Gumawa ng maramihang pagbabago sa mga video

Mag-edit ng maraming video

Para mag-edit ng maraming video nang sabay-sabay:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga video na gusto mong i-edit.
  4. Piliin ang I-edit, at pagkatapos ay piliin ang uri ng pagbabagong gusto mong gawin.
  5. Ilagay ang mga detalye ng pagbabago at piliin ang I-update ang mga video.

Mag-delete ng maraming video

Kung magde-delete ka ng video, tuluyan itong made-delete — hindi mo ito mare-recover sa pamamagitan ng YouTube. Kung gusto mong mapanood ang video sa hinaharap, tiyaking may naka-save kang backup.

Para mag-delete ng maraming video o draft ng video nang sabay-sabay:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
  3. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga video na gusto mong i-delete.
  4. Piliin ang Higit pang pagkilos at pagkatapos ay I-delete nang tuluyan.
  5. Lagyan ng check ang kahon para tanggaping tuluyan nang ide-delete ang iyong video.
  6. Piliin ang I-DELETE NANG TULUYAN.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6374131717667298006
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false