Ang mga may-ari ng copyright ang nagpapasya kung paano nila gustong gamitin ang kanilang musika sa YouTube. Maaapektuhan ng mga patakaran ng mga may-ari ng copyright kung mapapanood ang iyong video at kung paano itong gagawing available. Kung gagamit ka ng musika sa video mo, posibleng makatanggap ka ng claim sa Content ID na nagsasabi sa iyong gumamit ka ng naka-copyright na content.
Narito ang ibig sabihin ng bawat patakaran:
- I-monetize: Pinili ng may-ari ng copyright na i-monetize ang musikang ito, kaya puwedeng may lumabas na mga ad sa iyong video. Minsan, puwedeng piliin ng may-ari ng copyright na bigyan ka ng ilang bahagi ng kitang iyon. Kahit na ilapat ang patakarang ito, posibleng hindi maging available ang video sa lahat ng lugar o sa lahat ng device.
- I-block sa buong mundo: Hindi pinapayagan ng isa o higit pang may-ari ng copyright ang paggamit ng musikang ito sa YouTube. Kung gagamitin mo ang musikang ito, puwedeng ma-mute ang iyong video o tuluyan itong hindi maging available sa YouTube.
- I-block sa ilang bansa/rehiyon: Pinaghihigpitan ng isa o higit pang may-ari ng copyright ang mga bansa/rehiyon kung saan available ang musikang ito sa YouTube. Kung gagamitin mo ang musikang ito, hindi mapapanood ang iyong video kung saan naka-block ang musika sa YouTube.
Tandaan: Mababago ng mga may-ari ng copyright ang kanilang mga patakaran at makakapaglabas sila ng mga abiso sa pagtanggal dahil sa copyright sa ilang partikular na sitwasyon. Puwedeng magbago ang status ng iyong video sa hinaharap at puwede rin itong alisin sa YouTube. Puwedeng mangyari ang pag-aalis kapag iba ang naging pagpapasya ng may-ari ng copyright sa iyong indibidwal na sitwasyon. Puwede ring magresulta sa pag-aalis ang mga pagbabago sa patakarang nalalapat sa musika sa iyong video. Matuto pa tungkol sa Content ID.
Humingi ng pahintulot na gamitin ang content ng iba
Kung plano mong magsama sa iyong video ng materyal na pinoprotektahan ng copyright, karaniwang kakailanganin mo munang humingi ng pahintulot na gawin ito. Hindi maibibigay ng YouTube sa iyo ang mga karapatang ito. Hindi namin matutulungan ang mga creator sa paghahanap at pakikipag-ugnayan sa mga party na puwedeng magbigay sa iyo ng mga ito. Kung may mga tanong ka tungkol sa paggamit ng materyal na pinoprotektahan ng copyright, puwede kang kumonsulta sa isang kwalipikadong abugado.