Kung isa kang tagapagturo, posibleng maging interesado ka sa paggamit ng pang-edukasyong content ng YouTube. Narito ang ilang resource na makakatulong sa iyo at sa mga mag-aaral mong manatiling ligtas online.
Para sa mga kapana-panabik na aralin at pang-edukasyong resource, bumisita sa youtube.com/teachers, youtube.com/education, at youtube.com/schools.
Gumamit ng video sa silid-aralan
Hindi pag-aari ng YouTube ang content na naka-post sa site kaya wala ito sa posisyong pahintulutan kang gamitin ito. Ang aktwal lang na may-ari ng content ang makakapagbigay ng naturang pahintulot. Para makipag-ugnayan sa may-ari ng video, i-click ang kanyang channel. Naglilista ang ilang creator ng mga paraan kung paano makikipag-ugnayan sa kanila sa channel nila. Matuto pa tungkol sa kung paano makipag-ugnayan sa iba dito.
Turuan ang mga mag-aaral kung paano manatiling ligtas
Ang Curriculum ng YouTube sa Digital na Pagkamamamayan ay isang inisyatiba para sa online na edukasyon. Sa ilang maikling aralin lang, mabibigyang-kaalaman ng mga guro sa high school ang mga mag-aaral (na may edad na 13 taon +) sa mga paksa gaya ng:
- Mga patakaran ng YouTube
- Paano mag-ulat ng nilalaman sa YouTube
- Paano protektahan ang privacy online
- Paano maging mga responsableng miyembro ng komunidad ng YouTube
- Paano maging mga nakatuong digital na mamamayan
Iwasan ang potensyal na katutol-tutol na content
Puwede mong i-enable ang Restricted Mode, isang feature na nagbibigay-daan sa iyong isaad na ayaw mong makakita ng potensyal na katutol-tutol na content sa YouTube
Pag-uulat
- Hindi naaangkop na content: Kung makakakita ka ng video na sa palagay mo ay hindi naaangkop, i-flag ang video. Ito ang pinakamabilis na paraan para maipaalam sa amin ang potensyal na hindi naaangkop na content. Sinusuri ng mga espesyalista sa patakaran ng YouTube ang mga nafa-flag na video nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
- Privacy: Kung makakakita ka ng video na pinaniniwalaan mong lumalabag sa privacy ng isang mag-aaral, kapwa guro, o empleyado ng paaralan, idirekta siya o ang kanyang magulang sa aming Mga Alituntunin sa Privacy at proseso ng pagrereklamo hinggil sa privacy. Para sa mga reklamo sa privacy, aalisin lang namin ang content kung malinaw ang pagkakakilanlan ng (mga) itinatampok na indibidwal. Bisitahin ang seksyong Privacy ng aming Safety Center para matuto pa.
- Panliligalig: Isang magulang o legal na tagapag-alaga lang ang puwedeng maghain ng reklamo sa ngalan ng isang bata. Naglalaman ang aming artikulo sa Panliligalig at cyberbullying ng mga resource na puwede mong gamiting sanggunian kung may mga alalahanin ang isang mag-aaral o guro tungkol sa panliligalig sa YouTube.