Para makapanood sa YouTube sa iyong smartphone o tablet, i-download ang YouTube app. Available ang YouTube app sa maraming iba't ibang device, kabilang ang mga mobile phone, smart TV, at device sa pag-stream ng media.Matuto pa tungkol sa kung saan makakapanood sa YouTube.
Paano Mag-sign In sa YouTube sa Iyong TV
Mada-download mo ang YouTube app sa Google Play.
Bisitahin ang Help Center ng Google Play para malaman ang tungkol sa pamamahala ng mga download na Android app mula sa Google Play.
YouTube sa mga mas bagong smart TV at media device
YouTube sa Android TV
Kung may device kang gumagamit ng Android TV, magiging available ang YouTube app sa iyong listahan ng mga app bilang default.
Hindi na sinusuportahan ang bersyon 1.0 ng YouTube app para sa Android TV.
YouTube sa Apple TV
Kung may 4th generation ka ng Apple TV o mas bago, mai-install mo ang YouTube app mula sa App Store.
Tandaan: Wala nang sinusuportahang YouTube app ang mga third generation at mas lumang Apple TV. Kung ginagamit mo ang isa sa mga device na ito, magagamit mo ang Airplay sa device para i-stream ang YouTube.YouTube sa mga game console
Puwede mong i-download ang YouTube mula sa maraming store ng game console, tulad ng Nintendo, PlayStation, Xbox.
- Pumunta sa iyong store ng game console at hanapin ang YouTube.
- Piliin ang I-download.