Paninirang-puri

Magkakaiba ang mga batas sa paninirang-puri ayon sa bansa pero karaniwang tungkol ito sa content na nakakasira sa reputasyon ng ibang tao o negosyo. Kahit na magkakaiba ang kahulugan ng paninirang-puri sa iba't ibang bahagi ng mundo, sa pangkalahatan, ang paninirang-puri ay anumang hindi totoong pahayag na nakakasira sa reputasyon ng isang tao o nagdudulot sa paglayo o pag-iwas sa isang tao.

Binibigyang-pansin namin sa aming proseso sa pag-block ng paninirang-puri ang mga lokal na legal na pagsasaalang-alang, at sa ilang sitwasyon, nangangailangan kami ng utos ng hukuman. Para makapagproseso kami ng request sa pagba-block ng paninirang-puri, kailangang partikular at masidhing sinusuportahan ang claim. Halimbawa, kailangang maipaliwanag nito kung bakit ka naniniwalang hindi totoo ang mga pahayag at kung paano nito nasisira ang iyong reputasyon.

Sa ilang sitwasyon, kusang inaalis ng mga uploader ang mapaminsalang content. Dahil magastos at nakakaubos ng oras ang pagkuha ng utos ng hukuman, hinihikayat namin ang mga user na direktang makipag-ugnayan sa mga uploader ng pinag-uusapang content.

Kung hindi mo magawang makipag-ugnayan sa uploader, suriin kung natutugunan ng video ang mga pamantayan para sa pag-aalis alinsunod sa aming patakaran sa privacy o panliligalig.

Kung sinubukan mong makipag-ugnayan sa uploader at naniniwala kang mas naaangkop ang claim sa paninirang-puri kumpara sa reklamo hinggil sa privacy o panliligalig, pakipili ang iyong bansa kung saan nagmula ang hindi pagkakaunawaan mula sa drop-down sa ibaba at sundin ang mga tagubilin. 

Pakisumite ang form na ito. 

Kung hindi mo mahanap ang iyong bansa sa drop-down sa itaas

Nasasaklawan ng batas ng U.S. ang YouTube.com.

Dahil wala kami sa posisyon para patunayan ang katotohanan ng mga na-post, hindi namin inaalis ang mga post na video dahil sa mga di-umano'y paninirang-puri. Alinsunod sa Section 230(c) ng Communications Decency Act, inirerekomenda naming ipagpatuloy mo ang anumang direktang claim na posibleng mayroon ka laban sa taong nag-post ng content. Kung pipiliin mong magsampa ng legal na pagkilos laban sa content creator, tandaang posibleng handa kaming sumunod sa anumang kautusang nag-aatas sa content creator na alisin ang nasabing post.

Kung may utos ng hukuman na kinasasangkutan ng content na na-post sa www.youtube.com, puwede mong ipasa ito sa pamamagitan ng mail sa sumusunod na address: YouTube, Inc., Attn Legal Support, 901 Cherry Ave., Second Floor, San Bruno, CA 94066.

Bilang alternatibo, puwede kang makipag-ugnayan sa uploader.

Kung may alalahanin kang nauugnay sa copyright, pakibisita ang aming Copyright Center. Kung mayroon kang karagdagang alalahaning nauugnay sa mga paglabag sa Patakaran ng YouTube, pakibisita ang aming Reporting Center.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12515189298130181782
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false