Puwede kang magdagdag ng mga playlist na ginawa mo, mga playlist na ginawa ng iba pang Creator, at mga video na iyong idinagdag sa Panoorin sa Ibang Pagkakataon sa tab mo na Page Ko. Kapag nag-save ka ng mga playlist, madali mong mahahanap at mapapanood ang mga ito sa ibang pagkakataon.
Kung nagmamay-ari ka ng playlist, puwede mo itong idagdag sa iyong Library para makita ng publiko at maidagdag ito ng mga manonood mo sa kanilang mga sariling Library. Puwede mong i-update ang iyong mga setting ng privacy para alisin ang mga playlist mo sa view. Sa pamamagitan ng pag-alis nito, puwede mo pa ring makita ang mga naka-save na playlist sa iyong channel, pero hindi makikita ng ibang manonood ang mga ito.
YouTube app
Magdagdag ng playlist sa iyong Library
Mula sa isang page ng channel
- I-tap ang tab na MGA PLAYLIST para tingnan ang mga playlist para sa channel na iyon.
- I-tap ang Higit pa sa tabi ng mga detalye ng playlist.
- I-tap ang I-save.
Habang nanonood ng video
Kung nanonood ka ng video na bahagi ng playlist, i-tap ang I-save .
Tingnan ang mga playlist na na-save at nagawa mo
Para tingnan ang mga playlist na na-save at nagawa mo. pumunta sa tab na Page Ko.
Pang-mobile na site
Magdagdag ng playlist sa iyong Library
Habang nanonood ng video
Habang nanonood ka ng video na bahagi ng playlist, i-tap ang I-save .
Tingnan ang mga playlist na idinagdag mo sa Library
Puwede mong tingnan ang mga playlist na idinagdag mo sa iyong Library at ginawa mo sa pamamagitan ng pag-tap sa tab na Library .