Ang YouTube ang isa sa pinakamalalaking search engine sa buong mundo. Ang pagsusulat ng mga paglalarawan gamit ang mga keyword ay makakatulong sa mga manonood para mas madali nilang mahanap ang iyong mga video sa pamamagitan ng paghahanap.
May Halaga Pa Ba Ang Mga Pamagat At Paglalarawan? | Master Class #2 ft. Carina Fragozo
Pagsusulat ng iyong paglalarawan
Ipinapaalam ng mga paglalarawan sa algorithm ng YouTube at sa iyong mga manonood kung tungkol saan ang video. Puwede mong isipin ang paglalarawan bilang dalawang bahagi - kung ano ang nakikita ng mga manonood bago nila i-click ang “Magpakita pa” sa desktop o “higit pa” sa mobile at kung ano ang nakikita nila pagkatapos. Pag-isipang gamitin ang unang ilang linya ng iyong paglalarawan para ilarawan ang video mo dahil ito ang unang makikita ng mga manonood.
Kailangang i-click ng mga manonood ang link para makita ang kumpletong paglalarawan.
Ang ikalawang bahagi ng paglalarawan ay puwedeng maglaman ng iba pang impormasyon tungkol sa iyong channel para matuto pa ang mga manonood. Puwede ka ring gumawa ng default na paglalarawan na maglalagay ng pangunahing impormasyon ng channel sa lahat ng video na ia-upload mo. Ang paglalarawan ay puwedeng maglaman ng maximum na 5000 character.
- Tiyakin na may natatanging paglalarawan ang bawat video; mas mapapadali nito ang paghahanap, at makakatulong ito para maging mas kapansin-pansin ang isang video kumpara sa mga katulad nitong video.
- Tumukoy ng 1-2 pangunahing salita na naglalarawan sa iyong video at malinaw na itampok ang mga ito sa paglalarawan at pamagat mo.
- Gamitin ang tab na Pananaliksik sa YouTube Analytics at Keyword Planner ng Google Ads para makatukoy ng mga sikat na keyword at mga kasingkahulugan ng mga ito. Ang pagdaragdag ng mga terminong ito ay makakatulong para ma-maximize mo ang traffic mula sa paghahanap.
Itinutugma ang mga termino para sa paghahanap sa video at sa text sa paglalarawan para matulungan ang mga manonood na mahanap ang iyong content.
I-customize ang iyong paglalarawan
Text lang ang puwedeng maipakita sa field ng paglalarawan, pero puwede mo itong i-format.Puwede kang mag-bold, mag-italicize, o mag-strikethrough ng text.
Sa mobile, i-highlight ang text na gusto mong i-format para mabuksan ang bar ng pag-edit, pagkatapos ay pumili ng opsyon sa pag-format. Para magdagdag ng mga bullet na listahan sa paglalarawan, gamitin ang "*," "+," o "-," sa simula ng linya na sinusundan ng space.Sa iyong computer, puwede kang direktang mag-format ng text sa box ng paglalarawan gamit ang mga opsyon sa ibaba.
Puwede kang magdagdag ng mga interactive na feature na makakatulong sa pagpapadami ng mga panonood, pag-highlight ng mga pakikipag-collaborate, at pagpapalago ng iyong subscriber base.
- Gumamit ng mga kabanata ng video para matulungan ang mga manonood na makalaktaw sa mahahalagang bahagi ng mas mahahabang video.
- Mag-link sa mga playlist ng mga kaugnay na video.
- Ipamalas ang mga pakikipag-collaborate gamit ang mga credit at i-mention ang mga channel at mga taong tumulong sa iyo.
- Kung gusto mong magpakita ng mahahalagang link para sa iyong audience, puwede kang magdagdag ng mga link sa profile ng channel.
Gamitin ang data
Tulungan ang iyong video na lumabas sa paghahanap sa YouTube. Sa YouTube Analytics, tingnan ang ulat na ‘Paano nahanap ng mga manonood ang iyong’ para maunawaan ang abot at engagement ng content mo. Nawawala ba ang ilan sa mga salitang ito sa iyong paglalarawan? Kunwari hinahanap mo ang iyong video, ano ang ita-type mo sa search bar? Kapag mayroon ang mga salitang iyon sa iyong paglalarawan, mas madaling mahahanap ng mga tao ang content mo.
Ipapakita ng mga ulat na ‘Paano nahanap ng mga manonood ang iyong’ sa analytics kung ano ang mga pinakaginagamit na termino para sa paghahanap ng mga manonood para mahanap ang content mo.
Inirerekomenda naming
- Punan ang field ng text para sa default na paglalarawan para awtomatikong magpakita ng karagdagang impormasyon sa lahat ng iyong mga video.
- Tingnan kung paano lumalabas ang paglalarawan ng iyong video sa paghahanap sa YouTube, sa page sa panonood ng video, at sa iba't ibang mobile device. Lumalabas ba ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng gusto mo?
Susunod: tingnan ang mga tip sa iskedyul ng pag-upload