I-link ang iyong branded na content sa isang advertiser

Kung nakipagtulungan ka sa isang advertiser sa mga campaign sa branded na content, puwede na ngayong magpadala ang advertiser ng request para i-link ang content mula sa campaign sa kanilang Google Ads account. Kung tatanggapin mo ang kanilang request, matitingnan ng mga advertiser ang mga sukatan ng performance ng content sa Google Ads. Papayagan din ng YouTube ang advertiser (at anumang entity na naka-link sa Google Ads account ng advertiser) na i-target ang mga ad sa mga manonood ng iyong video sa YouTube, alinsunod sa pinapayagan sa lahat ng platform ng Google Ads.

Makakatulong sa iyo ang pag-link ng iyong branded na content sa advertiser mo na:

  • Pamahalaan ang mga partnership sa mga brand
  • I-share ang mga organic na sukatan ng video
  • Mapataas ang posibilidad na i-promote ng mga advertiser ang iyong content

Magmumula ang karamihan ng mga request sa pag-link sa mga advertiser na nakatrabaho mo dati, pero puwede kang makatanggap ng mga request mula sa mga brand na hindi mo pa naging partner. Ikaw ang bahala sa pagtanggap sa request sa pag-link ng advertiser, nakipagtulungan ka man sa kanila o hindi. Dapat mong palaging gawin ang pinakamainam para sa iyong channel.

Kung tatanggapin mo ang kanilang request, tandaang kakailanganin mong magbigay ng sapat na karapatan sa advertiser para magamit nila ang iyong video sa kanilang pag-advertise, at hindi kasama ang YouTube sa kasunduang iyon. Tiyaking nauunawaan mo ang mga tuntunin ng anumang kasunduang lalagdaan mo sa isang advertiser.

Tumanggap ng request sa pag-link

Kapag gustong i-link ng advertiser ang iyong content sa kanyang Google Ads account, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng email at mga notification sa YouTube at YouTube Studio. Puwede mong suriin at sagutin ang mga request sa YouTube Studio, sa YouTube Studio mobile app, at sa YouTube mobile app.

Kung pipiliin mo ang i-link sa iyong email, dadalhin ka nang direkta sa page na “Request sa pag-link ng brand” kung saan puwede mong i-link ang iyong video o tanggihan ang request.

Puwede mo ring suriin at sagutin ang mga request sa YouTube Studio:

  1. Sa computer, pumunta sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang menu, i-click ang Content .
  3. Hanapin ang nauugnay na video at sa tabi ng thumbnail ng video, i-click ang Mga Detalye .
  4. Sa seksyong “Pag-link ng brand,” sa tabi ng advertiser, i-click ang SURIIN ANG REQUEST SA PAG-LINK.
  5. Piliin kung gusto mong i-link ang iyong video o tanggihan ang request.

I-unlink ang iyong content

Puwede kang mag-unlink o ang advertiser ng naka-link na video anumang oras. Para mag-unlink ng video mula sa isang advertiser, mag-navigate sa seksyong “Pag-link ng brand” para sa iyong video at piliin ang I-UNLINK sa tabi ng advertiser.

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Gaano katagal na nananatili ang mga request sa pag-link?

Bagaman hindi nag-e-expire ang mga request sa pag-link ng video paglipas ng ilang partikular na panahon, puwedeng bawiin ng advertiser ang nakabinbing request sa pag-link. Puwede mo ring i-unlink ang video anumang oras. Aalisin ng pag-unlink ng iyong content ang mga sumusunod sa advertiser:
  • Access sa mga sukatan ng performance ng content
  • Kakayahang i-target ang mga ad sa mga manonood ng naka-link na content
Dagdag pa rito, kung na-delete o minarkahan bilang pribado ang ni-request na video, mag-e-expire ang request sa pag-link.

Kung ginagamit na ng advertiser ang aking mga video sa kanyang pag-advertise, kailangan ko bang i-link ang branded na content ko sa kanyang Google Ads account?

Hindi nire-require ang mga advertiser na i-link ang kanilang account sa iyong content para magpatakbo ng mga ad, pero inirerekomenda naming i-link ang branded na content mo sa kanilang account. Tinutulungan ka ng pag-link na pamahalaan ang iyong mga partnership sa brand nang mas madali at nagbibigay-daan ito sa advertiser na tingnan ang organic na performance ng video. Dagdag pa rito, puwede mong limitahan ang access sa content ng iyong channel sa pamamagitan ng pag-link lang ng isang video.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4670718832693300514
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false