Xbox 360

Madali mong mahahanap ang iyong mga paboritong video at subscription sa YouTube gamit ang YouTube app sa Xbox 360.

Makokontrol mo rin ang YouTube sa XBox 360 gamit ang iyong telepono, tablet, o computer

Mag-sign in

Sa unang beses na bumukas ang YouTube app, kakailanganin mong mag-sign in gamit ang iyong Xbox Live Account. Pindutin ang A para mag-sign in. Kapag nakapag-sign in ka na sa iyong Xbox Live account, puwede kang mag-sign in sa YouTube app. Narito kung paano:

Sa iyong Xbox 360:

  1. Buksan ang YouTube app. 
  2. Buksan ang Gabay sa kaliwa at piliin ang Mag-sign In.

Sa isang computer, tablet, o telepono:

  1. Bumisita sa www.youtube.com/tv/activate.
  2. Kapag tinanong, piliin ang account kung saan mo gustong mag-sign.
  3. Ilagay ang code sa pag-activate na ipinapakita sa Xbox 360 at i-click ang Magpatuloy.
  4. Sa susunod na screen, piliin ang Tanggapin.

Kung sa palagay mo ay nag-sign in ka sa maling account matapos mong sundin ang mga tagubilin sa itaas, dapat mong gawin ang sumusunod:

  1. Sa iyong Xbox 360, buksan ang Gabay sa kaliwa at mag-scroll pababa para sa Mga Setting.
  2. Piliin ang Mag-sign Out pagkatapos ay i-click ang OK.
  3. Sa iyong computer, tablet, o telepono, mag-sign out sa YouTube at mag-sign ulit gamit ang gusto mong account.
  4. Ulitin ang proseso ng youtube.com/tv/activate.
Manood at maghanap ng mga video

Maghanap ng mga video

Sa pangunahing Menu ng YouTube, pindutin ang Y para maghanap ng mga video. Kapag naghahanap, pindutin ang Y para magdagdag ng espasyo, at ang X para mag-delete ng character.
  • Mga suhestyon sa paghahanap: Habang inilalagay mo ang iyong paghahanap, makakakita ka ng mga suhestyon sa ibaba ng box para sa paghahanap. Mula sa keyboard, puwede kang pumindot pataas sa D-pad o sa kaliwang stick hanggang sa ma-highlight ang gusto mong paghahanap. Pagkatapos ay pindutin ang A para maghanap. 
  • Mag-browse ng mga video: Habang naghahanap ka, may mga lalabas na nauugnay na video sa ibaba ng screen. Para i-browse ang mga resultang video, pindutin ang kaliwa o kanan sa D-pad o kaliwang stick.
  • Baguhin ang iyong paghahanap: Para baguhin ang iyong mga termino para sa paghahanap, pumindot pataas sa D-pad/kaliwang stick para bumalik sa box para sa paghahanap. 

Mga kontrol sa video

Habang nagpe-play ang isang video, pindutin ang A para lumabas ang mga kontrol ng player mo, na nagbibigay-daan sa iyong gawin ang mga sumusunod:
  • Home  - Bumalik sa home screen. 
  • Mag-rewind  - Bumalik nang 10 segundo.
  • Mag-pause / Mag-play  - I-pause ang video o ipagpatuloy ang pag-playback. 
  • Mag-fast forward  - Lumaktaw nang 10 segundo.
  • Mga Closed Caption  - Kung naka-enable ang mga closed caption sa video, pindutin ang A para ma-on ang feature na ito. Kung naka-gray out ang icon na CC, hindi available ang mga closed caption.
  • Lumaktaw pabalik: Bumalik sa nakaraang video sa playlist.
  • Lumaktaw pasulong: Lumaktaw sa susunod na video sa playlist. 
  • Makakakita ng mga karagdagang feature sa pamamagitan ng pagpili sa Higit pang pagkilos:
    • Mag-subscribe sa channel.
    • I-like / I-dislike ang video.
    • Iulat ang video bilang hindi naaangkop.
    • Maghanap ng mga video. 
Mensahe ng error sa Xbox

Kung makita mo ang mensahe ng error na “Hindi available ang YouTube sa ngayon,” posibleng lumabas ito dahil mabagal ang iyong koneksyon sa internet.

Makikita sa ibaba ang ilang tip na makakatulong sa paglutas sa problema:

  • Tingnan o i-reset ang iyong koneksyon sa internet.
  • Makipag-ugnayan sa iyong ISP para mapabilis ang internet mo.
  • I-restart ang iyong Xbox.
  • I-restart ang YouTube app.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false