Puwede mong pamahalaan ang iyong history ng paghahanap sa pamamagitan ng pag-delete ng mga indibidwal na paghahanap o pag-clear o pag-pause ng history ng paghahanap. Matuto pa tungkol sa iyong data sa YouTube at pamamahala ng aktibidad mo sa YouTube.
Mga Paalala:
- Hindi na makakaimpluwensya sa iyong mga rekomendasyon ang mga entry sa paghahanap na ide-delete mo.
- Kapag na-clear na ang iyong history ng paghahanap, hindi lalabas ang mga nakaraan mong paghahanap bilang mga suhestyon sa box para sa paghahanap.
- Habang naka-pause ang history ng paghahanap mo, hindi mase-save sa iyong history ng paghahanap ang mga paghahanap na ilalagay mo.
- Kung nagba-browse ka sa Incognito mode, hindi mase-save ang iyong history ng paghahanap. Matuto pa tungkol sa Incognito mode.
I-pause ang history ng paghahanap
- Mag-sign in sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
Pamahalaan ang lahat ng history.
- I-tap ang tab na Mga Kontrol.
- I-unselect ang "Isama ang iyong mga paghahanap sa YouTube."
I-delete ang history ng paghahanap
- Mag-sign in sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
Pamahalaan ang lahat ng history.
- Pumili ng isa sa mga sumusunod:
- Mag-delete: I-tap ang
sa tabi ng isang paghahanap para i-delete ito. Para mag-delete ng higit sa isang paghahanap sa iyong history sa bawat pagkakataon, i-tap ang MAG-DELETE.
- Maghanap: I-tap ang
para maghanap ng mga partikular na paghahanap.
- Kalendaryo: I-tap ang
para i-browse ang iyong history sa partikular na hanay ng petsa.
- Mag-delete: I-tap ang
Tandaan: Kapag ginamit ang MAG-DELETE para i-delete ang iyong history ng paghahanap, made-delete din ang history ng panonood mo sa napiling time frame.