Tingnan ang mga sukatan ng iyong live stream

Kapag nagla-live stream sa YouTube, makikita mo ang performance ng iyong stream. Makakakuha ka ng iba't ibang sukatan depende kung nagsi-stream ka mula sa telepono o encoder.

Mula sa Live Control Room

Puwede mong tingnan ang status at analytics ng iyong stream habang nagsi-stream ka sa Live Control Room. Mula sa dashboard ng iyong stream, makikita mo ang:

Status ng stream

Status ng stream: Kabilang sa status ng stream ang mga partikular na mensahe ng error na may mga tagubilin

Real-time analytics

  • Mga magkakasabay na manonood: Ang bilang ng mga sabay-sabay na manonood. Ang peak na pagsasabay-sabay ay ang pinakamataas na bilang ng mga manonood habang nasa live stream.
  • Tagal: Ang itinagal ng stream.
  • Mga like: Ang kabuuang bilang ng mga user na nag-like sa stream. Naililipat ang mga like sa VOD archive ng live stream.
  • Rate ng pakikipag-chat: Ang bilang ng mga mensaheng ipinadala sa live chat bawat minuto.
  • Mga panonood: Ang kabuuang bilang ng beses na napanood ang isang live stream habang live.
  • Average na tagal ng panonood: Ang tinatantyang average na minutong pinanood kada panonood para sa isang live stream.

Analytics pagkatapos ng stream

Analytics pagkatapos ng stream

Kapag natapos ka sa isang live stream, may ipapakitang mabilisang snapshot ng mga sukatan ng iyong stream.

  • Mga panonood: Ang kabuuang bilang ng beses na napanood ang isang live stream habang live.
  • Mga Bagong Subscriber: Ang bilang ng mga user na nag-subscribe sa iyong channel habang nagsi-stream.
  • Kabuuang haba ng panonood: Ang kabuuang oras na na-play ang event sa lahat ng panonood.
  • Peak ng magkakasabay na panonood: Ang pinakamataas na bilang ng mga panonood habang nagsi-stream.
  • Tagal: Ang tagal ng oras na live ang stream.
  • Average na tagal ng panonood: Ang tinatantyang average na minutong pinanood kada panonood para sa isang live stream.
  • Mga reaksyon: Kung ilan at anong uri ng mga reaksyon ang nakuha ng stream.

Sa YouTube Studio

Analytics sa level ng video

  • Average na Magkakasabay na manonood: Ang average na bilang ng mga manonood na sabay-sabay na nanonood ng iyong stream anumang oras.
  • Peak ng Magkakasabay na manonood: Ang maximum na bilang ng mga manonood na sabay-sabay na nanonood ng iyong stream sa anumang pagkakataon.
  • Mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience: Kung gaano kahusay napanatili ng iba't ibang sandali ng stream mo ang atensyon ng mga manonood. (nasa ulat ng mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience)
  • Mga reaksyon: Kung ilan at anong uri ng mga reaksyon ang nakuha ng stream.

Analytics sa level ng channel

  • Average na Magkakasabay na manonood: Ang average na bilang ng mga sabay-sabay na manonood na nahikayat mo sa lahat ng iyong stream.
  • Peak ng Magkakasabay na manonood: Ang maximum na bilang ng mga sabay-sabay na manonood na nahikayat mo sa lahat ng iyong stream.
  • Oras na na-stream: Kabuuang bilang ng mga oras na nabuo sa live streaming mula period x hanggang y.

Mula sa YouTube Analytics

Sa YouTube Analytics puwede kang magbukud-bukod ayon sa Live, On demand, o Live at on demand.

Ang mga opsyon para pagbukud-bukurin ang data ay nasa dropdown na ‘Live at on demand’ sa YouTube Analytics

Makakatanggap ka ng Mga Ulat sa Haba ng Panonood para sa mga indibidwal na video o para sa isang channel, gaya ng mga karaniwang upload.

Kabilang sa mga ulat ang:

  • Haba ng Panonood
  • Pagpapanatili ng Audience
  • Demograpiko
  • Mga Lokasyon ng Pag-playback
  • Mga Source ng Trapiko at Mga Device

Makakakuha ka ng higit pang impormasyon tungkol sa data na available sa ulat sa Haba ng Panonood.

Sa Live streaming, puwede mong tingnan ang Peak na pagsasabay-sabay at ang mga mensahe sa chat. Available ang ulat sa antas ng video at magiging available ang mga sukatan sa YouTube Analytics sa loob ng ilang minuto pagkatapos ng iyong live stream. Puwede mong i-download ang data bilang CSV file.

Nakabatay sa Video ID ang data sa YouTube Analytics. Ipinoproseso at inaalisan ng spam ang data at sinusukat nito ang impormasyong naiiba sa nakukuha mo sa Live Control Room.

Matuto pa tungkol sa Pag-uulat sa Super Chat.

Tandaan: Hindi available ang mga ulat sa pakikipag-ugnayan at ulat sa kita kapag nagfi-filter para sa live. Matatanggap mo ang mensahe ng error na ito: "Hindi available ang data na ito sa live/on demand. Pakipili ang 'Live at on demand' o lumipat sa ibang ulat."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16136801703849626200
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false