Mag-sign in sa isang Content Manager account

Available lang ang mga feature na ito sa mga partner na gumagamit ng Content Manager ng YouTube Studio. Makipag-ugnayan sa iyong Partner Manager sa YouTube para makakuha ng access.

Simula Nobyembre 1, 2021, dapat na i-on ng mga nagmo-monetize na creator ang 2-Step na Pag-verify sa Google Account na ginamit para sa kanilang channel sa YouTube para i-access ang YouTube Studio o Content Manager ng YouTube Studio. Matuto pa

Kailangan ng mga administrator at user na tumanggap ng imbitasyong sumali sa isang Content Manager account na mag-sign in para ma-access ang kanilang Content Manager.

  • Content Manager: Isang web-based na tool para sa mga partner na namamahala ng content at mga karapatan sa YouTube. Nagmamay-ari ang Content Manager account ng isa o higit pang channel sa YouTube at ang mga asset na nauunay sa mga ito. Kilala rin bilang Content Manager ng Studio.
  • Administrator: Taong nangangasiwa ng Content Manager at nag-iimbita sa ibang tao na i-access ito.
  • User: Sinumang gumagamit ng Content Manager.

Paano mag-sign in

  1. Mag-sign in sa YouTube.
  2. I-click ang iyong larawan sa profile .
  3. Piliin ang Lumipat ng account .
    • Makakakuha ka ng listahan ng mga account kung saan ka may access.
    • Kung may access ka sa isang Content Manager, lalabas ang pangalan ng account sa listahan na may Content Manager sa ilalim nito.
  4. I-click ang Content Manager account. Lilipat ang YouTube sa account na iyon.

Tip: Puwede mo ring gamitin ang Switcher ng Channel para madaling makalipat-lipat sa iyong mga channel at sa Content Manager mo.

Kapag tapos ka nang gamitin ang Content Manager, i-click ang larawan sa profile at pumili ng ibang account o mag-sign out.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18346528873376198107
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false