayaw mong makakuha ng mga inirerekomendang video sa homepage, puwede mong i-delete at i-off ang iyong history ng panonood.

History ng panonood at history ng paghahanap

  • Mag-alis ng mga indibidwal na video sa iyong history ng panonood: Kung may mapapansin kang mga rekomendasyong hindi interesante para sa iyo, subukang mag-alis ng video na napanood mo na tungkol sa paksang iyon. Posible nitong bawasan ang posibilidad ng mga katulad na rekomendasyon sa hinaharap.
  • Mag-alis ng mga indibidwal na paghahanap sa iyong history ng paghahanap: Kung may mapapansin kang mga rekomendasyong hindi interesante para sa iyo, subukang mag-alis ng nakaraang paghahanap tungkol sa paksang iyon. Posible nitong mabawasan ang posibilidad ng mga katulad na rekomendasyon sa hinaharap.
  • I-off ang history: Puwede mong i-off ang iyong history ng panonood o paghahanap kapag ayaw mong maimpluwensyahan ng iyong mga panonood o paghahanap ang mga rekomendasyon at resulta ng paghahanap sa hinaharap. Halimbawa, kapag may sinasaliksik kang paksa para sa isang proyekto sa paaralan na hindi naman interesante para sa iyo. Huwag kalimutang ipagpatuloy ang iyong history kapag tapos ka na.
  • I-delete ang history: Kung hindi na nauugnay sa mga interes mo ang iyong buong history ng panonood at paghahanap, puwede mong i-delete ang iyong history ng panonood at paghahanap. Tip: Kung gusto mong gamitin ang iyong history ng panonood para manood ulit ng ilang video, subukang idagdag ang mga video na iyon sa isang playlist o sa "Panoorin sa Ibang Pagkakataon" para makita ulit ang mga ito.

Iangkop ang mga rekomendasyon sa iyo

Mga smart TV, streaming device, o game console

Mag-alis ng inirerekomendang content sa homepage

Puwede mong alisin ang mga inirerekomendang video sa pamamagitan ng pagpili sa “Hindi interesado” sa homepage mo, o sa iyong Home page at page na Panoorin ang Susunod sa mga smart TV, streaming device, o game console:

  1. Pumunta sa inirerekomendang video na gusto mong alisin.
  2. Pindutin nang matagal ang button na piliin sa iyong remote.
  3. Piliin ang Hindi interesado.
  4. Piliin ang Sabihin sa amin kung bakit para i-share kung bakit mo gustong alisin ang video. Puwede mong piliin ang Napanood ko na ang video, Hindi ko gusto ang video, o Huwag irekomenda ang channel para i-customize ang iyong mga rekomendasyon.

I-clear ang feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel”

Puwedeng gamitin ang iyong feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel" para iangkop ang mga rekomendasyon mo. Para i-clear ang lahat ng feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel” na isinumite mo, pakisunod ang mga tagubilin sa ibaba gamit ang iyong computer, Android, o iPhone o iPad.

Mga rekomendasyon gamit ang iyong Aktibidad sa Google

Posible ring gumamit ang YouTube ng data mula sa aktibidad sa Google Account mo para impluwensyahan ang iyong mga rekomendasyon, resulta ng paghahanap, in-app na notification, at iminumungkahing video sa iba pang lugar.

Puwede mong tingnan at kontrolin ang iyong aktibidad sa myactivity.google.com. Matuto pa tungkol sa pagkontrol ng aktibidad para sa iyong Google Account.

Piliin ang mga paksa sa mga rekomendasyon sa iyo

Kung naka-sign in ka, mapapansin mo ang mga paksa sa Home at sa mga page sa panonood para makatulong sa iyong pinuhin ang mga rekomendasyon sa iyo. Pinili ang mga paksang ito batay sa iyong mga kasalukuyan at naka-personalize na suhestyon. Nakabatay rin ang mga paksa sa content na nauugnay sa kung saan ka nakikipag-ugnayan. Nilalayon ng mga paksang itong matulungan kang makahanap ng content na gusto mong panoorin nang mas mabilis.

Kung may makita kang video na hindi nauugnay sa paksang pinili mo sa Home, ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-tap sa Higit pa '' at pagkatapos ay sa Hindi <paksa>.

Tandaan: Posibleng kailanganin mong mag-update sa pinakabagong bersyon ng app para makita ang mga feature na ito.

Mag-alis ng inirerekomendang content sa homepage

Para mag-alis ng mga inirerekomendang video sa iyong Home page at sa page na Sunod na Papanoorin sa mobile:

  1. Pumunta sa inirerekomendang video na gusto mong alisin.
  2. I-tap ang Higit pa '' sa tabi ng pamagat ng video.
  3. I-tap ang Hindi interesado.
  4. I-tap ang Sabihin sa amin kung bakit para ibahagi kung bakit mo gustong alisin ang video. Puwede mong piliin ang Napanood ko na ang video o Hindi ko gusto ang video para i-customize ang mga rekomendasyon sa iyo.

Puwede mo ring tiyaking hindi lalabas sa mga rekomendasyon sa iyo ang mga video mula sa mga partikular na channel. Piliin ang Higit pa '' at pagkatapos ay ang Huwag irekomenda ang channel.

I-clear ang feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel”

Puwedeng gamitin ang iyong feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel" para iangkop ang mga rekomendasyon sa iyo. Para i-clear ang feedback na “Hindi interesado” at “Huwag irekomenda ang channel” na isinumite mo:

  1. Pumunta sa Aking Aktibidad. Posibleng kailanganin mong mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Hanapin ang Iba pang aktibidad sa Google sa kaliwang Menu o sa ilalim ng banner na Aking Aktibidad.
  3. Piliin ang "feedback na 'Hindi interesado' sa YouTube," pagkatapos ay piliin ang I-delete.

Tingnan ang iba pa naming artikulo para sa higit pang impormasyon tungkol sa history ng panonood, history ng paghahanap, at pagpapahusay sa mga rekomendasyon sa iyo.

Mga rekomendasyon gamit ang iyong Aktibidad sa Google

Posible ring gumamit ang YouTube ng data mula sa aktibidad sa Google Account mo para impluwensyahan ang iyong mga rekomendasyon, resulta ng paghahanap, in-app na notification, at iminumungkahing video sa iba pang lugar.

Puwede mong tingnan at kontrolin ang iyong aktibidad sa myactivity.google.com. Matuto pa tungkol sa pagkontrol ng aktibidad para sa iyong Google Account.

Pamahalaan ang mga ni-like na video

Nakabatay din ang iyong mga rekomendasyon at resulta ng paghahanap sa mga video na ni-like mo. Puwede kang mag-like, mag-dislike, at mag-alis ng mga ni-like na video para impluwensyahan ang iyong mga rekomendasyon at resulta ng paghahanap.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10914914700994210213
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false