Mga ad sa mga video na pinapanood mo

Iniaangkop sa iyong mga interes ang mga ad na nagpe-play sa mga video sa YouTube o Short na pinapanood mo. Nakabatay ang mga ito sa iyong Mga Setting ng Google Ad, content na pinanood mo, at kung naka-sign in ka o hindi.

How to personalize the ads you see on YouTube and Google

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Kapag naka-sign in ka, ang mga anonymous na signal na ito ang posibleng magpasya kung aling mga ad ang makikita mo:

  • Mga uri ng video na napanood mo
  • Ang mga app sa iyong device at ang paggamit mo sa mga app
  • Mga website na binibisita mo
  • Mga anonymous na pagkikilanlang nauugnay sa iyong mobile device
  • Mga nakaraang pakikipag-ugnayan sa mga ad o serbisyo sa pag-advertise ng Google
  • Ang iyong heograpikong lokasyon
  • Sakop na edad
  • Kasarian
  • Mga pakikipag-ugnayan sa video sa YouTube

Nakabatay ang mga ad na ito sa content ng mga video na pinanood mo, naka-sign in ka man o hindi.  

Pamahalaan ang mga setting ng privacy para sa mga ad

Puwede mong kontrolin ang mga ad na nakikita mo batay sa iyong Google Account Mga Setting ng Ad. Magagawa mo ring tingnan, i-delete, o i-pause ang iyong history ng panonood sa YouTube.

I-off ang mga ad

Kung gusto mong i-off ang mga ad sa YouTube, tingnan ang aming mga may bayad na membership para sa experience na walang ad. 

Para hindi na makakita ng partikular na ad nang hindi ito iniuulat, piliin sa ad ang Higit pa o Impormasyon at pagkatapos ay I-block ang ad . Available lang ang opsyong ito kung pipiliin mong i-customize ang mga ad na nakikita mo sa Ang Aking Ad Center.

Mag-ulat ng ad

Kung makakakita ka ng ad na hindi mo gusto, gamitin ang impormasyon sa itaas para pamahalaan ang iyong mga setting ng ad. Kung makakakita ka ng ad na hindi naaangkop o lumalabag sa mga patakaran sa ad ng Google, puwede mo itong iulat. 

Para iulat ang ad, piliin ang Higit pa o Impormasyon at pagkatapos ay Iulat ang ad o piliing punan at isumite ang form na ito. Pagkatapos ay susuriin ng aming team ang iyong ulat sa ad at kikilos sila batay sa ulat kung naaangkop.

Available lang ang pag-uulat ng mga ad sa YouTube mobile at sa isang computer.

Punan ang mga form ng lead

Kapag nagbukas ka ng form ng lead sa isang video campaign sa YouTube, naka-prefill na ang ilang field kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2333336797236949489
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false