Umaasa kaming iuulat o ifa-flag ng mga miyembro ng komunidad ng YouTube ang content na sa palagay nila ay hindi naaangkop. Anonymous ang pag-uulat ng content, kaya hindi malalaman ng ibang user kung sino ang nag-ulat.
Ano ang mangyayari pagkatapos kong mag-ulat ng content?
Kapag may iniulat na content, hindi ito awtomatikong aalisin. Susuriin ang iniulat na content sa mga alituntuning ito:
- Aalisin sa YouTube ang content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
- Puwedeng paghigpitan ayon sa edad ang content na posibleng hindi naaangkop sa mga nakababatang audience.
Para makita kung naalis ang isang video na iyong inulat, puwede mong tingnan ang iyong History ng pag-uulat.
Paano mag-ulat ng content
Sinusuri ng YouTube ang mga iniulat na video 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Puwedeng iulat ang isang video anumang oras matapos itong ma-upload sa YouTube. Kung walang makita ang aming team sa pagsusuri na anumang paglabag, hindi iyon mababago ng kahit gaano pa karaming pag-uulat, at mananatili ang video sa aming site.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa video na gusto mong iulat.
- Sa itaas ng video, i-tap ang Mga Setting Iulat .
- Piliin ang dahilang pinakaangkop sa paglabag sa video.
- I-tap ang IULAT.
Mag-ulat ng Short
- Mag-sign in sa YouTube.
- Pumunta sa Short na gusto mong iulat.
- Sa kanang sulok sa ibaba, i-tap ang Higit pa Iulat .
- Piliin ang dahilang pinakaangkop sa paglabag sa video.
- I-tap ang Iulat.
Tandaan: Para masuri ang status ng isang video na iniulat mo, sa isang computer, bisitahin ang iyong History ng pag-uulat. Matuto pa tungkol sa iyong History ng pag-uulat.
Mag-ulat ng channel
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa page ng channel na gusto mong iulat.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Iulat ang user .
- Opsyonal: Pumili ng mga partikular na video na lumalabag sa mga patakaran ng YouTube.
- I-tap ang Susunod.
- Opsyonal: Posibleng hilingin sa iyo ng magbubukas na window na maglagay ng higit pang detalye. Ilagay ang anupamang detalye na gusto mong i-share.
- I-tap ang Isumite.
Paalala: Kapag nag-ulat ka ng channel, hindi namin sinusuri ang mga video ng channel. Ginagamit namin ang mga video na puwede mong i-attach sa iyong ulat para maunawaan ang higit pa tungkol sa channel, pero hindi namin sinusuri ang mga video kung may mga paglabag sa mga ito. Kasama sa mga feature ng channel na sinusuri namin ang, pero hindi ito limitado sa, larawan sa profile, handle, at paglalarawan ng channel. Kung sa tingin mo ay may mga partikular na video sa isang channel na lumalabag sa aming mga patakaran, dapat mong iulat ang mga partikular na video.
Mag-ulat ng playlist
Puwede kang mag-ulat ng playlist kung lumalabag ang content, pamagat, paglalarawan, o mga tag nito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa playlist na gusto mong iulat.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Iulat ang playlist IULAT.
Mag-ulat ng thumbnail
Puwede kang mag-ulat ng thumbnail ng video na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa video na gusto mong iulat sa iyong home page, sa mga iminumungkahing video, o sa mga resulta ng paghahanap. Hindi ka puwedeng mag-ulat ng thumbnail mula sa page sa panonood ng isang video.
- Sa ilalim ng thumbnail, i-tap ang Higit pa Iulat .
- Piliin ang dahilang pinakaakma sa kung bakit mo gustong iulat ang thumbnail.
- I-tap ang IULAT.
Mag-ulat ng komento
Puwede kang mag-ulat ng komentong lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa komentong gusto mong iulat.
- I-tap ang Higit pa Iulat .
- Piliin ang dahilan kung bakit mo gustong iulat ang content.
- I-tap ang IULAT.
- Opsyonal: Bilang Creator, pagkatapos mong mag-ulat ng komento, puwede mong pigilang lumabas sa iyong channel ang mga komento ng indibidwal na iyon. Lagyan ng check ang box sa tabi ng I-hide ang user sa aking channel i-click ang OK.
Mali ang pagmarka sa aking komento bilang spam
Kung naniniwala kang mali na namarkahan bilang spam ang iyong komento, puwede kang makipag-ugnayan sa uploader at hilingin sa kanilang ibalik ang komento mo.
Puwedeng iulat ng mga miyembro ng komunidad ang mga hindi naaangkop na mensaheng iniiwan sa mga live stream.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa live stream kung nasaan ang mensaheng gusto mong iulat.
- I-tap ang mensahe Iulat.
- Piliin ang dahilang pinakaakma sa kung bakit mo gustong iulat ang mensahe.
- I-tap ang IULAT.
Kung makakita ka ng ad na hindi naaangkop o nilalabag ang mga patakaran ng Google Ads, puwede mo itong iulat. Punan at isumite ang form na ito.
Para mag-ulat ng ad mula sa isang video:
- Piliin ang Higit pa o Impormasyon sa ad.
- Piliin ang Iulat ang ad .
- Punan at isumite ang form. Susuriin ng aming team ang iyong ulat sa ad at aaksyunan ito kung naaangkop.
Tandaan: Puwede ka lang mag-ulat ng mga ad sa YouTube mobile o sa isang computer.
Mag-ulat ng content sa YouTube mula sa iyong TV
Puwede kang direktang mag-ulat ng video mula sa YouTube TV app.
- Buksan ang YouTube app .
- Pumunta sa video na gusto mong iulat.
- Pumunta sa Mga Setting Iulat.
- Piliin ang dahilan kung bakit mo gustong iulat ang video.
- Pagkatapos mong piliin ang dahilan, may lalabas na mensahe ng pagkumpirma.
Iba pang opsyon sa pag-uulat
Kung hindi tumpak na makuha ng proseso ng pag-uulat ang iyong isyu, mayroon kaming iba pang mekanismo sa pag-uulat na magagamit mo.
Pag-uulat sa privacy
- Pumunta sa content o channel na gusto mong iulat.
- Sa ilalim ng content o channel, i-click ang Higit pa Iulat .
- Sa lalabas na listahan, i-click ang Legal na isyu.
- Piliin ang may kaugnayang isyu. Kung hindi kasama ang iyong isyu, i-click ang Iba pang legal na isyu.
- Sa ibaba, i-click ang SUSUNOD.
- Punan ang form, at isumite ito.
For California users: Report content while signed out