Magagawa ng mga creator na kalahok sa Partner Program ng YouTube na magbahagi ng kita mula sa mga kwalipikadong video ng cover ng kanta sa YouTube, kapag na-claim ng mga may-ari ng publisher ng musika ang mga video na iyon. Ibabayad sa iyo ang kita para sa mga video na ito sa isang pro rata na batayan.
Paano malalaman kung kwalipikado ang iyong video ng cover ng kanta para sa pag-monetize
Magiging kwalipikado ang isang video ng iyong cover ng kanta para sa pag-monetize kapag ipinapakita ng page na Content sa YouTube Studio mo na ang iyong video ay may mga sumusunod:
- Copyright sa column na Mga Paghihigpit
- Nakatakda ang status ng pag-monetize ng video sa Naka-off
- Hover text na nagsasabing ang video ay kwalipikado para ibahagi ang kita sa ad
Lalabas ang mensaheng ito para sa mga video na na-claim/na-monetize sa pamamagitan ng Content ID system ng publisher o mga publisher ng musika na nagmamay-ari ng copyright ng musikal na komposisyong kinanta o tinugtog. Tandaang puwedeng maging kwalipikado ang mga bago at dating pag-upload.
Paano i-on ang pagbabahagi ng kita para sa iyong video ng cover ng kanta
- I-on ang pag-monetize para sa iyong account, kung hindi mo pa ito nagagawa. Pumunta sa tab na Pag-monetize sa mga setting ng iyong account.
- Hanapin ang kwalipikadong video ng cover ng kanta sa iyong page na Content .
- I-on ang status ng pag-monetize.
- Puwede ka ring pumunta sa mga detalye ng pag-monetize ng video at I-on ang pag-monetize mula sa Pagkaka-off nito.