Kung nagkakaproblema ka sa pag-play ng iyong video sa YouTube, subukan ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot para malutas ang isyu mo. Ang ilan sa mga pinakakaraniwang mensahe ng error ay:
- Nagka-error.
- Nagkaroon ng error sa pag-playback. I-tap para subukan ulit.
- Nawala ang koneksyon sa server.
- Hindi available ang video na ito.
- Nagkaproblema. I-tap para Subukan Ulit.
- Pakitingnan ang iyong koneksyon ng network (Subukan ulit).
- Hindi available ang content na ito
Suriin ang bilis ng internet mo
- I-restart ang iyong koneksyon sa internet.
- Magsagawa ng pagsusuri sa bilis ng internet para matiyak na masusuportahan ng iyong internet ang piniling resolution ng video. Puwede mo ring baguhin ang kalidad ng iyong video para mapaganda ang experience mo. Tandaan: Posibleng makabawas sa bilis na nakukuha ng device mo ang paggamit ng maraming device sa iisang network.
- Tingnan ang resolution ng video sa YouTube at ang inirerekomendang bilis na kailangan para ma-play ang video. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga tinatayang bilis na inirerekomenda sa pag-play ng bawat resolution ng video.
|
- Kung interesado kang makakita ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pine-play back ang iyong mga video, tingnan ang Stats para sa Mga Nerd.
Tiyaking naka-sign in ka sa YouTube.
Para maprotektahan ang komunidad ng YouTube, posibleng pigilan namin ang mga naka-sign out na user sa pag-access ng mga video sa YouTube kapag sinusubukan nilang mag-download ng materyal para sa offline na paggamit.
Kung isa kang mananaliksik na sumusubok na mag-access ng data ng YouTube para sa iyong pang-akademikong pananaliksik, puwede kang mag-apply sa programa ng mananaliksik ng YouTube. Puwede kang matuto pa tungkol sa proseso at available na data rito.
I-restart ang YouTube app o i-reboot ang iyong device
Subukang isara ang YouTube app o i-reboot ang iyong device. Puwede mo ring i-uninstall at i-install ulit ang YouTube app.
I-update ang iyong browser at tingnan ang mga extension mo
I-update ang YouTube app
Suriin ang iyong paggamit ng data
Tiyaking na-on mo ang paggamit ng data para sa YouTube:
- Pumunta sa Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Cellular.
- Sa ilalim ng seksyong "Cellular data," pumunta sa YouTube.
- Sa tabi ng YouTube, i-tap ang button para ma-on ito.
Iba pang uri ng mga error
Berde o itim na screen sa video player
- Gumamit ng ibang browser para panoorin ang video.
- I-clear ang cache at cookies ng iyong browser.
Kung hindi iyon gagana, subukan ang mga tip na ito sa pag-troubleshoot.
Mga isyu sa audio
Kung wala kang marinig na audio mula sa isang video sa YouTube, subukang:
- Tiyaking naka-on ang tunog/volume para sa iyong browser o device.
- Suriin ang mga setting ng tunog ng iyong device.
- I-restart ang iyong browser o device.
Content na pinaghihigpitan ayon sa edad
Mga isyu sa pag-download ng mga video
Mga isyung error sa account
Mga isyu sa Mga May Bayad na Produkto ng YouTube
Kung hindi gumagana ang mga hakbang sa itaas at ikaw ay:
- Bumili ng pelikula o palabas sa TV sa YouTube, O
- Aktibong nagbabayad na miyembro ng YouTube Music, YouTube Premium, o YouTube TV