I-on o i-off ang Restricted Mode sa YouTube

Ang Restricted Mode ay isang opsyonal na setting na magagamit mo sa YouTube. Nakakatulong ang feature na ito na mag-screen out ng potensyal na pang-mature na content na posibleng hindi mo gustong makita o hindi gustong makita ng ibang gumagamit sa iyong mga device. 

Posibleng na-on ng administrator ng network ang Restricted Mode sa mga computer sa mga aklatan, unibersidad, at iba pang pampublikong institusyon.

Tandaan: Hindi magkatulad ang pag-on sa Restricted Mode at paghihigpit ayon sa edad ng mga video. Matuto pa tungkol sa content na pinaghihigpitan ayon sa edad.

Paano i-on at i-off ang Restricted Mode

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

I-on o i-off ang Restricted Mode

  1. Mag-sign in sa iyong account.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong larawan sa profile .
  3. Sa ibaba, i-click ang Restricted Mode.
  4. Sa lalabas na kahon sa kanang bahagi sa itaas, para i-on o i-off ang Restricted Mode, i-click ang I-activate ang Restricted Mode.

Mag-troubleshoot ng mga problema sa pag-off sa Restricted Mode

Kung inilagay mo na ang iyong username at password at naka-on pa rin ang Restricted Mode, puwede mong tingnan ang iyong mga setting sa page ng mga paghihigpit sa content sa YouTube para sa higit pang impormasyon. Susuriin ng tool kung na-set up ng administrator ang mga paghihigpit na ito, o kung ginagamit niya ang personal na account mo. May ipapakitang check mark sa tabi ng kaugnay na paghihigpit. Kung kailangan ng higit pang tulong, gagabayan ka ng tool papunta sa susunod na hakbang para sa pag-troubleshoot.

Tandaan: Nag-aalok ng mga filter ng content ang ilang provider ng mobile network. Nililimitahan ng mga filter na ito ang uri ng content sa web na maa-access mo kapag nakakonekta ang iyong device sa mobile network nito. Tingnan ang page ng mga paghihigpit sa content sa YouTube para makita kung mayroon kang anumang paghihigpit sa antas ng network o account. May ipapakitang check mark sa tabi ng kaugnay na paghihigpit, at isasaad ng text sa ibaba ang antas ng paghihigpit. Kung naka-on ang iyong mga paghihigpit sa DNS, at nakatakda sa “katamtaman” o “mahigpit" ang antas, na-on mo ang pag-filter ng content. Subukang makipag-ugnayan sa iyong mobile network provider para malaman kung paano pamahalaan o i-off ang setting na ito.

Kontrolin ang Restricted Mode para sa iyong pamilya

Kung isa kang magulang na gumagamit sa Family Link app, puwede mong i-on ang Restricted Mode para sa account ng iyong anak kung hindi siya kwalipikado para sa pinapatnubayang experience sa YouTube. Alamin kung paano i-on ang Restricted Mode sa mga setting ng Family Link app.

Kapag na-on ang Restricted Mode sa Family Link, hindi mababago ng iyong anak ang mga setting ng Restricted Mode sa alinman sa mga device kung saan siya naka-sign in.

Tandaan: Hindi mo mase-set up ang Restricted Mode para sa iyong anak kung siya ay:

Matuto pa tungkol sa Restricted Mode

  • Gumagamit kami ng maraming palatandaan, gaya ng pamagat ng video, paglalarawan, metadata, mga review ng Mga Alituntunin ng Komunidad, at mga paghihigpit sa edad para tumukoy at mag-filter ng posibleng pang-mature na content.
  • Fini-filter din sa Restricted Mode ang musika at mga video sa YouTube Music. Makakakita ka pa rin ng content na minarkahang Explicit, pero lalaktawan ito kung susubukan mo itong i-play. Minamarkahan ng mga artist at label na Explicit ang mga album at kanta batay sa sarili nilang mga alituntunin.
  • Available sa bawat wika ang Restricted Mode, pero dahil sa mga pagkakaiba sa mga nakagawian sa kultura at pagkasensitibo, puwedeng mag-iba-iba ang kalidad.
  • Kapag naka-on ang Restricted Mode, hindi mo makikita ang mga komento sa mga video na iyong pinapanood.
  • Gumagana ang Restricted Mode sa antas ng browser o device, kaya dapat mo itong i-on sa bawat browser na iyong gagamitin. Kung marami ang sinusuportahang profile ng iyong browser o device, dapat mong i-on ang mode na ito para sa bawat profile.
  • Mga Creator: Matuto tungkol sa kung paano naaapektuhan ng Restricted Mode ang iyong content.

Mga Speaker na may Assistant at Smart Display

  1. Buksan ang Home app sa iyong mobile device.
  2. I-tap ang Speaker o Smart Display na gusto mong baguhin.
  3. I-tap ang Mga Setting.
  4. I-tap ang Mga notification at digital wellness.
  5. I-tap ang Mga Setting ng YouTube.
  6. May dalawang paraan para makontrol mo ang mga setting ng Restricted Mode para sa iyong Smart Display:
    1. Puwede mong i-on o i-off ang Restricted Mode para sa iyong sarili, at
    2. Kung isa kang device manager, puwede mong i-on o i-off ang Restricted Mode para sa lahat ng iba pang user.
Tandaan: Nakatakda ang Restricted Mode sa level ng device. Kung hindi nagpe-play ang content sa device mo, tingnan ang iyong mga setting ng Restricted Mode. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2324797112097141980
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false