Mamahala ng Plan ng Pamilya sa YouTube

Mag-set up ng plan ng pamilya sa YouTube para maging manager ng pamilya. Bilang manager ng pamilya, puwede mong ibahagi ang iyong membership sa YouTube Premium o YouTube Music Premium. Puwede mong i-share ang iyong membership sa hanggang 5 pang miyembro ng pamilya sa sambahayan mo. Kung isa kang miyembro ng pamilya, puwede kang sumali sa grupo ng pamilya para magbahagi ng plan ng pamilya sa YouTube. 

Tandaan: Kung miyembro ka ng isang kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google, hindi ka makakabili ng plan ng pamilya sa YouTube. Ang manager ng iyong grupo ng pamilya lang ang makakabili.

Mga bagay na dapat malaman bago magsimula

  • Nakatira dapat sa bahay ng manager ng pamilya ang mga miyembro ng pamilya na naghahati sa isang plan ng pamilya sa YouTube. Matuto pa tungkol sa mga kinakailangan ng grupo ng pamilya at kung ano ang dapat gawin kung makaranas ka ng mga error habang sine-set up ang iyong plan ng pamilya
  • Isang beses kada 12 buwan ka lang puwedeng lumipat ng grupo ng pamilya.
  • Ibabahagi sa grupo ang pangalan, larawan, at email address ng bawat miyembro ng pamilya.
  • Kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube TV, puwede kang makipag-ugnayan sa suporta anumang oras.

Paano Gumawa ng Mga Grupo ng Pamilya sa YouTube at YouTube TV

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mga manager ng pamilya: Mag-sign up at gumawa ng grupo ng pamilya

Mga bagong miyembro ng YouTube Premium o Music Premium

Para magsimula, pumili ng manager ng pamilya na 18 taong gulang pataas. Ang manager ng pamilya lang ang puwedeng bumili ng plan ng pamilya o magdesisyon hinggil sa membership. Matuto pa tungkol sa pag-sign up para sa may bayad na membership sa YouTube.

Para mag-sign up para sa membership sa YouTube Premium o Music Premium at gumawa ng grupo ng pamilya:

  1. Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga pagbili at membership.
  2. Makikita mo ang mga opsyon sa may bayad na membership para sa YouTube Music Premium at YouTube Premium. I-click ang Matuto Pa para sa subscription na gusto mong bilhin.
  3. I-click ang O makatipid sa family o student plan.
  4. I-click ang Kumuha ng plan ng pamilya.
  5. Kung ikaw ang manager ng pamilya ng kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google, makakakita ka ng dialog na nagkukumpirma sa iyong grupo ng pamilya. Piliin ang Magpatuloy para magpatuloy sa pagbili at ma-share ang iyong plan ng pamilya sa mga miyembro ng kasalukuyan mong grupo ng pamilya. Kung hindi naaangkop sa iyo ang hakbang 5, lumaktaw sa hakbang 6.
  6. Kung wala ka pang grupo ng pamilya sa Google, sundin ang mga hakbang para bilhin muna ang iyong subscription. Pagkatapos ay gagabayan ka sa proseso ng paggawa ng grupo ng pamilya.
Tandaan: Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign up para sa isang plan ng pamilya, ito ay posibleng dahil may ilan kang profile sa mga pagbabayad sa Google Play. Kung gayon, alamin kung paano i-update o palitan ang iyong profile ng bansa/rehiyon.

Mga kasalukuyang miyembro ng YouTube Premium o Music Premium

Para i-upgrade sa plan ng pamilya ang iyong indibidwal na membership sa Premium o Music Premium:
  1. Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga pagbili at membership.
  2. I-tap ang Kumuha ng plan ng pamilya.
  3. I-tap ulit ang Kumuha ng plan ng pamilya.
  4. I-tap ang Bilhin.
  5. I-set up ang iyong grupo ng pamilya sa Google.
    • Ikaw ba ang manager ng pamilya ng kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google? Piliin ang Magpatuloy para magpatuloy at ma-share ang YouTube Premium sa mga miyembro ng iyong kasalukuyang grupo ng pamilya.
    • Gumagawa ka ba ng grupo ng pamilya sa Google? Para mag-set up ng grupo ng pamilya:
      • Mag-imbita ng hanggang limang miyembro ng pamilya na sumali sa iyong grupo ng pamilya, at magpadala sa kanila ng mga imbitasyon sa pamamagitan ng email o text.
      • Piliin ang Ipadala.
      • Makakatanggap ng imbitasyon ang mga miyembro ng pamilya, at puwede nilang piliin ang Magsimula at kumpirmahin ang kanilang account.
      • Makakasali sa grupo ng pamilya at magkakaroon ng access sa YouTube Premium ang mga miyembro ng pamilya na tatanggap sa iyong imbitasyon.
    • Isa ka bang miyembro ng pamilya ng isang kasalukuyang grupo ng pamilya sa Google? Hindi ka makakabili ng YouTube Premium, pero puwede mong hilingin sa iyong manager ng pamilya na bumili nito.
Mga Paalala:
  • Hindi naililipat sa mga plan ng pamilya sa YouTube ang mga espesyal na alok. Kung mag-a-upgrade ka sa plan ng pamilya habang nasa trial na mas mahaba sa 1 buwan, papaikliin ang iyong trial sa 1 buwan. Kung kakanselahin mo ang iyong plan ng pamilya sa ibang pagkakataon, hindi ka na makakabalik sa trial mo. Matuto pa tungkol sa pag-update ng iyong may bayad na membership sa YouTube.
  • Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign up para sa isang plan ng pamilya, posibleng ito ay dahil may ilan kang profile sa mga pagbabayad sa Google Play. Kung ganoon nga, alamin kung paano i-update o palitan ang iyong profile ng bansa/rehiyon.
  • Kung mayroon kang taunang plano, kakailanganin mong maghintay hanggang sa mag-expire ang iyong plan bago mag-upgrade sa plan ng pamilya.

Mga manager ng pamilya: Magdagdag o mag-alis ng mga miyembro ng pamilya

Magdagdag ng mga miyembro ng pamilya

Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede kang mag-imbita ng hanggang 5 miyembro ng pamilya sa iyong grupo ng pamilya.
Magdagdag ng miyembro ng pamilya:
  1. Mag-sign in sa Google Account na nauugnay sa iyong may bayad na membership sa YouTube.
  2. Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga pagbili at membership.
  3. I-tap ang I-edit sa tabi ng mga setting ng Pag-share sa pamilya.
  4. I-tap ang Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya.
  5. Ilagay ang email address o numero ng telepono ng taong gusto mong imbitahan.
  6. Piliin ang Ipadala. Makakatanggap ka ng notification sa email kapag may sumali sa iyong pamilya.

Mag-alis ng mga miyembro ng pamilya

Kung ikaw ang manager ng pamilya, puwede kang mag-alis ng mga tao sa iyong grupo ng pamilya anumang oras.
Mag-alis ng miyembro ng pamilya:
  1. Mag-sign in sa Google Account na nauugnay sa iyong may bayad na membership sa YouTube.
  2. Sa YouTube app, mag-tap sa iyong larawan sa profile at pagkatapos ay Mga pagbili at membership.
  3. I-tap ang iyong membership.
  4. I-tap ang I-edit sa tabi ng mga setting ng Pag-share sa pamilya.
  5. Piliin ang pangalan ng taong gusto mong alisin.
  6. I-click ang Alisin ang miyembro.

Mga manager ng pamilya: Iba pang gawain ng manager ng pamilya

Baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad

Alamin kung paano i-update ang iyong may bayad na membership sa YouTube, kabilang ang paraan ng pagbabayad.

Kanselahin ang iyong may bayad na membership

Puwede mong kanselahin ang iyong may bayad na membership sa YouTube anumang oras. Kapag nagkansela ka, may access ka pa rin sa iyong may bayad na membership sa YouTube hanggang sa katapusan ng buwanan mong yugto ng pagsingil. Pagkatapos nito, mawawalan ng access ang lahat ng miyembro ng pamilya sa may bayad na membership, pero hindi mawawala ang kanilang mga Google Account.

 Mga miyembro ng pamilya: Sumali o umalis sa isang grupo ng pamilya

Sumali sa isang grupo ng pamilya

Kung inimbitahan ka ng manager ng pamilya na may bayad na membership sa YouTube na sumali sa grupo ng pamilya, makakatanggap ka ng imbitasyon sa email o text. Sundin ang mga tagubilin sa imbitasyon para sumali sa grupo ng pamilya.
Matuto pa tungkol sa pagsali sa isang grupo ng pamilya.

Umalis sa isang grupo ng pamilya o kumuha ng indibidwal na may bayad na membership sa YouTube

Alamin kung paano umalis o lumipat ng grupo ng pamilya. Para makakuha ng sarili mong may bayad na membership sa YouTube:
  1. Sundin ang mga tagubilin para umalis sa iyong grupo ng pamilya.
  2. Mag-sign up para sa sarili mong may bayad na membership sa YouTube.
Tandaan: Kung aalis ka sa iyong grupo ng pamilya, puwede kang tumanggap ng imbitasyong sumali sa ibang grupo ng pamilya o gumawa ng sarili mong grupo. Isang beses ka lang puwedeng lumipat ng grupo ng pamilya kada 12 buwan. Kung aalis ka sa isang grupo ng pamilya at sasali ka sa bagong grupo ng pamilya, hindi ka makakasali sa ibang grupo ng pamilya sa loob ng 12 buwan.

Mga requirement sa lokasyon para sa mga plan ng pamilya

Mga requirement sa lokasyon para sa plan ng pamilya

Para maging kwalipikadong mag-share ng family membership sa YouTube, nakatira dapat ang bawat miyembro ng pamilya sa residensyal na address kung saan nakatira ang manager ng pamilya. Kada 30 araw, may electronic na pag-check in na magkukumpirma sa requirement na ito.

Nagkakaproblema ka ba sa pag-set up ng iyong plan ng pamilya? Kung nagakakaroon ka ng mensahe ng error na:

  • "Hindi sinusuportahan ang pamilya"

O

  • "Hindi sinusuportahan ang bansa"

Posibleng hindi tumutugma sa kasalukuyan mong lokasyon ang bansa/rehiyong nakalista sa iyong Google Pay account.

I-update ang iyong profile sa Google Pay para tumugma sa kasalukuyang lokasyon mo, at ipagpatuloy ang pag-set up ng iyong plan ng pamilya.

Kung hindi tumutugma sa iyong lokasyon ang lokasyon ng bansa/rehiyon ng isang miyembro ng pamilya, hindi siya makakasali sa grupo ng pamilya.

Makipag-ugnayan sa suporta anumang oras kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube.

Makipag-ugnayan sa suporta anumang oras kung kailangan mo ng tulong sa iyong plan ng pamilya sa YouTube.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2860538693793932877
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false