Xbox One

Puwede ka nang manood ng mga video sa YouTube sa Xbox One. Sa YouTube app, magagawa mong tingnan ang mga channel kung saan ka naka-subscribe, maghanap ng content, at gamitin ang iyong mobile device bilang remote.

Available ang YouTube sa 4K sa Xbox One S, Xbox One X, Xbox Series S, at Xbox Series X na mga modelo. Ang maximum na resolution para sa orihinal na Xbox One console ay 1080p. Sinusuportahan ang HDR na pag-playback sa Xbox One S, Xbox One X, Xbox Series S, at Xbox Series X na mga modelo.

Mag-sign in

Kapag binuksan mo sa unang pagkakataon ang YouTube app, maaari kang mag-sign in gamit ang iyong Google Account. Kapag naka-sign in, mayroon kang access sa mga karagdagang feature ng YouTube gaya ng iyong mga playlist at subscription. Para mag-sign in, sundin ang mga hakbang na ito:

Sa iyong Xbox One:

  1. Mag-navigate sa Pag-sign in at Mga Setting.
  2. Piliin ang MAG-SIGN IN. Dapat ay may nakikita ka nang code sa pag-activate. 

Sa iyong desktop:

  1. Pumunta sa www.youtube.com/activate at ilagay ang code sa pag-activate na ipinapakita sa Xbox One. 
  2. I-click ang Payagan ang Pag-access na kukumpleto sa proseso ng pag-sign in.
Mag-play ng mga video

Kapag nakapili ka na ng video na ipe-play, may lalabas na bar ng mga control ng player na magbibigay-daan sa iyo na isagawa ang mga sumusunod na pagkilos:

  • I-rewind  - Pindutin ang A para bilisan ang pag-rewind.

  • I-pause/ipagpatuloy  - I-pause o ipagpatuloy ang video.
  • I-fast forward  - Pindutin ang A para bilisan ang pag-fast forward.
  • Closed Captioning  - Kung may mga caption ang video, piliin ito para makita ang mga closed caption ng video.

Gamitin ang button na B para bumalik sa pag-browse ng mga video.

Ipares ang iyong mobile device

Gamitin ang iyong mobile device bilang remote control. Alamin kung paano ipares ang iyong Xbox One sa pamamagitan ng m.youtube.com, YouTube app para sa Android, o YouTube iOS app.

Mga pagkontrol gamit ang boses at galaw

Maaari mo ring kontrolin ang YouTube app gamit ang iyong boses o mga galaw.

Boses

Para i-enable ang pagkontrol gamit ang boses, sabihin ang "Xbox Select." Ngayon ay maaari ka nang magsabi ng kahit anong salita o pariralang naka-highlight sa screen para buksan ang item na iyon.

Galaw

Para i-enable ang mga kontrol gamit ang mga galaw, ikumpay ang iyong kamay sa harap ng console mo at dapat ay may lalabas na icon sa iyong screen. Igalaw ang iyong palad na parang may tinutulak para pumili ng item. Maaari mo ring isara ang iyong kamao para "hawakan" ang isang video at igalaw ito pakaliwa para i-rewind o pakanan para i-fast forward.

Mensahe ng error sa Xbox

Kung makita mo ang mensahe ng error na “Hindi available ang YouTube sa ngayon,” posibleng lumabas ito dahil mabagal ang iyong koneksyon sa internet.

Makikita sa ibaba ang ilang tip na makakatulong sa paglutas sa problema:

  • Tingnan o i-reset ang iyong koneksyon sa internet 
  • Makipag-ugnayan sa iyong ISP para mapabilis ang internet mo
  • I-restart ang iyong Xbox
  • I-restart ang YouTube app

Kalidad ng video

Video

Available ang YouTube sa mga sumusunod na resolution sa mga Xbox One device.
  • Xbox One: hanggang 1080p sa 60 frame bawat segundo
  • Xbox One S: hanggang 4K sa 60 frame bawat segundo
  • Xbox One X: hanggang 4K sa 60 frame bawat segundo

Sinusuportahan ang HDR na pag-playback sa Xbox One S, Xbox One X, Xbox Series S, at Xbox Series X na mga modelo.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false