Mag-explore ng mga paksa ng komento

Gumagamit ang mga paksa ng komento ng artificial intelligence (AI) para ayusin at ibuod ang mga komento sa mga video sa YouTube. Makakatulong sa iyo ang feature na ito na tumuklas ng mga tema sa mga seksyon ng komento at sumali sa talakayan nang hindi kinakailangang basahin ang bawat komento.

Hindi lumalabas sa lahat ng video ang mga paksa ng komento. Sa ngayon, available lang ang feature na ito sa malalaking seksyon ng komento sa YouTube mobile app para sa mga video at komentong nasa English.

Para magsimula, buksan ang seksyon ng mga komento sa YouTube mobile app. Kung available, i-tap ang Mga Paksa  para mag-browse ng mga paksa ng komento. 

Ibinubuod ng AI ang mga paksa at hindi ng mga tao, kaya posibleng iba-iba ang kalidad at katumpakan.

Mga FAQ

Puwede ko bang i-off ang mga paksa ng komento?

Hindi. Sa ngayon, hindi mo puwedeng i-off ang mga paksa ng komento.

Kung gusto mong magsumite ng feedback tungkol sa mga paksa, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

Kung isa kang creator, matuto pa tungkol sa pag-moderate ng mga paksa ng komento.

Puwede ba akong magsumite ng feedback tungkol sa mga paksa ng komento?

Puwede mong ipaalam sa amin ang iyong naiisip tungkol sa mga paksa, o mag-ulat ng mga pagkakamali, sa pamamagitan ng pagsumite ng feedback.

Para magbigay ng feedback:

  1. Buksan ang seksyon ng mga komento ng isang video sa YouTube app.
  2. I-tap ang Mga Paksa .
  3. I-tap ang Higit pa ''.
  4. I-tap ang Magpadala ng feedback

Paano ginagamit ang iyong feedback?

Ang feedback ay:

  • Sinusuri ng mga team na may espesyal na pagsasanay. Kinakailangan ang pagsusuri ng tao para makatulong sa pagtukoy, paglutas, at pag-ulat ng mga potensyal na problemang binanggit sa feedback, kabilang ang nire-require sa ilalim ng mga naaangkop na batas.
  • Ginagamit nang naaayon sa aming Patakaran sa Privacy. Ginagamit ng YouTube ang data na ito para magbigay, magpahusay, at mag-develop ng mga produkto, serbisyo, at teknolohiya ng machine learning ng YouTube, gaya ng mas detalyadong ipinapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16125502381412649965
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false