Magsumite ng counter notification para sa isang Art Track

Nalalapat lang ang artikulong ito sa mga user ng Content Managerng YouTube Studio na naghahatid ng Mga Art Track. Dapat mag-refer ang iba pang user sa artikulong ito para magsumite ng counter notification.

Kung sa tingin mo ay hindi dapat tinanggal ang iyong Art Track, puwede kang magsumite ng counter notification. Ang counter notification ay isang legal na kahilingan para magbalik ng content na inalis para sa pinaghihinalaang paglabag sa copyright.

Makikita mo ang isang listahan ng Mga Art Track na inalis para sa pinaghihinalaang paglabag sa copyright mula sa page na Mga Ulat  sa Content Manager ng YouTube Studio. Matuto pa.

Magsumite lang ng counter notification kung sa tingin mo ay naalis ang iyong content dahil sa isang pagkakamali o maling pagtukoy ng content.

Mga Paalala:

  • Tiyaking ipadala ang iyong counter notification mula sa isa sa mga pangunahing email address sa notification na nakalista sa mga setting ng iyong Content Manager o sa isang email address sa domain ng website ng iyong kumpanya.
  • Dapat na kasama ang lahat ng kinakailangan sa ibaba sa nilalaman ng isang email (hindi bilang attachment) at ipinadala sa copyright@youtube.com.

Mga kinakailangan sa counter notification

1. Linya ng paksa ng email

Ang paksa ng iyong email ay dapat na "YouTube Copyright Counter Notification".

2. Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Kailangan namin ang sumusunod na impormasyon para makipag-ugnayan sa iyo, o sa isang pinapahintulutang ahenteng kikilos sa ngalan mo, tungkol sa iyong counter notification:

  • Buong legal na pangalan (pangalan at apelyido, hindi pangalan ng kumpanya)
    • Kung ikaw ang pinapahintulutang ahente ng isang distributor, tulad ng isang abugado, tiyaking isasama mo rin ang iyong ugnayan sa distributor.
  • Email address
  • Pisikal na address
  • Numero ng telepono

3. Mga partikular na URL ng mga pinag-uusapang art track

Kasama dapat sa iyong counter notification ang mga link sa Art Track na tinanggal. Hindi sapat ang pangkalahatang impormasyon gaya ng pangalan ng channel o URL ng channel.

Dapat na ipadala ang mga link sa isang partikular na format ng URL at kasama dapat sa nilalaman ng email (hindi bilang naka-attach na file). Ang valid na format ng URL ay: www.youtube.com/watch?v=xxxxxxxxxxx

Huwag magsumite ng mahigit sa 30 art track bawat email.

4. Mga legal na pahayag

Sumang-ayon sa at isama ang sumusunod na dalawang pahayag sa nilalaman ng iyong email:

  • "Sumasang-ayon ako sa hurisdiksyon ng Federal District Court para sa distrito kung saan matatagpuan ang aking address, o kung ang aking address ay nasa labas ng United States, ang distritong panghukuman kung saan matatagpuan ang YouTube, at tatanggapin ko ang serbisyo ng proseso mula sa naghahabol."
  • "Sumusumpa ako, nang nababatid ang parusa sa panunumpa nang walang katotohanan, na naniniwala ako nang may magandang loob na inalis o na-disable ang materyal dahil sa isang pagkakamali o maling pagtukoy sa materyal na aalisin o idi-disable."

5. Lagda

Kinakailangan ng kumpleo at valid na mga counter notification ang pisikal at electronic na lagda ng partner o pinapahintulutang ahente para kumilos sa ngalan nila.

Para matugunan ang kinakailangang ito, puwede ka (ang partner), o ang isang pinapahintulutang ahente, na maglagay ng buong legal na pangalan bilang lagda sa ibaba ng kanyang notification. Dapat ay pangalan at apelyido ang isang buong legal na pangalan, hindi pangalan ng kumpanya.

6. Pahayag sa naghahabol

Magsama ng pahayag sa naghahabaol na nagpapaliwanag kung bakit sa tingin mong ang pagtatanggal ng iyong video ay isang pagkakamali o maling pagtukoy.

Ipadala lahat ng impormasyon sa itaas sa nilalaman ng isang email (hindi bilang attachment) sa copyright@youtube.com.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5337277223584225188
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false