Mga update at promosyon sa YouTube Premium at Music Premium

Gamitin ang artikulong ito para manatiling up to date sa lahat ng pampromosyong alok at update sa iyong membership sa YouTube Premium o YouTube Music Premium. Matuto pa tungkol sa YouTube (na may mga ad) dito.

Mga pinakabagong update

Mga update mula sa nakalipas na 2 linggo

  • Available na ang YouTube Premium at YouTube Music Premium sa mga bagong bansa/rehiyon: Available na ngayon ang YouTube Premium at YouTube Music Premium sa mga user sa Azerbaijan, Jamaica, Kazakhstan, Libya, Morocco, Réunion, Tanzania, Uganda, Yemen, at Zimbabwe. Sa Premium, magagawa mong manood ng YouTube nang walang ad, ma-enjoy ang unlimited na musika sa YouTube Music app, mag-save ng mga video offline, at higit pa. Sa Music Premium, magagawa mong makinig sa musika nang walang ad, offline, at naka-off ang iyong screen sa YouTube Music app. Mag-sign up para sa Premium o Music Premium, at matuto pa tungkol sa mga benepisyo sa Premium at mga benepisyo sa Music Premium.

Mga nakaraang update

Mga update mula sa nakalipas na 6 na buwan

 

Disyembre 2023

  • Update sa pagpepresyo ng membership sa South Korea: Simula sa December 8 2023 KST, magtataas na ang presyo ng YouTube Premium at YouTube Music Premium. Hindi madali ang mga pagpapasyang ito, at mabibigyang-daan kami ng update na ito na patuloy na mapahusay ang Premium at masuportahan ang mga creator at artist na pinapanood mo sa YouTube. Makikita ng mga dati nang miyembro ang bago nilang buwanang rate sa kanilang susunod na yugto ng pagsingil. Para makita ang iyong kasalukuyang presyo o maunawaan kung paano ka sinisingil, pumunta sa page na Mga Pagbili at Membership mula sa account mo. Matuto pa tungkol sa pagbabagong ito sa presyo rito.
  • Available na ang YouTube Premium at YouTube Music Premium sa mga bagong bansa/rehiyon: Available na ngayon ang YouTube Premium at YouTube Music Premium sa mga user sa Algeria, Cambodia, Georgia, Ghana, Iraq, Jordan, Kenya, Laos, Tunisia, at Senegal. Sa Premium, magagawa mong manood ng YouTube nang walang ad, ma-enjoy ang unlimited na musika sa YouTube Music app, mag-save ng mga video offline, at higit pa. Sa Music Premium, magagawa mong makinig ng musika nang walang ad, offline, at habang naka-off ang iyong screen. Mag-sign up para sa Premium o Music Premium, at matuto pa tungkol sa mga benepisyo sa Premium at mga benepisyo sa Music Premium.

Nobyembre 2023

  • Tingnan ang aming mga pinakabagong feature sa Premium: Mula sa maagang pag-access, mga AI-powered na pang-eksperimentong feature, higit pang kontrol sa iyong experience sa panonood, hanggang sa walang ad at offline na pag-play sa background at walang-patid na experience sa pakikinig ng musika, narito ang ilan sa aming mga pinakabagong feature sa Premium para sa mga pro user — kasama ang mga bagong update na puwede mong subukan ngayong araw. Magbasa pa tungkol dito sa aming blog.
  • Update sa pagpepresyo ng membership sa Argentina, Australia, Austria, Chile, Germany, Poland, at Türkiye: Simula sa Nobyembre 1, 2023, magtataas na ang presyo ng YouTube Premium at YouTube Music Premium individual, family, at student plan. Tataasan din namin ang mga presyo ng mga taunang plano sa Germany at Türkiye. Hindi madali ang mga pagpapasyang ito, at mabibigyang-daan kami ng update na ito na patuloy na mapahusay ang Premium at Music Premium at masuportahan ang mga creator at artist na pinapanood at pinapakinggan mo sa YouTube. Makikita ng mga dati nang miyembro ang bago nilang buwanang rate sa kanilang susunod na yugto ng pagsingil. Para makita ang iyong kasalukuyang presyo o maunawaan kung paano ka sinisingil, pumunta sa page na Mga Pagbili at Membership sa iyong account. Matuto pa tungkol sa mga pagbabago sa presyo para sa mga may bayad na produkto sa YouTube dito.

Oktubre 2023

  • Makinig sa YouTube Music sa HomePod at Fitbit: Kung isa kang miyembro ng YouTube Music Premium o YouTube Premium, puwede kang makinig sa na-download na musika at mga podcast sa mga sinusuportahang Fitbit at Apple HomePod. Matuto pa.

Setyembre 2023

  • Makinig sa mga podcast sa YouTube Music: Kung nasa Europe, Middle East, o Africa ka, available na ang mga podcast sa YouTube Music app. Maghanap ng mga podcast na gusto mo at pakinggan ang mga ito sa background, anuman ang iyong status bilang miyembro. Alamin kung paano maghanap ng mga podcast sa YouTube Music.
  • Makinig sa mga podcast sa YouTube Music: Kung nasa Canada, Latin America, Asia, o Pacific Islands ka, available na ang mga podcast sa YouTube Music app. Maghanap ng mga podcast na gusto mo at pakinggan ang mga ito sa background, anuman ang iyong status bilang miyembro. Alamin kung paano maghanap ng mga podcast sa YouTube Music.
  • Manood ng mga video sa 1080p Premium: Sa YouTube Premium, mapapanood mo ang mga video sa 1080p Premium sa computer, TV, at mga mobile device.  Matuto pa tungkol sa kung paano baguhin ang kalidad ng iyong video dito.

Hulyo 2023

Available na ang YouTube Premium sa mga bagong bansa/rehiyon: Available na ngayon ang YouTube Premium sa mga user sa Bangladesh, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Sa Premium, magagawa mong manood ng YouTube nang walang ad, ma-enjoy ang unlimited na musika sa YouTube Music app, mag-save ng mga video offline, at higit pa. Mag-sign up para sa YouTube Premium o matuto pa tungkol sa mga benepisyo sa Premium.

Abril 2023

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3680401822246487239
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false