Ayusin ang mensahe ng error sa YouTube na “Hindi available sa app na ito ang sumusunod na content”

Kung nakakatanggap ka ng mensahe ng error na nagsasabing, “Hindi available sa app na ito ang sumusunod na content,” hindi sinusuortahan ng app na ginagamit mo ang content sa YouTube. Para manood ng content sa YouTube, subukan ang mga sumusunod na hakbang.

Lumipat sa YouTube app

Kung gumagamit ka ng third-party app para makapunta sa YouTube, posibleng kailangan mong lumipat sa YouTube app. Alamin kung paano i-download ang YouTube app o i-access ang www.youtube.com sa iyong browser. Para sa experience na walang ad, puwede kang mag-sign up para sa YouTube Premium.

Tungkol sa YouTube at mga third-party app

Pinapayagan lang namin ang mga third-party app na gamitin ang aming API kapag sinusunod ng mga ito ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Mga Serbisyo ng API. Hindi pinapayagan ng aming Mga Tuntunin na i-off ng mga third-party app ang mga ad dahil pipigilan nitong mabigyan ng reward ang mga creator para sa kanilang mga manonood. Kapag may nakita kaming app na lumalabag sa aming Mga Tuntunin, magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos para protektahan ang aming platform, mga creator, at manonood.

I-update ang YouTube app

Kung gagamitin mo ang YouTube app, tiyaking na-update ito sa pinakabagong bersyon. Matutunan kung paano i-update ang YouTube app.

Tandaan:

  • Kung patuloy kang makakatanggap ng error, tiyaking up to date ang Google Play Store sa iyong device. Alamin kung paano i-update ang Google Play Store.
  • Para patuloy na magamit ang YouTube nang hindi ina-update ang app, sa iyong mobile browser, pumunta sa m.youtube.com.

Mga mas lumang device

Kung makakatanggap ka pa rin ng mensahe ng error, posibleng mas luma ang iyong device o configuration ng device. Para magpatuloy na gamitin ang YouTube nang hindi pinapalitan ang iyong device, sa mobile browser mo, pumunta sa m.youtube.com.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16302026715200307392
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false