Inaalis o pinaghihigpitan ang content sa YouTube kapag napag-alamang lumalabag ito sa isa sa aming mga patakaran, gaya ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad, o kapag may nilalabag itong batas. Para matukoy kung lumalabag ang content, gumagamit kami ng kumbinasyon ng mga naka-automate na system at mga pagsusuri ng tao.
Mga naka-automate na system
Gumagamit ng machine learning ang aming mga naka-automate na system, na nagbibigay-daan sa mga itong gumamit ng data mula sa mga nakaraang pagsusuri ng tao para tumukoy ng potensyal na lumalabag na content.
Tuloy-tuloy na binibigyan ang karamihan sa aming mga system ng milyon-milyong data point mula sa mga pagsusuri ng tao. Ibig sabihin nito, nakakapag-alok ang aming mga naka-automate na system ng mataas na level ng katumpakan sa pag-detect ng mga paglabag. Mabilis ding nasasagot ng aming mga naka-automate na system ang aming mga user para sa napakaraming content na natatanggap ng YouTube.
Kapag mataas ang kumpiyansa ng aming mga system na lumalabag ang content, posibleng gumawa ang mga ito ng naka-automate na desisyon. Gayunpaman, sa karamihan ng mga sitwasyon, ifa-flag lang ng aming mga naka-automate na system ang content sa isang sinanay na taong tagasuri para masuri bago gumawa ng anumang pagkilos.
Mga pagsusuri ng tao
Kapag sinusuri ng isang taong tagasuri ang potensyal na lumalabag na content, nangangahulugan itong sinusuri ng isang sinanay na tao ang content at gumagawa siya ng desisyon batay sa nauugnay na patakaran o batas.
Kung mapapatunayang lumalabag ang content, puwedeng alisin ng aming mga taong tagasuri ang content o paghigpitan ito ayon sa edad kung hindi ito naaangkop para sa lahat ng audience. Kung may layuning pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining ang content, posibleng payagan namin itong manatili sa YouTube.
Kapag nakagawa na ng desisyon sa content, kung iaapela ang desisyon, susuriin ng isang tao ang apela at pagpapasyahan ito batay sa sitwasyon.
Mga madalas itanong (Mga FAQ)
Higit pang impormasyon
Mga Alituntunin ng Komunidad
Paano tinutukoy ng YouTube ang mga paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad
Copyright
Paano sinusuri ng YouTube ang mga request sa pag-aalis dahil sa copyright
Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP)
Paano ipinapatupad ng YouTube ang mga patakaran sa pag-monetize ng YouTube
Paano sinusuri ng YouTube ang mga aplikasyon sa YPP
Privacy
Paano tinutukoy ng YouTube kung dapat alisin ang content dahil sa paglabag sa privacy