Creative Commons

Mga pagbabago sa mga attribution ng video: Ihihinto na ang page ng mga attribution sa panonood pagkalipas ng Setyembre 2021 dahil sa limitadong paggamit. Puwede ka pa ring magdagdag ng attribution sa iyong mga video sa pamamagitan ng pag-update sa paglalarawan ng video mo.

Nagbibigay ang mga lisensya ng Creative Commons ng karaniwang paraan para mabigyan ng mga creator ng content ang ibang tao ng pahintulot na gamitin ang kanilang gawa. Pinapayagan ng YouTube ang mga creator na markahan ang kanilang mga video sa pamamagitan ng lisensyang CC BY ng Creative Commons.

Kung minarkahan mo ang iyong video gamit ang isang lisensyang CC BY, mapapanatili mo ang iyong copyright. Magagamit ulit ng ibang creator ang gawa mo alinsunod sa mga tuntunin ng lisensya.

Creative Commons sa YouTube

Available sa lahat ng creator ang kakayahang markahan ng Creative Commons license ang mga na-upload nang video.

Ang karaniwang lisensya ng YouTube pa rin ang magiging default na setting para sa lahat ng pag-upload. Para basahin ang mga tuntunin ng karaniwang lisensya ng YouTube, pumunta sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo.

Magagamit lang ang mga Creative Commons license sa 100% orihinal na content. Kung may claim sa Content ID sa iyong video, hindi mo mamamarkahan ng Creative Commons license ang video mo.

Sa pamamagitan ng pagmamarka ng Creative Commons license sa iyong orihinal na video, binibigyan mo ng karapatan ang buong komunidad ng YouTube na gamitin ulit at i-edit ang video na iyon.

Ang kwalipikado para sa Creative Commons license

Puwede mo lang markahan ng Creative Commons licenseang ang iyong na-upload nang video kung ang lahat ng content nito ay content na puwede mong lisensyahan sa ilalim ng lisensyang CC BY. Ang ilan sa mga halimbawa ng nalilisensyahang content ay:

  • Ang orihinal na nilalaman na gawa mo
  • Iba pang video na minarkahan ng lisensyang CC BY
  • Mga video sa pampublikong domain
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false